Biglang tayo siya at naghugas na ng plato. Natawa na lang ako inside. Nakakatuwa talaga siyang kasama. Kaya pala ako nainlove dito. Eto nga pala ang dahilan kung bakit ako nagkagusto sa kanya. Tumayo na rin ako. Parang may gusto akong sabihin o gawin para sa kanya. Nakatayo lang ako sa likod niya. Bakit parang bumibilis ang tibok ng puso ko?
Katryn’s POV:
SHIT! What the fuck’s happening to me?? Bakit ang bilis ng tibok ng puso ko?? Get a grip Kat. Ayusin mo ang paghugas ng plato. Habang naghuhugas ako, nakaramdam ako ng kakaibang init. Niyakap niya ako. Oh my God. Ano ‘tong ginagawa niya? P-Pero, nagugustuhan ko. Ibig sabihin ba nito, bumabalik parehas ang nararamdaman namin para sa isa’t isa?? Hindi ako makapagsalita. Inikot niya ako sa harap niya. Tinitigan niya ako sa mata ng matagal. Tapos bigla niya na lang akong hinalikan. Nanlambot ako. Nabitawan ko pa yung sponge. Hindi ko alam ang gagawin ko. Ang init sa pakiramdam. Bakit ganito? Hindi naman siya ang first kiss ko pero bakit mas mabigat sa pakiramdam? Siya kaya? First kiss niya kaya ako? Wala akong magawa talaga. Hinayaan ko na lang ang mga sumunod na nangyari. Hindi ko inaakalang magagawa naming ito. Binuhat niya ako papunta sa kwarto ko. Bigla akong naging safe. Naging secure. Parang ayos na lang ang lahat basta siya ang gumagawa….
Pagkagising ko, yakap yakap ko na siya. Akala ko panaginip lang. OMG, nagbublush ako. First ko siya. But I have no regrets. Hindi ako nagsisisi. Well, medyo. Murang edad pa kasi e.
Nagising na siya. Bakit parang gulat na gulat siya? Parang hindi siya makapaniwala sa nangyari sa amin.