So, back to Katryn. Nagkatext lang kami ng konti. Nagkamustahan lang. Tapos tinanong kung saan daw ako papunta. Sabi ko, sa school. Nagulat siya. Sabi niya wala daw pasok ngayon. What the fuck?? Wala man lang nagsabi sa ‘kin porket may sakit ako? Way to go fuckin’ classmates. Nakakabadtrip talaga kapag pinaplastic ka lang ng mga kaklase mo. It feels like they don’t fuckin’ care to you even if you treat them as your friends.
Anyway, mabuti na lang at nakababa na ako sa dyip bago pa man umandar. Baka singilin pa ako. ayoko namang umuwi kasi baka yung baon ko ngayon ay gawing baon ko bukas. Hmmm, saan kaya ako tatambay? Tinawagan ko si Katryn.
“Kat, fuck. Wala akong mapagtambayan.”
“Edi magcomputer shop ka. Hahaha.”
“E, katamad magFB. Wala namang magawa sa PC shop. Ah, alam ko na! Tawagan ko si Bestfriend, baka pwedeng makitambay sa kanila.”
“Haha. Ge, bye.”
Tinawagan ko yung bestfriend ko. Kaso busy siya at wala sa bahay. Ano ba yan. Walang magawa. Walang mapuntahan. Tinawagan ko ulit si Katryn.