Chapter Five

5.8K 112 8
                                    

Birthday ni Liam?! Bakit hindi ako na-inform?!


"Of course, you don't know." Sabi niya habang ako nakanganga lang. "You don't know anything about me just like I do not know a thing about you. Don't act like you need to do something in return. I'm not expecting that from you."


Ano raw sabi niya?


"We're going now." He demanded tapos tumayo na siya. Tinignan ko lang yung mga pagkain iiwanan namin kung sakaling aalis na nga kami.


"T-teka..." sabi ko. What's happening? "Ha?"


"Tara na, nawalan na ko ng gana."


"P-pero sayang to, ang dami pa--"


"I said let's go." Sa sobrang lamig ng boses niya para akong nabuhusan ng may yelo at tumayo na rin. Pinanood ko lang kung paano namin iniwanan yung kalahating bawas na pagkain.


Napakasayang. Ano bang problema niya? Parang kanina lang ang ganda ng mood niya.


Napahinto ako sa pagsunod sa kanya. Nagbago bigla yung mood niya when I asked... Napangiti ako ng konti dahil alam ko na kung ano ang ikina-ngunguso niya.


It's because he felt alone.


Pero bakit ganun? Nakalimutan yata ng family niya na birthday niya ngayon? Imposible. Ni minsan hindi makakalimutan ng pamilya yung birthday ng isang miyembro nila. Sila pa nga dapat ang mag-asikaso at maghanda. Ganoon yug ginagawa nina Daddy at Ate Mylven pag birthday ko. Minsan nga may pa-surprise surprise pa silang nalalaman---


Nakagat ko yung labi ko sa naisip ko. Now's not the time to think about myself. May something kay Liam ngayon na dapat mong alamin. Dapat mong gawan ng aksyon because you are his wife-- at lalo akong nawindang sa huling naisip ko. Wag kang feelingera Aeicy! Stop it.


No, maybe this is the key para naman umayos kami. I'm not saying na gustong gusto kong maging close kami. Ang akin lang, dahil pareho naming ayaw ang marriage na ito, siguro kahit kami lang magkasundo tutal iisang bahay tinitirhan namin. No need for me to be frightened anymore. No need for him to shout and insult me.


This is a way to get him. I smiled while thinking that I have found out one of-or maybe the only- weakness he had. His family. Kasi, nasaan sila ngayong birthday niya? At dapat masaya ang isang tao kapag birthday niya.


I guess I know what's the problem.


Dali-dali ko siyang hinabol. In fairness, hiningal rin ako sa sobrang bilis niyang maglakad.


"Teka, uuwi na tayo agad?" Tanong ko. Napahinto siya tapos tinignan niya ako ng pagkasama. Maybe he didn't like the way I smiled. I don't care, but someone will celebrate today!


"What?" Liam asked irritably.


"Sabi ko uuwi na ba tayo agad?" Inulit ko. Tapos tinignan niya ako. Doon ko lang na-realize na nakapamewang ako sa kanya. Tinaasan niya ako ng kilay. Ano naman? Kung alam niya lang na kinakabahan ako ngayon kasi first time ko lang siyang kakausapin ng ganito! "Today's your birthday. We have to celebrate." Sabi ko sabay ngiti ulit.

I'm In Hell With HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon