The Return of the Comeback!

53 4 3
                                    

Chapter Fourteen

The Return of the Comeback!

            Two years… Two years na mula nung umalis si Wacky para mag-aral, at two years na rin mula nung huli kaming mag-usap. Punyetang lalake na yon, kunwari pa na nag-propose yun naman pala walang balak seryosohin.

            “Pauwi na ako Milo… oo naman kaya ko to. Hello, college pa lang tayo nilalakad ko na to pauwi no.” si Milo kasi tumawag, tinatanong kung nasaan na ako dahil sa bahay daw sya matutulog ngayon. “Oo na, hintayin mo ako. Ay hindi, mauna ka na pala sa loob, alam mo naman kung nasaan yung spare key ko. Sige na, bye-bye na.”

            After kong mag-paalam sa mga kasama ko sa bar, hindi na ako nagtagal dahil alam ko na ang pwedeng kahantungan ng bahay ko kapag si Milo ang naiwan doon.

            “Ikaw si Demi Shen Jung Shizuka diba, sumama ka sa akin!”

            Hello, bakit naman ako sasama sa kanya eh hindi naman ako pick-up girl! Saka kahit naging pick-up girl ako na sobrang gipit ay hindi ko pa rin gugustuhin na sumama sa tao na to. HE’S NOT MY TYPE!

          “At bakit naman ako sasama sayo, I don’t even know who the hell you are!” mataray kong sabi sa kanya. Bwisit sya, ang ganda-ganda na ng paglalakad ko dito sa tabing kalsada pauwi tapos bigla syang sisingit! “Umalis ka nga jan sa daraanan ko!”

            Pero pinaglihi yata ang isang to sa isang mime na saksakan ng kulit, na hindi titigil hanggang hindi mo binibigyan ng barya. “Sige naman na Miss, sumama ka na sa akin. Kapag hindi kita nadala sa kanya masisira ang buhay ko!” nadala sa kanya? So ibig sabihin may nag-utos sa isang to!

            “Kung sino man ang nag-utos sayo, at kung sisirain man nya ang buhay mo ay wala akong pakelam. Pano kung buhay ko naman ang masira kapag sumama ako sayo para dalhin jan sa may sapak mong amo?!”

            “Miss kapag hindi ka sumama sa akin hindi mo magugustuhan ang susunod kong gagawin!” pananakot nya sa akin.

             Ako naman ay natakot dun sa sinabi nya. Paano na lang kung sapilitan nya akong hilahin papunta sa boss nya, masisira ang poise ko! “Boy ewan, kung ikaw ba ang nasa lugar ko sasama ka sa isang tao na hindi mo naman kilala tapos pinipilit ka na dalhin sa isang hindi mo na naman kilala? Hindi naman diba, kaya parang awa mo na, hayaan mo na akong umuwi sa bahay ko para makapag-pahinga!” pagod na ako sa magdamag kong maghahalo ng alak tapos ganito pa ang magiging eksena ng buhay ko ngayon na pauwi na ako!

            Naglakad na ako palayo sa lalake na yon na mukang wala na yatang magandang kinabukasan ang naghihintay. Alam kong hindi maganda na wala akong malasakit sa future nya, pero maiintindihan naman ako ni Papa Jesus kung mas uunahin ko yung sarili ko kesa sa kanya diba? Isisimba ko na lang to sa Sunday at ihihingi ng tawad.

            “Joaquin Miguel naman, wag mo naman akong pahirapan ng ganito oh!” biglang salita nung lalake na humarang sa akin at ngayon ay sinusundan ako kung san man ako pumunta. “Kailan mo pa nagustuhan ang mga ganitong klaseng babae, wala man lang to sa kalingkingan ni Pia.” Tama bang maliitin ang kagandahan na taglay ko? “Oo na, sige na! Wag kang mag-alala, madadala ko sya jan.”

            Naku po, mukang kailangan ko na yatang magmadali para lang makalayo sa lalake na to. Mukang hindi talaga sya titigil hanggang hindi nya ako nadadala sa boss nya na si Joaquin Miguel! Kaya naman mas binilisan ko pa ang lakad ko without looking back to where he is.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 22, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

You Got Me (On-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon