Chapter Six
Meeting with Mr. President and Madam President
“Sigurado ka ba talaga, kailangan ko pang magpalit ng damit na ganitong ka-formal?” kasi naman, dumaan pa kami sa isang boutique para lang sa gown na to. “Hindi ako mahilig mag-suot ng ganito eh, ano ba kasi talaga ang meron?”
“Yeah you really have to, it’s my Mom’s birthday today and she wants me to introduce someone to her as my SERIOUS girlfriend. And that is YOU, Demi.”
What? I am his girlfriend? Hell no, as in big N-O!!! Alam kong NBSB member ako, pero hindi pa naman ako member ng DGC o Desperate Girls Club. Hindi pa naman ako desperada para patulan ang playboy na lalake na to, wala pa akong kakayahan na umiyak ng bato o kaya pako.
“A-ako, g-girlfriend mo? Gago ka ba?!” hindi talaga ako makapaniwala eh. “Baka nakakalimutan mo kung pano kita napahiya sa harap ni Mr. President.” Isip ka pa ng magandang dahilan Demi, bilis. “And hindi rin naman yata magandang tingnan na ikaw na future Mr. President ay may karelasyon kunwari na isang student ng university na pinamamahalaan nya.”
“Then pay for all the troubles and damages you brought in my life, RIGHT NOW!”
Kailangan talaga agad-agad, hindi pedeng pag-ipunan? “You know I can’t pay you as in right now!” sagot ko naman sa kanya.
“Then do what I want you to do, BE MY GIRLFRIEND!”
Be his girlfriend, ayoko talaga. Masasaktan ko ang damdamin ng bestfriend ko na si Milo, ayoko! “Ayoko ngang maging girlfriend mo, hindi nga kita type eh, ang yabang mo kaya. Saka kaya naman kitang bayaran, pero hindi agad-agad na akala mo kapag nagsalita ako may lalabas na one thousand peso bill sa bibig ko.” naku, kahit pa mayaman sya, pogi sya, at may nakakatulo-laway na abs, hindi ko pa rin sya papatulan. “Ganito na lang---“
“And still you have the guts to give conditions, huh!”
“Eh kasi naman, nakapa-unfair naman nung naisip mo, hindi makatarungan!” tama ba naman yung basta na lang nya akong hihilahin dito tapos magiging girlfriend nya? “Ganito na lang kasi, we are friends after what happened few days ago sa University. Tapos you are planning pa lang na ligawan ako, and kunwari hindi ako aware sa bagay na yon. Ok na ba yon? Iniisip ko lang din naman yung kapakanan mo, kasi alam mo yun, ano na lang iisipin sayo ng ibang tao, na nakikipag-relasyon ka sa isang estujante ng school na hinahawakan mo, isama mo na rin yung iisipin ng iba sa akin.” Mahabang paliwanag ko sa kanya, at sana lang tanggapin nya ang proposal ko.
Alam kong natigilan sya sa mga sinabi ko, sana talaga tanggapin nya ang proposal ko. “Ok, muka nga na mas ok yang naisip mo. Besides I know na hindi maniniwala si Mommy na girlfriend na kita.” Hay salamat naman at pumayag na rin sya, salamat din at ginamit nya ang utak nya.
“Pero kailangan ko pa ba talagang mag-ganito, as in fitted-long gown?” alam kong sexy ako, pero hindi ko naman na kailangan pang ipakita pa yon at ipagkalat sa buong Batangas. “Hindi ba pwedeng ganong gown na lang?”
At itinuro ko sa kanya yung gown na kanina ko pa tinitingnan. Ang ganda kasi talaga eh, kulay black sya tapos madaming naka-dikit na maliliit na swarovski crystals, tapos above-the-knee length lang sya, tapos naka-balloon, basta ang ganda nya.
BINABASA MO ANG
You Got Me (On-hold)
Roman d'amourMabait, gentleman, handsome, loving, understanding... yan ang mga katangian na hinahanap mo sa isang lalake. Nakita mo na sya eh, pero yun nga lang may additional trait sya na wala sa hinahanap mo.... MAYABANG!!! MALAKAS ANG HANGIN SA KATAWAN!!! LAH...