“Sorry, pero totoo naman e. At tsaka wala na kami. Isang araw lang naman relasyon namin.”

“Wag mo na uulitin yun ah. Ang mga nanliligaw sayo ay hindi laruan. Mga tao din sila.”

“Opo kuya.”

“Haha, good. Ayoko nang may ginaganun ka at may nanggaganun sayo. Tang ina, upakan ko kung sino mang manakit sayo.”

“Haha, naks.”

Tinawag si Katryn ng mama niya. Nakabihis ng pang-alis ang mama niya. May pupuntahan.

“Katryn, kumain na kayo ng ‘kaibigan’ mo.”

“Ma, kaibigan ko nga lang.”

Tinulungan kong maghain si Katryn. Kaming dalawa lang pala ang kakain. Kumain na pala mama niya. Bakit magkatabi kami sa hapag-kainan? Pwede namang sa gilid ako ah. Hindi ako komportable sa ganitong pakiramdam.

Kumain kami ng imbentong luto ng mama niya. Nilagang giniling. Alam ko nakakain na ako ng ganito e. Pero bakit parang hindi pagkain ang itsura? Hahaha. Ops, biyaya ‘to ng Diyos. Kaya kinain ko pa rin. In fairness, feel ko ang effort ng pagluto ah. Masarap rin. So I’m gonna say yes. Hahahaha.

TambayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon