Chapter Ten
Jan nagsisimula yan!!!
“Tara na kasi Shenelin, miming na tayo.” Yaya sa akin ni Mina. “Sayang naman ang outfit namin ng mga lola mo kung hindi ito maibibilad na parang tinapa!” ahahaha, talagang sa tinapa inihambing ang ganda nila.
“Ang bantot mo namang pumili Mina, baka ikaw lang ang muka at amoy tinapa.” Singit naman ni Milka. “Tara ba Demi-licious babe, naghihintay na ang magandang dagat sa ating lahat.”
Ayoko lang na matawag na KJ kaya naman eto ako ngayon at patayo na sa kama, hindi na ako magpapalit ng damit. “Sandali lang, eto na lalabas na nga eh.” at di nga nagtagal ay lumabas na ako ng kwarto ko. “Puchaness kayong mga bakla kayo, bakit naka-ganyan kayo? Akala ko ba sa beach tayo pupunta, eh bakit naka-sleeves kayo na outfit?” alam nyo yung sinusuot nung mga divers, yung yung lykra na long-sleeves, basta ganon ang suot nila.
Si Miley naman ang sumagot sa akin na halatang feel na feel nya ang suot nya. “Kasi Demi-licious mag i-snorkeling tayo at scuba-diving.” So kailangan ganon talaga ang suot?
“Ahhh, kaya pala ganyan ang outfit nyo, ang jologs.” Ako kasi naka pang-summer lang na short at saka racer-back na sando, mas jologs pa sa kanila kasi para lang akong magjo-jogging sa kanto. “Tara na nga!”
“Hep, hep, hep, my little devil friend Demilicious, you have to change that monster outfit of yours to this!” at talagang pinakita pa nya sa akin ang isang black na long-sleeve na katulad nung suot nila at isang black na bikini. “Go, mag-change outfit ka na!”
Fuck, hindi ko isusuot ang bikini na yon, ayoko. “Eto, isusuot ko to!” I’m referring dun sa long-sleeve. “Pero etong isang to, no way!” at yung bikini naman ang tinutukoy ko. Pumasok na ako sa kwarto ko para magpalit nung damit.
Grabe, sobrang ganda talaga dun sa ilalim, ang daming magagandang isda, si Nemo nga nakita ko din eh. Wala akong masabi sa ganda, paano pa kaya kung sa Palawan kami nag-snorkeling at scuba diving?!
“Nag-enjoy ka ba?” tanong sa akin ni Wacky pagka-baba namin sa bangka.
Tiningnan ko naman sya at saka sumagot. “Grabe, sobrang enjoy ako. I admit hindi ako ganong kagaling lumangoy kaya di ko talaga feel ang mga ganyang klaseng activity, pero grabe lang talaga, sobrang enjoy talaga!” mahaba kong sagot sa kanya.
Dahil sa mahabang sagot ko na yon at over sa laki ng smile ko, nangiti rin ang lolo na ubod ng tamis at ganda. Paker ka Demi, wag mong masyadong titigan ang isang yan at baka mahulog ka jan! Sa naisip ko na yon, lalo ko syang pinagmasdan na naka-ngiti, pakelam ko ba sa sinasabi ng isang bahagi ng utak ko.
“You know what Demi, akala ko talaga hindi ka mag e-enjoy eh. Nasabi kasi sa akin ni Milo na hindi ka naman talaga mahilig sa mga ganitong activities, hindi ka rin daw ganong kagaling lumangoy. But I’m really glad na nagustuhan mo at nag-enjoy ka sa ginawa natin ngayon.” Mahabang sabi nya habang naka-ngiti sa akin.
Yung apat na bading ba hinahanap nyo, andun pa sa dagat at kasalukuyang nagfi-feeling sirena. Ako at si Wacky naman nandito na sa nipa hut at kasalukuyang nagpapahinga.
“Zipline tayo Shen, gusto mo?” biglang tanong sa akin ni Wacky.
Ayoko ng zipline, takot ako sa heights eh, and kawawa naman yung makakasabay ko kasi paniguradong basag ang eardrums nya kapag tumili ako. “Ayoko, natatakot ako, ayoko sa matataas na lugar.” Sagot ko na lang sa kanya, sana lang hindi nya ako kulitin diba?!
BINABASA MO ANG
You Got Me (On-hold)
RomanceMabait, gentleman, handsome, loving, understanding... yan ang mga katangian na hinahanap mo sa isang lalake. Nakita mo na sya eh, pero yun nga lang may additional trait sya na wala sa hinahanap mo.... MAYABANG!!! MALAKAS ANG HANGIN SA KATAWAN!!! LAH...