1

10.6K 21 0
                                    

Gumising ako ng maaga. Mga alas-sais. Kagagaling ko pa lang sa sakit. Medyo nahihilo pa ako’t masakit ang ulo. Kaso kailangan ko nang pumasok e. Andami ko nang namiss na klase. 9am pa kasi klase ko. Matagal kasi ako kumilos. Parang babae. Bale approximately 3 hours ako kumikilos kasama na rin ang biyahe.

Pagkabangon ko, ihi, hugas kamay, hilamos at bababa na papuntang hapag-kainan. Kumain akong almusal, ligo, bihis, tapos magpapaalam na sa mga magulang bago umalis.

Pagkaalis ko ng bahay, diretso lakad na ako papuntang terminal ng dyip. Medyo mahaba pa ang pila. Habang nagaabang para makasakay na, nagtext sa akin si Katryn. Long time friend ko. Actually, hindi lang friend. May nakaraan kami. Slight. Well, noong high school kasi, may gusto ako sa kanya. 2nd year pa ata yun noong nagkagusto ako sa kanya. Tapos pagdating ng 3rd year, nagtapat na ako. Kaso wala akong ginawa. Hindi pa ako handa noon. Pero pagdating ng 4th year, nagbalak na akong manligaw. Kaso sa kasamaang palad, may nauna na pala. Kaso di na problema yun ngayon sa akin. Matagal na kong nakamove on. Marami  na ring mga babaeng dumaan matapos siya. Speaking of, ang saklap nga e. Kakabreak ko lang sa GF ko. But I got over it.. I think..

TambayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon