Aisaka

37 0 6
                                    




1 week ago.






James POV.


At last! After 10 years! Nanalo rin ako sa bidding ng pinaka mamahaling figurine ni Aisaka Taiga! Sheesh, sobrang excited na kong mahawakan yung box! Ugh! Di ko maitago yung excitement ko! Natadyakan ko pa tuloy yung katabi ko dito sa classroom dahil dito lang ako sa cellphone nakikipag negotiate. Geez, ang lakas ng kabog ng dibdib ko dahil sa excitement!

"Para kang nanalo sa lotto ah?!" Bati ni Leah sakin na katabi ko sa klaseng to, nginitian niya ko at agad naman akong napaayos ng upo.

Sabe nga naman ng mga kaibigan ko, swerte ako dahil araw araw kong nakakausap ang madonna ng school na to. Hindi naman sa ipinagmamayabang ko pero siguro nga sadyang swerte lang talaga ko. Tulad ngayon.

"Ano ba yan?" Tanong niya habang sumisilip aa cellphone ko. Invasion of privacy. Lol.

"Wala, bidding. Tapos na, at nanalo ako. Haha."

"Uy congrats!" Ganyan siya, matipid magtanong matipid din sumagot. Boring kausap for short. Pagka balik ko ng cellphone ko sa bag ang sama na naman ng tingin sakin ng mg classmate naming lalaki. Mamatay kayo sa ingget guys.







Huling klase na namin yun, at sabe sakin ng online dealer eh mamayang hapon din eh maiideliver na sa bahay ang package. Pero may trabaho pa ko sa isang IT company. OJT lang naman pero binabayaran nila ko kaya sayang din na di pumasok.

Pagkatapos kong ipark yung kotse ko nagisip muna ko kung may tatao ba sa condo ko ngayon. Hmm, na kay la Mama si Roy kaya for sure ako na naman mag isa ang kakain. May ramen pa naman ata ako sa bahay.


Nakangiti pa kong pumasok sa office at naabutan ko naman ang boss ko dun na nakasibangot. Araw araw naman siyang nakasubangot eh. Onti nalang magiging kamukha na niya si Belle Flori. Hanudaw? Pfft.

So ayun na nga, nakarating din ako sa pwesto ko at laking gulat ko sa piles ng mga files na nandito. Wala talaga akong ligtas sa mga kamay ng mga malulupit kong amo. Wow, ang lalim nun.

Siguro mga 3 hours bago ko natapos tong mga files na to. Haay kelangan ko muna mag laid back kahit mga saglit lang, grabe na ang sakit ng likuran ko eh.

"Uyyy, magkape ka muna oh." Nalaglag ako sa kinauupuan ko ng marinig ko ang boses ni Trina, kaparehas ko rin siyang ojt rito pero sa kasamaang palad eg naging taga abot lang siya ng kape para sa mga boss. Inaabutan niya rin ako ng kape pero i have no idea kung bakit.

"Wag ka ngang nanggugulat." Kinuha ko syempre yung kape. Sayang eh maya pa out ko. Gutom na rin ako.

Maganda si Trina, para rin siyang si Leah pero mas madaldal at may sense kausap tong isang to. Di kami magka school pero kilala siya ng kaibigan kong si Gian dahil nagkikita sila sa mga CosCon. (Cosplay Convention) Otaku rin siya, pero isang malupit na Fujoshi. (Otaku na mahilig sa Yaoi.) hindi ko siya gaano kinakausap pag high siya dahil pinagtitripan niya ko.

You know? That partner thingy? (Pinapartner niya ko kay Gian. Shivers)

"Grabe naman si Miss Minchin, ang lupet ng mga files na yan ah." Sige pa, ipagdukdukan mo pa ang kamalasan ko sa amo ko.

"Ganyan talaga eh, bawal tayo magreklamo. Sayang allowance tsaka yung hours. Hehe." Palusot, kamo nakakatipid ako dahil halos half a day eh wala ako sa bahay.

So mga half a day din akong di nakakapag wifi, aircon, charge at bukas ng ref. (as if namang me laman yung ref) kaya kalahati din binabayaran ko. Hahaha! Joke, umiral na naman kakuriputan ko.

Cold WarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon