James POV.
Pinapanuod ko lang si Bea na panay ikot sa loob ng condo. Hindi ko alam kung bakit ako nagpa goyo sa kacute-an niya pero wala na andito na siya sa loob ng bahay, may magagawa paba ko para paalisin siya? Siguro kapag nalaman ko kung taga saan siya. Me pag asa pa.
Maya maya lang umupo siya sa sofa at hinubad isa isa yung mga suot niya. Nataranta tuloy ako, hindi kasi ako sure kung nasa katinuan paba tong babaeng to. Mamaya isa pala siyang serial killer at sa pagtulog ko eh unti-unti niya kong patayin! Kyaaah! Ay, kyaah ka dyan.
"Pahingeng tubig!" Nagulat ako. Nakatingin na pala siya sakin habang nakataas ang kilay niya. Ano ulit sabi niya?!
"Huh?!"
"Bingi kaba? Pengeng Tubig!" Aba, ayos din pala tong babaeng to ah. Makautos wagas eh. Close tayo? Tss. Padabog nalang akong pumunta sa kusina para kumuha ng sang basong tubig. Kulang nalang lagyan ko ng lason para sa daga para di na ko kulitin nito, kaso ayoko naman maging murderer.
But what about my Taiga? Nooo! Asan na yung Taiga ko?!!!
"Uy, wala kaba talagang nakitang package sa labas?" Pinanlakihan niya muna ko ng mata bago niya kinuha yung tubig sa kamay ko. Naubos niya na agad yung tubig pero wala man lang akong narinig na thank you.
"May nakita kaba?" Tanong niya. Umiling ako.
"O edi wala. Kala ko bingi kana tanga kapa eh. "Pinigilan ko nalang yung sarili kong hampasin siya. Nakuuu nag iinit na talaga dugo ko sa babae na to. Boset.
"Argh. Gabing gabi na, wala ka ba talagang balak umuwi?" O nga tapos wag kana ulit bumalik. Mehehehe.
"Diba nga dito ko titira sayo? Girlfriend mo ko alagaan mo ko." Anong girlfriend? Ngayon ko lang to nakilala eh. Ano bang kelangan kong gawin para mapaalis to?
*Riiing Riiing*
Si Gian. Dapat ko bang sabihin sa kanya? Siguro dapat para mabigyan niya ko ng payo. Napipiste na talaga ko sa babae na to eh.
"Hello."
"Yo! Ano? Maganda ba yung Taiga?" Psh talagang yun pa yung bungad niya eh.
"Wala. Walang dumating."
"Ha? Nacontact mo naba sila?!"
"Di pa. Baka mamaya kapag nag online ako." Nilingon ko muna si Bea bago ko nagpatuloy. "Pero may bumungad na iba."
"Ha? Ano?"
"Cosplayer na babae. Cute na sana kaso parang me sapak ata." Natawa sa kabilang linya si Gian. Halatang nag eenjoy ang gago. Lagot sakin to bukas.
"Cute naman pala eh. Ano? Anong kelangan niya sayo?"
"Haaay. Girlfriend ko daw siya." Natahimik siya.
"SWERTE MO! BRAD!" Naihagis ko yung cellphone ko dahil sinigawan niya ko. Bwiset. Nangati tuloy yung tenga ko! Nag ka tinnitus pa!
"Oh anong nangyare sayo?!" Tanong ni Bea nung napulot ko yung cellphone sa tabi niya. Umiling lang ako. Haay siguro dapat ko na muna siyang patulugin dito. Inis ako sa kanya pero babae parin siya kaya dapat bilang lalaki ako dapat magparaya.
Bakit ba kasi kelangan pa ng ganun? Equality? Ugh.
Pumasok ako sa kwarto para kumuha ng tshirt at pajamas. Hindi naman siguro siya matutulog habang naka suot ng costume diba? Pagkalabas ko tulog na pala siya sa sofa. Nakakatulog din pala mga monster ano?
Cute na monster.
"Bea. Gising. Dun kana sa kwarto matulog. " pero di parin nagising. Tsk. Ano? Papatulugin ko ba to dito oh bubuhatin ko papasok? Sa liit niyang yan magaan lang siya.
Mabuhat na nga lang.
**********
Meanwhile.
(Anime Convention)
"Ang bigat! Seryoso kang ihehair dress mo yan Bea?!" Ayaw pumayag ng kaibigan ni Bea na si Shana na mag suot ng napakalaking hairdress ang kaibigan niya. Naisip niya bukod sa napaka liit na babae nito eh baka hindi nito kayanin ang napaka laking hat na dala nila para sa cosplay competition mamaya.
"Keri ko to! Ako paba? Wala ka bang tiwala sa bestfriend mo?!" Nagyayabang na naman si Bea isip isip ni Shana.
Kahit na pinigilan niya ang kaibigan sinuot parin nito ang hat at umakyat ng stage para makipaglaban. Kita naman sa sigawan ng mga audience na nagustuha nila si Bea. Pagbaba nito sa stage ay may humila sa kanyang isang lalaki.
"B-bakit?!" Tanong ng babae.
"Fan mo ko Bea! Pwede naba kita iuwi sa bahay?! " napakunot ang noo ni Bea. Marami na siyang naencounter na mga otaku gaya ng lalaki pero ngayon lang siya naharass ng ganun kabilis. Hindi niya rin makita si Shana sa karamihan ng tao.
'Nasan kana? May creepy otaku dito!'
"Iuuwi na kita!" Nabigla siya sa pag hila ng lalaki sa kanya. Nalalag din ang suot niya g hat dahil sa lakas ng paghila nito. Nagpumiglas siya pero napaka laki ng lalaking humihila sa kanya.
Hanggang sa.
"Uy teka! Hindi pa tapos yung cosplay competition bakit mo hinihila yang si contestant #31? " napalingon si Bea at ang lalaki sa isang napakatangkad na lalaking may suot na nerdy glasses. Hinubad nito ang salamin niya at itinabi sa bulsa.
"G-girlfriend ko to! Uuwi na kami!" Sabe nung otaku na naghila sa kanya. Napangiwi si Bea at ang lalaking matangkad.
"Ikaw? Girlfriend mo to? Seryoso ka? Tsaka paano ka nakapasok dito? Wala kang suot na ID oh. Para lang sa mga event producers tong section na to at sa mga contestant. " nabitawan nung Manong si Bea dahil sa inis. Nilapitan nito ang lalaking matangkad at kinwelyuhan.
"Pakielamero! Sasapakin kita?!"
Natawa ang lalaki.
"Diba dapat gawin mo muna bago mo sabihin?"
Hindi sanay si Bea na ipinagtatanggol, lalo na ng isang lalaki dahil sanay siyang makipag away. Pero sa ngayon wala siyang nagawa kundi titigan nalang ang lalaki at humanga dito ng palihim. Hindi niya alam kung bakit, pero napakalakas ng tibok ng puso niya lalo na nung makita niyang nakangiti ang lalaki.
'Si Bea? Maiinlove dito?'
Maya maya rin nakita niya si Shana na may mga kasamang guards.
"Ayun po mga kuya! Yun po yung humila sa kaibigan ko! Hinaharass niya ang besty ko!" Agad na tumakbo papunta sa kanila ang mga guards at inilayo ang otaku sa lalaki. Nag wala ito at nakiusap pero hindi uto pinakinggan ng mga guards.
"Okay ka lang?" Tumango siya ng tanungin siya ni Shana. Ibinaling niya ulit ang atensyon niya sa lalaking nagligtas sa kanya pero busy na ito sa pagpapagpag ng damit niya dahil sa otaku kanina.
"T-teka!" Napalingon ang lalaki sa pag sigaw niya. Gusto niya sanang magpasalmat pero hindi na siya nakapagsalita. Tiningnan lang siya nito at naglakad na ulit. Pero nabasa niya ang pangalan ng lalaki sa id.
"James..."
*To Be Continued*
BINABASA MO ANG
Cold War
HumorKnock! knock! Your instant tsundere girlfriend is here! Package delivered. :)