Chapter three

1.6K 50 6
                                    

I took out my camera from my bag,the scenery is so lovely,it's breathtaking. Nakakarelax ang kapaligiran,mabuti nalang pala at nagkamali ako ng pagbu-book ng aking plane ticket. I am meant to go to Sicily,Italy for my next destination to visit a relatives but unfortunately there's a mistake from the website where I do the booking.

So here I am in Zűrich,Switzerland.
Wala akong kaalam alam sa bansang ito. Mabuti nalang at may mga tao pa rin na matulungin,hindi ko alam kung ano bang lengguwahe ang kanilang ginagamit pero pamilyar ang ibang salita. Good thing they can speak English at least kahit paano nagkakaintindihan kami ng mga nakakausap ko.

I'm staying near at Zurich lake,sa isang cottage na malapit lang din sa lake,pag aari iyon ng mag asawang briton na matagal ng naninirahan dito sa Zurich. Nakilala ko sila ng maligaw ako sa airport when I arrived here, sila naman ay kararating lang magmula sa England kung saan binisita nila ang mga anak na doon naninirahan. Nagmagandang loob silang patuluyin ako sa bakanteng cottage na nasa likod ng bahay nila. Binayaran ko ang isang linggong pagtira ko sa cottage na iyon pero sabi nila ay libre na ang isa pang linggo kong pananatili doon para daw masulit ang pagbisita ko sa bansang ito. Masaya ako at may mga tao pa rin na tulad nila kaya naman kinagabihan ng makarating kami sa kanilang lugar ay nagprisinta akong itreat sila ng dinner sa isang fancy restaurant na kanila namang pinaunlakan.

Nang makaramdam ako ng gutom ay naghanap ako ng makakainan,may nakita akong isang maliit na restaurant sa di kalayuan. Nagulat ako sa aking nakita ng makapasok ako,maliit lang kung titingnan ito mula sa labas pero pagpasok mo sa loob ay mamangha ka talaga sa ganda ng loob nito. Napaka cozy nito sa loob you can feel at home sa ganda ng lugar.

After lunch ay gumala gala muli ako dala ang aking camera na kinukunan lahat ng magagandang tanawin. I'm sure magugustuhan ito ni baby G pag nakarating siya dito. Sa susunod pala irerekomenda ko sa kanya na dito sila maghoneymoon ni pareng Quinito. Namiss ko tuloy ang mga pinsan ko,sana okay lang silang lahat kung nasaan man silang lupalop ng mundo naroroon.

Ang sabi sa akin ng mga tumulong sa akin na marami daw akong pwedeng puntahan na pasyalan dito sa Zurich. But I think dito palang sa lugar nila ay sapat na sa akin,sa ganda ng view dito. Kaninang umaga ng magising ako,paghawi ko ng mga kurtina ng mga binatana ay  parang nakatingin ako sa isang art piece na naka frame.

Nakatayo ako ngayon dito sa gilid ng daanan sa itaas ng isang old village. Sinusubukan kong kunan ang magandang tanawin ng Zurich lake hindi tulad sa mismong lake kung saan ako tumutuloy ay mas nakikita ang buong lake sa aking kinaroroonan.

Habang umaatras ako ay hindi ko namalayan na may mga tao pala sa aking likuran. Humihingi ako ng paumanhin sa mga ito pero ang huling nilalang na aking nabunggo ay siyang pinakahuling tao na gusto kong makitang muli.

"What a small world" nakangisi nitong sabi.

"Indeed!" Irap kong sabi dito bago lumakad palayo sa kinaroroonan nito.

Bakit ba sa lawak ng mundo ay dito ko pa makikita ang pangit na baliw na iyon? Last week lang nakita ko siya sa Ibiza then now nandito rin siya. Sana lang ay hindi tama ang hinala ko kung hindi ay makakatikim talaga siya sa akin ng mag asawang sampal.

Nang sa tingin ko ay nakalayo na ako sa kanya ay kinuha kong muli ang aking camera sa bag. Pero mukhang minamalas yata ako sa araw na ito dahil nakasunod na naman siya sa akin.

"I can tour you here,I know the place"

Hindi ko siya nilingon "No thanks! I can manage" at lumayo sa kanya ng bahagya na kunwari ay may kinukunan akong view.

Nagulat ako ng hawakan niya ang kamay ko,kaya mas lalo akong lumayo sa kanya. Tuluyan ko ng ibinalik sa bag ko ang camera,dahil nawalan na ako ng ganang kumuha ng mga litrato. Kailangan kong makalayo sa taong iyon,hindi dahil sa natatakot ako sa kanya kundi dahil natatakot akong masaktan ko siya. Ayoko sa kanya dahil sa maraming kadahilan at ayaw ko ng isa isahin iyon dahil hindi naman dapat pang inaalala.

"Chan,com'on it's been a while,don't you think so?"

Iniwan ko siya at naglakad na muli palayo sa kanya,pero nakasunod pa rin siya sa akin. Nagpakawala ako ng isang malalim na buntong hininga bago huminto at hinarap ko siya,gusto kong burahin ang ngisi na nakapaskil sa kanyang mukha.

"For the last time,leave..me..alone.."

Kita ko ng mawala ang ngisi nito at napalitan iyon ng pagtiim baga at panlilisik ng mga mata na pamilyar na sa akin. Kinabahan na agad ako ng titigan niya ako ng husto gamit ang mga matang iyon na nakakatakot. Siguro kung alam kong nasa tamang katinuan ito ay madali ko itong mapapasunod pero sa lagay nito ngayon ay alam kong mahihirapan akong gawin iyon.

"No!" Sigaw nito na kumuha ng atensiyon ng mga tao sa paligid namin "I want you,I won't leave you on your own,we can be happy and I will help you forget about him,I will be on your side no matter what happen. .."

Hindi ko na pinakinggan pa ang kanyang mga sinasabi sapat na sa akin ng banggitin niya ang paglimot ko sa aking nakaraan. Lakad takbo ang aking ginawa dahil sa kanyang pagsunod sa akin.

"Chandie!"

"Chandie! No!"

Hindi ko siya nilingon dahil natatakot akong maabutan niya ako at nanlalabo na rin ang aking paningin ng dahil sa pagluha. Hindi ko inaasahan ang sunod na nangyari,hindi ko namalayan na may hagdanan pala sa parteng iyon na aking tinungo. Huli na para huminto ako,nagdiretso ako sa pagkahulog sa ilang baitang na hagdanan na iyon.

Habang gumugulong ako pababa ay may naririnig akong mga nagsisigawan at may bumabanggit din ng aking pangalan. Pero hindi ko na alintana ang mga iyon dahil sa sakit na aking nararamdaman sa pagkakahulog ko. Dinig ko ang papalapit na mga paghakbang sa aking kinahulugan.

No! This should not happened.

Pero bago pa ako makahuma ay biglang nagdilim ang aking paningin at tuluyan ng kinain ng kawalan ang aking mga  pagpoprotesta.

Into the eye of the greek godTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon