Chapter Nineteen

4.7K 87 1
                                    

Liam's POV

Tinatawagan ko siya. Pero hindi siya sumasagot. Four days had passed, meaning: Four days nang babad yung lalamunan at katawan ko sa alak. Buong araw ganito yung everyday routine ko simula nung umalis si Aeicy. Alak, alak, alak, at cellphone lang yung pinag-kakaabalahan ko. 

"Sir Liam, ang aga naman ho ng alak ninyo. Diyos ko wala pa ho kayong almusal, alak agad yung inuna ninyo." Sabi ni Aling Mila, kadarating lang nila nung isang araw, the day after Aeicy left me.

"Just... prepare something to eat, kakain din ako mamaya." Sabi ko sa kanya. Agad naman siyang pumunta sa kusina at hindi na niya ko sinita. But I know she already reported this to my Mom and Dad. Siguro mamaya o bukas, nandidito na sila para pagalitan at hingan ako ng paliwanag sa lahat. 

"Liam." A familar vioce called me. Samantha.

"S-sorry po Sir, eh kasi itong si Maam Samantha eh nagpupumilit pong pumasook eh." Paliwanag ni Mang Nestor sakin, this time, tinignan ko si Samantha. Marami nang nagbago sa kanya.

"Iwan niyo muna kami." Sabi ko kay Mang Nestor, tumayo ako tapos inubos ko na yung natitirang alak sa bote na hawak ko. "After Rio gave me these bruises, ikaw naman nandito." Sabi ko sa kanya habang hinahawakan ko yung mga pasa ko sa mukha.

"Liam. I'm here to talk." Says Samantha.

I scoffed. Tapos nun nag-umpisa na kong maglakad paakyat ng hagdan. Honestly? Talk? Para saan? Sa mga nangyaring kagaguhan sa buhay ko? Sa panloloko niya sakin? Tang-ina. Bakit pa kailangang pag-usapan yon? Tang-ina lang. Nakakagago.

"I never imagined that you can do this to Aeicy kahit alam nating lahat na wala siyang kinalaman dito. How can you do this to her, Liam? You're a monster!" Sigaw ni Samantha tapos naramdaman ko na lang na nasa likod ko siya at hinahampas ako. 

"Monster?" Humarap ako sa kanya, and glared at her. "Tinatawag mo kong monster?" I scoffed. Tapos tinignan ko siya ng napakasama. "If I'm a monster, then you're the one who created me. Ikaw yung dahilan kung bakit ganito ako ngayon, Samantha."

I'm In Hell With HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon