Chapter Eighteen

4.6K 95 4
                                    

Aeicy's POV

"Aeicy. Kumain ka na." Sabi ni Ate Mylven sakin sabay katok niya sa pinto.

"Busog ako, Ate."

"Pero--"

"I'm tired, Please." After a few seconds, hindi na siya nagsalita. Sumuko na siguro. Nagtalukbong na lang ako ng kumot sa buong katawan ko. 

Matapos yung napakabigat at madramang eksena na nangyari kanina sa bahay ni Liam, eto ako ngayon sa loob ng kwarto ko. Nagmumukmok. Nakatulala, Umii--- well, katatapos lang.

Parang wala na ko sa sarili ko matapos kong malaman yung totoo sa mismong bibig ni Liam. Feeling ko para akong cheap na babae na pinagsamantalahan tapos nun, tinapon na.

Bakit kasi umalis pa ko para puntahan siya? Bakit kasi sinundan ko pa si Kuya Rio? Edi sana... Edi sana hindi ako nagmumukmok ngayon. Edi sana hindi ganito kasakit yung bawat paghinga ko ngayon. Bakit kasi siya pa?

Kahapon lang, sobrang gaan ng loob ko matapos sabihin sakin ni Ate Sam yung nangyari. Gumaan ang loob ko kasi alam ko na yung totoong nangyari. Maiintindihan ko na siya. At lumakas yung loob ko na kausapin siya. Na ipaglaban ko siya. Kahapon lang, buong-buo yung loob ko na tanggapin lahat ng pagtataboy niya sakin once na makita niya ko. Iniisip ko kahapon na, may chance kami. Maayos yung lahat.

Pero mali pala ako. 

"EH bakit ganun kung umiyak yung kapatid ko?!" Narinig ko yung boses ni Kuya Rio. Papasok pa lang kao ng gate nun. Pinakinggan ko muna sila. "Wag mo ngang binibilog yung ulo ko!" Sa sobrang curious ko, tinignan ko sila at nagulat ako nung makita ko yung mukha ni Liam na may pasa sa kaliwang pisngi niya. Napatakip na lang ako ng bibig sa nakita ko.

He looked so... devastated. I can see dark circles under his eyes. Hindi ba siya natutulog?

Tinignan ko si Kuya Rio. How can he do this to my--- May dugo yung mukha niya. Sa sobrang taranta ko lumapit ako sa kanila---

"WALA NGA SABI EH! Ginamit ko lang siya para makaganti ako sa'yo! Pero hindi ko siya ginalaw o sinaktan physically, but emotionally, I admit I've hurt her several times."

Napatigil yung paa ko sa paghakbang. His words starts to  cut my heart into pieces. 

So this explains everything, I thought. This explains why he's so cold, why he... 

I can feel my tears again. Lahat ng emotions sakin naghalo-halo. I feel played, betrayed. Feeling ko ang cheap ko na. Para akong stuffed toy na nadumihan lang, tinapon na. Felling ko... Feeling ko parang sasabog na yung puso ko sa mga nararamdaman ko.

Then there goes a tiny stab inside my heart, and bit by bit, it starts to rip my heart open, causing it to bleed.

"TAMA NA!" I shouted, not to call their attention, but to stop the pain I'm feeling right now.

"TAMA NA!" Nagising akong basang-basa yung mukha ko, both by sweat and tears. Hinihingal ako at hindi ko alam kung saan ako makakakuha ng hininga. Nakaupo lang ako sa kama, my arms hugging my knees. I feel so alone.

Sunod-sunod na footsteps yung narinig ko. Tapos biglang kumalabog yung pinto. "Aeicy? What's wrong? Aeicy??" Si Kuya Rio yung sumisigaw. "Mylven yung susi dali!" Tapos tuloy-tuloy pa din siya sa pagkatok, "Aeicy! Buksan mo yung pinto please."

Para akong bedridden na tao. Wala akong lakas para tumayo. Kahit gaano kalakas yung kalabog at sigaw nila sakin na buksan ko yung pinto, hindi ko magawa. Hindi ako makatayo. Kahit na nakatulog ako ng mahabang oras, I still feel so drained. 

"Aeicy. What happened?" Pagkalingon ko sa pintuan, bukas na. At nakapasok na sina Ate Mylven at Kuya Rio dito sa loob. Lumapit sakin si Ate Mylven at niyakap ako. "Are you okay?" Pinunasan niya yung basa kong mukha then pull me again for  a hug.

"I... I'm okay." I whispered. Pero lutang pa din yung pakiramdam ko.

"Damn him. I'll kill him. I'll kill him, Aeicy. I'm sorry I let that bastard hurt you." Narinig kong sinabi ni Kuya Rio. 

"Rio hindi ka nakakatulong so please get out!" Sabi ni ate Mylven kay Kuya.  "Please Rio, lumabas ka muna, I can handle this."

Nung narinig kong sumara yung pinto, tinanggal na ni ate yung pagkakayakap niya sakin. "It's okay kahit na ayaw mong sabihin sakin, alam ko naman na." Tapos hinagod-hagod niya yung likod ko. "Please , stop crying. Get over him."

"Ate, sabihin mo nga, ganun ba ko kapangit? Masyado ba kong maliit at iyakin? Sobra ba kong immature? Bakit... Bakit walang may gusto sakin? Bakit ako yung iniwanan ni Terence dati? Dahil ba sakin yun? Nasa akin ba yung mali? Ate please tell me what's wrong with me? Bakit lagi na lang akong nasasaktan? Bakit lagi na lang akong napaglalaruan?" Bilib ako sa boses ko dahil kahit umiiyak ako lumalabas pa din siya, kahit mahina yung boses ko. Tuloy-tuloy pa din ako sa pag-iyak.

"Shhh, tama na Aeicy. Wala kang kasalanan sa nangyari. Wala kang ginawang masama." Sabi sakin ni Ate Mylven habang yakap niya ko. Honestly, ngayon lang naging ganito si Ate. Si Mommy lang naman kasi yung nag-iisang pumupunas ng luha ko everytime na may problema at dinadamdam ako. Hindi ko alam na may soft-side din pala siya sa mga ganitong situation.

"Come on, Aeicy. You have to put yourself together. Bata ka pa, mahaba pa yung panahon. You still have a long long time para magmahal. Sinabi ko na sa'yo 'to dati diba?" Inayos niya yung buhok ko. "Please, Aeicy. Stop crying. Ayokong nakikita kong umiiyak yung bunso kong kapatid. Ayokong maiwan ka dito na..." She pauses the took a deep breath. 

"Aalis ka?" I asked, habang pinupunas ko yung luha ko.

"Yeah, this coming Friday. Aalis na... kami ni Daddy papuntang Singapore. Nasabi ko naman na sa'yo to diba?" 

I nodded, and try my very best not to cry out loud. "I understand."

"Wait a second, Aeicy. I have an idea." I look up at her and saw her smiling face. "Why don't you come with us to Singapore? Daddy would be really glad."

"Aeicy." Pareho kaming napalingon ni Ate sa bandang pintuan.

"Ah, so... I guess... Well, nasa baba lang ako ha? Iwanan ko na muna kayo." Tumayo si Ate Mylven tapos bago siya lumabas ng pinto, tinapik niya yung balikat ni Terence.

Nagkatinginan lang kami. Sinara niya yung pinto tapos dahan-dahan siyang lumapit sakin. Umupo siya sa kama sa tabi ko, then reach for my hand. "Tumawag ako kanina kay Rio and..." He took a deep breath and to my surprise, I'm at his arms now. "Please tell me you're okay."

"Okay lang ako." I whispered, then I buried my face in his chest.

"Shhh, I'm here." Naramdaman ko yung halik niya sa ulo ko. "I'm really sorry. Kunng hindi kita iniwan noon, edi sana hindi ka ngayon---"

"I don't want to talk about that right now, Terence." Mas humigpit yung yakap niya sakin. That's right, Ace. You have to stop crying. Walang magagawa yung pag-iyak mo.

Crying all night can't change the fact that once you loved someone who played tricks on you.

Can I really move on? Can I really forget him? Should I? 

For your own good, yes of course, Aeicy Roxas.

Forget. Move-on. Then start again. Kaya ko naman siguro yun diba?

"I'm here." Inulit ni Terence yung sinabi niya. "I won't leave you again." 

"I'm going to start again." I whispered near his ear. 

Kumalas siya sa pagkaakayakap sakin then smiled, "I'm with you."

_______________________________________________________

This chapter is dedicated to  itsmeecarg830 :)

Errors? Pag natapos yung story ko saka ko paplantsahin!

Keepsafe everyone ;3

~FORCiNGLAUGHTER01 

I'm In Hell With HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon