Chapter four

1.4K 46 1
                                    

Nagmulat ako ng aking mga mata ng una ay nasilaw pa ako sa liwanag na bumulaga sa aking paningin. Nang masanay na ako sa liwanag ay iginala ko ang aking paningin. Maaliwalas ang paligid at sumisinag na ang sikat ng araw mula sa bintana sa tapat ng kinahihigaan ko. Nasa ospital ako iyon ang sigurado kahit pa mukhang nasa isang mamahaling hotel room ang kinaroroonan ko. Pilit kong inalala ang nangyari bago ako humantong sa ganitong sitwasyon. Hindi kinaya ng aking pagiisip ang ginawa kong pag alala dahil naramdaman kong parang may sakit na sumalakay sa parte ng aking ulo. Kinapa ko iyon para lang magulat ng maramdaman kong may benda ang aking ulo.

Bigla ang pagsalakay ng mga alaala,ang pagkikita namin,ang pagsunod niya sa akin,ang pagkakahulog ko sa hagdanan lahat ng iyon. Pinilit kong makabangon para maupo kahit masakit pa rin ang buong katawan ko. Muli ay inilibot ko sa buong kwarto ang paningin ko. Ako lang mag isa ang naandito,nakita ko ang bag at mga damit ko na maayos na nakalagay sa isang tabi.

Napalingon ako sa may pintuan ng pumihit iyo,pagbukas non ay pumasok ang isang babaeng nakaputi at may hawak itong clip board at maliit na metal na parang mini basket. Sigurado ako na gamot ang laman noon. Nakangiti itong lumapit sa akin.

"Good morning Miss.Bellafargo,I'm glad that you are already awake" bati nito sa akin "I'm here to check on you and for your medicine"

Tumango ako at hinayaan lang siyang gawin ang dapat niyang gawin.

"Here's your medicine Miss,your boyfriend will be back any minute now"

Napanganga ako sa sinabi nito pero maagap ding nakabawi.

I'm not going to be safe around him. I need to get out of here without him knowing.

"Which hospital am I in,right now?" Magalang na tanong ko dito. Mukha itong Pilipino,she speak fluent English but I can still distinguish her tone.

"Wait,are you Pilipino?"

Nanlaki ang mga mata nitong tumingin sa akin.

"Yes Miss! How'd you know?"

Ngumiti ako dito.

"Pilipino din po ako" Natawa ako sa tuwa na ipinakita nito.

"Sus ginoo Miss hindi ko po kayo napagkamalan na pinay,ang ganda ganda niyo po,matangkad din,maputi,ang mga mata niyo kulay abo at ang buhok niyo natural ang kulay na brown para kayong model sa isang sikat na magazine,hindi ko nga akalain na boyfriend nyo iyong nagdala sa inyo dito kahapon kasi naman ho mukhang hindi iyon mapagkakatiwalaan..."

Napatigil ito sa pagsasalita,siguro ay napansin nitong tahimik lang akong nakikinig sa kanyang mga sinasabi.

"Sorry po Miss naging madaldal na ako,madalang po kasi akong makasalamuha ng mga pilipino dito"

"Okay lang po iyon nurse Pam" nakatingin ako sa kanyang name plate kaya napangiti ito.

"Ay siyanga pala ako po si nurse Pamela,Pam for short"

"Ako naman ho si Chandie,it's nice meeting you po"

Inilahad ko ang kamay ko sa kanya para makipagkamay.

"By the way nurse Pam ano pong pangalan ng ospital na ito? Kagigising ko lang ho kasi at masyado pang masakit ang ulo ko at katawan,wala naman akong kasama ng magising"

"Ganon ba hija?" Tumango ako "ku ay naandito ka sa Hirslanden Medical Center hija,alam mo ba alalang alala sayo iyong boyfriend mo? Hindi mapakali ng dalhin ka sa emergency room,nang makalabas ka naman ay dito ka na dinala at kinuha akong private nurse mo habang may inaasikaso daw siyang mga importanteng dokumento...."

Sumalakay ang takot sa aking dibdib,noon pa man ay alam ko ng gusto niya akong mapasakanya. Binalewala ko lang iyon sa pag aakalang titigil din ito pero hindi nangyari hanggang sa kinalaunan ay naging kaibigan nito ang kapatid kong bunso na si Zeno.

Into the eye of the greek godTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon