“Ok ka lang?”
“K-Kat, shit! I-I’m so sorry. Hindi ko alam ang ginagawa ko. N-nawala ako sa sarili. Na—“
“Shh, shh….”
Hinalikan ko siya sa labi para manahimik.
“Huwag kang magalala. Hindi naman ako galit e.”
“…”
Hindi na siya kumibo. May nasabi ba akong mali? Kinuha niya lahat ng damit at nagsimula nang magbihis.
“Huy, saan ka pupunta??”
Sobrang nagmamadali siya kaya hinabol ko siya nang nakasuot lang ang kumot. Kaso hindi ko na siya naabutan. Nakita ko na lang siya sa labas ng bahay at malayo na siya. Nabigla lang siguro yun. Itetext ko na lang siya afterwards. Hindi ko napansin, andiyan na pala si mama! Oh my God, hindi pa ako nakakapagbihis! Pati ang mga plato!