Meet Little Mr. President

45 3 0
                                    

Chapter Four

Meet Little Mr. President

            Eto namang mga bading na to, hindi man lang tinakpan yung bibig ko. Malay ko ba naman na anak ni Mr. President itong si Mahangin Man, tuloy hello disciplinary office ako.

            “Ms. Shizuka siguro naman ayaw mong mawala sayo ang scholarship mo?” tanong ni Mr. Poblete sa akin in a very calm and low voice. “Pero bakit naman ginanon mo si Sir Wacky, hindi mo ba alam na anak sya ni Mr. President?”

            Si Mr. Disciplinarian hindi ko alam kung hibang o engot lang eh. Sisigawan at papahiyain ko ba naman yung tao kung alam ko na anak pala sya ng mag-ari ng school na pinapasukan ko? Syempre naman hindi ko gagawin yun lalo na at alam ko na pwedeng malaman nina Mama ang pinag-gagagawa ko dito sa school, ayokong pumunta ng Japan for good.

            “Sorry po Sir, hindi ko naman po kasi alam na sya ang anak ni Mr. President. Saka kasi po Sir nung minsan talagang pinakulo nya ang dugo ko, feeling close po kasi sya masyado.” Katwiran ko naman, akala mo naman mananalo ako sa isang to.

            “Pero kahit na Ms. Shizuka, mali pa rin iyon. You have to learn how to control your anger, your emotion. Hindi lahat ng tao kasing-maunawain ni Sir Wacky.” Maunawain, saang banda? “You have to say sorry to him.”

            Ako hihingi ng sorry sa kanya, ano bang ginawa kong mali sa kanya? Kung tutuusin sya naman talaga ang may kasalanan eh. Unang-una dapat hindi na sya nag-insist na ihatid kaming dalawa ni Milo sa bahay ko, pangalawa sana nag-sorry sya nung nabangga nya ako sa counter o kahit man lang tinulungan, pangatlo sana hindi na lang sya umepal nung nag-uusap kaming dalawa ng kuya ko, at pang-apat sana hindi na lang sya pinanganak na makulit para naman hindi na umabot sa ganito ang lahat.

            “Eh Sir, paano po ako hihingi ng sorry sa kanya eh hindi ko naman po alam kung saan ko sya pwedeng puntahan para kausapin.” Dumadahilan na naman daw si ako oh!

            Nag-ring yung telepono sa table ni Mr. Poblete at sabay hand gesture na wait. “Disciplinary office… Yes Sir, she’s here inside my office… Ok Sir, I let her know… No problem Sir, bye!” at binalik na nya sa cradle ang phone receiver.

            “Please meet Sir Wacky at the President’s Office, right now! You may now leave Ms. Shizuka!”

            Patay!!! Naku po naman oh, mukang matutuluyan yung plano kong sa Japan na lang mag-stay, ayoko dun!!! Paglabas na paglabas ko ng Disciplinary Office sinalubong ako ng apat na bakla, of course kanya-kanya silang tanong na parang mga field reporter.

            “Deminyita baby, whatetch happen inside the office?” tanong ni Milka.

            “Gorabelles ka na ba out of the school, expulsion ba ang verdugo sayo ni Mr. Pants?” grabe naman sa expectation tong si Miley, tanggalin ko kaligayahan nya eh.

            Syempre may sarili ring tanong si Mina. “Demi-licious babe, anyareh? Ansaveh ni Mr. Pobs, nagka-usap na ba kayo ni little Mr. President?”

            And the one million peso question will be asked by Emilio Alejandro Perez Punongbayan. “My DBF from satan’s crib, nasa loob din ba si fafable wafung papa Wacky ko?” malandi talaga, mas inuna pa talaga si Mahangin Man kesa sa kalagayan ko.

You Got Me (On-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon