WOW. Di ko inaakalang magsasabi siya ng ganun sakin. Sa lahat ng pagsusungit niya at pagaact tough all the time, I can still feel her soft side. Speechless ako. Napangiti na lang ako sa sinabi niya habang nakatingin sa kaniya.
“You know, for an aggressive girl like you, you do have more guts than I do. Matapang ka. Kaya mong gawin ng walang kahirap hirap ang mga bagay-bagay na hindi kaya ng iba. That’s why you’re so unique. And when you think about it, I think it’s kinda cute..”
“Ikaw naman, napansin ko sayo, hindi ka pa rin nagbabago. Ang kind mo pa rin, you still have that type of care to me. Actually, the way you treat me got even better than High School. And for me, I think it’s cute too..”
Medyo nag-iba ang naramdaman ko from that moment. At ang nakapagtataka, medyo nahihilo ako. I moved closer to her. Nilapit ko ang mukha ko sa kanya and said..
“Thank you Kat. Thank you for understanding.”
Nakatingin lang siya sa mga mata ko at hindi siya makapagsalita agad.
“U-Umm, maghuhugas na ako ng plato.”