"Papapasukin mo ba ko oh ano?" binuksan ko nalang yung pintuan ng condo KO habang hawak yung mga pinamili niyang ingredients kanina sa palengke. Sabe niya kasi wala daw siyang makakain dito sa condo ko dahil puro preservatives lahat at kundi biscuit eh mga noodles, di naman ako makapagreklamo dahil takot akong mahampas ng babaeng to.Super cute, pero super sadista. Haaay.
Malamya ko nalang na ibinagsak ang sarili ko sa sofa dahil ramdam ko pa yung pagod ng tuhod ko sa paglalakad namin. Pwede naman kasing siya nalang ang mamile eh hindi ko naman alam na kelangan pa pala niya ng driver at taga buhat.
Bakit nga ba ko nagpapaalila sa babaeng to?
"Hoy! Iluto mo nato!" gamuntikan ko pang di masalo yung hinagis niyang isang pack ng sibuyas sa mukha ko. Bumuntong hininga nalang ako at tumayo. Wala pang ilang segundo yung pahinga ko tapos ngayon kikilos na naman ako?
Damn.Damn.Damn.
Paglapit ko sa kusina eh siya naman ang pumunta sa salas, hinubad niya yung napaka haba niyang boots na kapartner pa ata ng pang neko niyang cosplay ngayon. Otaku ako guys, pero hindi ko sineseryoso ng grabe tulad niya. Yung tipong nandito lang naman siya sa condo eh naka cosplay parin. Magluluto lang naka cosplay parin. May sapak ata to sa utak eh.
Bakit nga ba tinitiis ko yung super cute na babaeng to?
"Anong tinitingin tingin mo? Dukutin ko yang mata mo eh!" Tss. Napansin pa niya talaga yung pagtunganga ko eh noh? Anak ka ni Hitler! Well, asian na anak ni Hitler, ugh ano ba pinagsasasabi ko? Nahahawa na ata ko sa pagka baliw niya.
Uhm, paano ba magluto ng sinigang? Shet, mailuluto ko kaya ng matino to eh may sipon ako? Ni asin nga ata di ko malalasahan eh. Sura.
"Paano ba buksan tong tv mo?! Bulok!" Parang nag slow mo yung pagbato niya sa remote at nag ala matrix ako sa pagsalo nito. May hawak pa kong kutsilyo pero wala na kong pake dahil mas importanteng masalo ko yung kaisa isahang remote ng tv ko.
In the end naabutan ko yung remote na nasa lapag, hati na sa lima.
(。-_-。)
Σ(゚д゚lll)
"BAKIT NAMAN BINATO MO YUNG REMOTE KO?!"
Inismiran lang ako ng babaeng to sabay taas pa ng paa niya sa sofa KO.
"Bulok eh, diba dapat tinatapon na to?!" Galit akong lumapit sa tv at pinindot ito sa mismong gilid ng screen.
"See?! Dito kasi pinipindot bago nireremote! Ugh! Ang tamad mo naman!"
Tumayo siya na biglang ikinatakot ko. Shet. Ilang araw ko palang siyang nakakasama pero ganito na yung takot ko sa kanya.
"Inuutusan mo ba ko?!"
"T-tinuturuan lang kita!" Mas mabilis pa sa internet namin ang paglapit niya sakin.
"Gusto mo nabang mamatay?!" Gulp.
"H-hindi."
"Then, sundin mo lahat ng gusto ko. Diba? Master~"
Paki explain nga sakin kung bakit ko to naging girlfriend?
(To be Continued)
BINABASA MO ANG
Cold War
HumorKnock! knock! Your instant tsundere girlfriend is here! Package delivered. :)