Chapter Four

6K 135 6
                                    


"Gusto mong mag-aral diba?"

"Oo.."

"Fine. Pag-aaralin kita. But you have to work for it."

"H-ha? Anong--"

"You have to work for it, sabi ko. Pag-aaralin kita gamit yung pera ko. Of course hindi ka naman makakapag-aral ng walang pang-tuition diba? But there's a condition."

"Ano naman?"

"One month kasing mawawala sina Manang. Walang helper, walang bantay, walang mag-aasikaso sa bahay at sa akin. In short, magtatrabaho ka dito sa loob ng bahay, at kapalit nun pag-aaralin kita." 

Pag-aaralin niya ko...? Nung kelan lang todo ang tanggi nitong lalakeng 'to sa pagbalik ko sa pag-aaral. Tapos ganito? Pumayag siya at may kapalit na. Anak nga talaga siya ng businessman.

"Ayaw mo? Fine. Edi wag---"

"Oo! Oo! Gusto ko mag-aral please!"  Sigaw ko dahil minsan lang bumait si Liam. It's so rare for an opportunity to knock in hell.

Kasalukuyan akong nakapalumbaba sa harap ng pagkaing hinanda ni Manang para sa almusal. Hindi ko lubos akalain ang mga pangyayari kahapon.

"Hay naku, hijah. Ang aga-aga nakasimangot ka. Tumigil ka na dyan sa drama mo't kumain ka na." Sita sakin ni Manang.

"Ehh kasi naman Manang. Bakit kasi mawawala kayo ng matagal. Eh konti pa lang ho yung naituturo ninyong gawaing bahay sa sakin. How to wash plates, do laundry, at simpleng linis ng bahay. Hindi ko pa masyadong master yung kusina." Pagmamaktol ni Aeicy.

Tumawa naman ng marahan si Manang Mila. "Alam mo, kaya mo 'yan. Ikaw pa no. Tsaka isang buwan lang naman. Kailangan lang talaga namin asikasuhin yung anak namin sa probinsya. Halos dalawang taon na rin kasi kaming hindi magkakasama."

Bigla naman akong nalungkot sa sinabi niya. Hindi naman dahil wala na akong magagawa para pigilan sila na umalis, kundi dahil sobrang nakaka-relate ako sa kanilang mag-asawa. I miss my family too. 

Sana naman bumisita naman sina Daddy dito. I really miss them so much. Kamusta na kaya sila? Okay na kaya si Daddy? Hindi na ba siya----

"Goodmorning, Sir Liam." Tuluyan nang nanigas ang buo kong katawan sa bati ni Manang sa aking mabuting asawa, sabayan pa ng matunog na pagbaba ni Liam sa hagdan. Yung tipong pinapamukha pa talaga niya na pababa na siya para sirain ulit ang araw ko.

"Manang, kelan kayo aalis papuntang probinsya?" Tanong naman ni Liam habang nilalantakan yung pagkain na nakahanda sa mesa. Tahimik ko lang siynag pinapanood na kumakain hanggang sa umangat siya ng tingin at nginitian ako ng pagkaluwag. 

The devil and his smile. Perfect combination for my morning. Great.

"Sa makalawa pa po. Kasi marami pa po akong ituturo at ibibilin si kay Aeicy dito sa bahay eh." Sagot naman ni Manang. "Medyo matagal po kasi ang isang buwan eh." Dagadag pa nito. Oo. Sobrang napakatagal. At kinakabahan ako sa mangyayari sa loob ng isang buwna na iyon.

"Alam mo Manang, kaya na ni Aeicy lahat ng gawain dito sa bahay. Wag niyo na kami alalahanin at bukas na bukas din lumuwas na agad kayo." Napanganga ako sa sinabi ni Liam. Yung totoo? Nananadya ba siya?

"Aba'y ayos lang ba sa inyong umalis na kami agad ha? Aeicy?" 

Hindi po. Sobrang hindi po.

"Po?" Tanong ni Aeicy. Manang tumingin ka sakin nang maayos at basahin mo ang mukha ko. Ayokong maiwan akong mag-isa kasama si Liam. Please. Please.

I'm In Hell With HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon