Janette

28 1 1
                                    

A/N: Sorry nga pala kung natagalan. Busy sa trabaho at sa patong patong na problema. Harr harr~







Janette's POV


Di ako sure kung nandito si James sa condo niya. Di ko naman close yung kapatid niyang topakin kaya hindi ko makontak. Umaasa nalang ako sa girl instincts at dasal na sana may mapapala ako sa pagdalaw sa kanya. Halerr? Galing pa kong Cebu. Siguro mga 3 years narin kaming di nagkikita after ng high school graduation. Kaya susulitin ko na yung vacation leave ko.

Lumapit na ko sa pinto at nagdoorbell. Sana may magbukas, sana.....



*Kachack*


O_O


"Sino ka?!!" Tanong ng isang maliit pero cute na babae na nakasuot ng rabbit pajamas suit. Abno ba to?!

"Uuhm...sino ka rin?!" Tanong ko. Lumabas na siya at tiningnan ako from head to toe. Sabay taas ng isang kilay.

"Ako si Bea. Girlfriend ni James." Wait. Tama ba yung dinig ko? Si James nagka girlfriend? Teka natatawa ata ako. Pfft.


"BWAHAHAHAHAHAHAHA! T-that's impossible! After Heidi di na siya nagnais na maggirlfriend. Okay ka lang?!" Nakita ko sa kanya na medyo nabawasana yung katarayan niya. Ewan, napahiya siguro. Naguilty tuloy ako. Para akong nanakit ng isang kitty.



"Janette?!" Napalingon kami nung Bea sa isang pamilyar na boses. Hindi na ko nagtaka nung si James ang nakita ko. Kaso lang nakakatawa yung reaksyon niya.

"Yo!" Simple kong tugon sa abnoy.

Patakbo siyang lumapit samin habang may dalang isang plastic bag ng grocery.

"Di ka man lang nagtext pr anything." Sabi niya habang nagtatakang tinitingnan ako.

"Surprise nga eh." Napangiti lang siya. Nakarinig naman kami ng isang 'ehem' kaya napalingon kami kay Bea.

"Mind telling me who she is?"



Talaga bang girlfriend ni James to?!





---------




"Sana sinabi mo nalang sa kapatid ko na dadalaw ka pala dito, edi sana nakapaglinis man lang ako." Wala naman akong pake kung magulo or malinis ang unit niya, ang sakin lang eh gusto siyang kamustahin after nung pagbbreak nila ni Heidi. After that kasi hindi na niya ko kinontak, at ayon sa iba pa naming mga high school friends eh ibinaon nalang niya ang sarili niya sa pagaaral at sa anime.

Pero bakit may kasama siyang babae ngayon?


"Don't mind it. Nandito lang naman ako dahil namiss kita. " pagkasabi ko ng word na namiss sumakto namang may nalaglag na baso galing kusina. Paglingon namin ni James eh si Bea lang pala na nagtitimpla ng juice.

"Pasenysa kana ah? May epal dito sa bahay. "

"Epal? Eh diba sabi niya girlfriend mo siya? Pwede magkwento kana man? Kasi sobrang nalilito talaga ko." Napabuntong hininga nalang siya.

"Nanalo ako sa isang auction, isang limited edition na Aisaka Taiga figurine, pag uwi ko hindi yun ang nadatnan ko, siya, si Bea, ang nakaupo sa labas ng unit na to at nakacosplay ng Aisaka Taiga. Sabay sabing boyfriend niya daw ako. Ugh. At sa ngayon hindi ko siya mapaalis dahil nakokonsensya ako." Tiningnan kong mabuti si Bea. Cute naman siya, pero hanggang dun palang ang kaya kong sabihin dahil hindi ko pa siya tuluyang kilala. Mukha ring may pag asang magkatuluyan nga sila.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 09, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Cold WarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon