Chapter Seven
You are Mine, I am Yours
Ano ang napala ko sa pagpunta sa birthday ni Madam President sa Batangas except sa na-try kong mag-mix ng alak sa isang five-star hotel? Ayun absent ako sa first two subjects ko, may exam pa naman kami today. Taraklis na yan, ang hirap pa naman kumuha ng special quiz sa subject na yon.
“Bruhilda kang Deminyita ka, saan ba kayo gumorabelles ni Little Mr. President at kanina ka lang naka-uwi?” tanong ni Milo sa akin pagpasok ko sa classroom namin para sa third and last subject ko for today. “Hoy, san ka nagpunta? Sinuko mo na ba ang Bataan, nag Tirad Pass ba kayo ni Fafa LMP?”
Sungalngalin ko nga ang baklang to. “Ang bunganga mo naman Milo, Tirad Pass ka jan, ikaw kaya ang tirahin ko jan?!” baklitang yon, hindi man lang pigilan ang bunganga sa pagsigaw.
“Saan ka nga ba kasi nag Eva-Fonta kahapon Demi-licious babe?” tanong naman sa akin ni Mina.
At si Miley ang sumagot sa tanong ni Mina. “Ano ka ba naman bading-girlzee, syempre sa love-nest nilang dalawa ni LMP!” ang kinikilig na sabi ni Miley.
“Bakit kayo ang sumasagot sa mga tanong para kay Demi-licious babe? Tell us baby, where-lalu ka ba talaga gumora, kasama mo ba si fafa Wacky?” biglang singit ni Milka.
Naku naman oh, ito ang isa sa disadvantages ng pagkakaron ng baklang mga kaibigan, masyadong matanong kapag may lalake na involve sa storya. Kaya minsan parang ayoko ng magkaron ng lovelife eh, for sure na mas malala pa ang mangyayaring interrogation eh.
“Kayong apat, tigilan nyo muna ako sa kakatanong nyo ng kung ano-ano dahil nag-iisip ako kung paano ako makakakuha ng special quiz kay Mam Linda at Sir Gorospe.” Sumasakit na kasi ang ulo ko sa ingay nila, tapos kailangan ko pang mag-isip.
“Ang taray ng lola natin girlalus, masyadong high-bloody marry.” Comment naman ni Milo na naka-recover na sa ginawa ko sa kanya kanina. “Kwentuhan mo na lang kami mamaya Deminyita kapag tapos ka ng mag-emote ok?!”
At hindi nagtagal ay dumating na si Sir Wilbert, hindi pa ako nakakapag-review eh, umaasta pa namang major subjet ang Life and Workd of Rizal na tinuturo nya. I wish, I wish with all my heart, sana magbago ang isip nya at next meeting na lang sya magpa-exam.
“Good afternoon class, nakapag-review na ba kayo?” kung sasabihin ko ba Sir na hindi pa, hindi ka muna rin ba magpapa-exam? “Ok, since mukang nakapag-review naman kayo, next meeting na tayo mag-exam.”
“Yes!” iyon ang simple pero mejo malakas kong nasabi dahil sa announcement na yon ni Sir. “He-hehe, sorry po Sir.”
Bigla namang nilapit ni Milo ang pagmumuka nya sa akin. “Kung maka-yes ka DBF wagas na wagas, gagawa kasi ng balbal ayaw tuloy ni nakapag-review.” Kurutin konga sya sa hita nya. “Arrroouuuccchhh naman Deminyita, my flawless skin!”
“Mr. Punongbayan!” bwahahaha, ang epic ng itchura ni Milo.
“I’m super ka-duper sorry Sir, may surot po kasing kumagat sa akin eh.” at tiningnan nya ako, tawanan naman ang buong klase.
BINABASA MO ANG
You Got Me (On-hold)
RomanceMabait, gentleman, handsome, loving, understanding... yan ang mga katangian na hinahanap mo sa isang lalake. Nakita mo na sya eh, pero yun nga lang may additional trait sya na wala sa hinahanap mo.... MAYABANG!!! MALAKAS ANG HANGIN SA KATAWAN!!! LAH...