Chapter one

2.3K 73 2
                                    

"Yes ate.."

"How long will you stay?"

"It depends on my mood...ayyyy kabayo kaaa..."

"Wow! What a good looking horse am I?"

Naiiritang nilingon ko ang may kagagawan ng pagtilamsik sa akin ng tubig. "Chan! What happened?" Rinig ko pang tanong ni ate pero binalewala ko iyon.

Isang lalaking banyaga ang nakatayo sa gilid ng fountain,may hawak itong aso na basang basa.

"I'll call you later ate,may aasikasuhin lang ako"

Hindi ko na hinintay na makasagot pa ang nasa kabilang linya,pinatay ko agad ang tawag at tuluyang hinarap ang lalaking mayabang sa harapan ko.

Naawa ako sa aso dahil basang basa ito,maamo ang mukha nitong nakatingin sa akin na parang alam niyang may kasalanan siya kaya nagpapaawa siyang tingnan.

Itinaas ko ang paningin ko sa lalaking may hawak sa aso,matangkad ito katulad ng mga pinsan at kapatid niyang lalaki,magulo ang kulay copper nitong buhok,matangos ang ilong nito,ang pisngi ay mamula mula mula sa init ng araw,naka soot ito ng Rayban kaya hindi ko makita ang kulay ng mga mata nito. Nakasoot ito ng kupasing maong short,itim na V neck shirt at black Nike walking shoes na latest ngayon. Hindi ko masasabi na isang westernian ang lalaki,siguro ay European ito base na rin sa tangos ng ilong nito at sa kulay ng balat nito na tan dahil siguro sa pagbibilad sa araw.

Kung titingnan ang kabuuan nito ay masasabi kong mayaman ang taong ito,kahit pa siguro anong isuot nito ay hindi ito magmumukhang tambay sa kanto o iyong walang sinabi sa buhay. Ganito siguro ako dahil sa isang kakilala na nagturo sa akin na kilalanin ang mga tao sa paligid ko dahil sa katayuan namin sa buhay o nasanay lang siguro ako sa mga taong mapagpanggap na nakapaligid sa akin kaya madali para sa aking madistinguish ang personalidad ng isang tao.

But then,how he knew kung ano ang nasabi ko kanina? And his accent,it's a strong british accent.

Napawi lahat ng mga katanungan sa aking isip ng tanggalin nito ang Rayban nito habang nagsasalita.

"I'm sorry Miss,are you done checking me out?" Nakakunot noo nitong tanong sa akin pero hindi ito seryoso base sa tono ng boses nito.

Nakakalunod ang mga mata nitong hindi ko matukoy kung green ba or blue ang mga ito. Parang halo ang kulay ng mga mata nito na nag iiba ang kulay sa tuwing nasisiskatan ng araw.

"Hey Miss!"

Kasabay ng pagtawag niya sa akin ay ang pagpitik nito ng kamay sa aking harapan na naging dahilan ng pag balik ko sa reyalidad.

"Y..yes?"

Oh my gosh! I stammered! And I felt my face heat up.

I saw him! He smirked like a devil,in a span of a second I composed myself and look at him.

"Ang kapal ng mukha!" Pabulong kong sabi.

"I heard that!" He exclaimed,grinning.

Binitawan nito ang hawak hawak na aso, bumakat ang basang shirt nito sa katawan,kaya naman maaninag ang mga pandesal nito. Napalunok ako sa ganong tanawin,Sh!t,may kape ba? Pwede kong magamit iyong line ni Coco Martin sa commercial niya.

YUMMY!

"Now you're looking at my abs!" Naa-amuse na sabi nito.

Automatically,I look at his face,tinaasan ko ito ng kilay at pinamewangan,ngumiti na naman Ito. Ano ba? Bakit ba parang ang perfect nito? Tao pa ba ito?

"And so? You're checking me out too,patas lang tayo!" Nakita kong namula na lalo ang mukha nitong mamula mula lang kanina "got yah!" Natawa ako sa itsura niya,ang gwapo gwapo niya na ang pula pula ng mukha,sarap halikan at iuwi sa bahay.

Tiyak na matutuwa nito si mommy,weakness kasi nito ang lalaking namumula ang mukha,kaya love na love nito si daddy. Naalala ko tuloy ang mga kapatid kong si Zeno at Zero nong mga bata pa kami,palaging pinipisil ni mommy ang pisngi ng mga ito para mamula then kukunan niya ng pictures. Fortunately I'm always on the go kaya hindi magawa sa akin iyon ni mommy at ayaw ni daddy.

"You just have to say sorry mister,stop being a jerk,you are not that gwapo for me to drool over,baka nga ikaw pa ang maglaway sa kagandahan ko"

Wow syete! Nasabi ko talaga yon?

Natatawa itong yumuko sa harapan ko.

"Forgive me my queen for being rude,I am sorry that my dog messed around and disturbed your phone conversation,I promise that it will not happen again"

Okay na sana eh,pero may halong sarkasmo ang tono ng boses nito at ang nakakalokong tawa nito na nakakahalina sa aking pandinig.

"Rude! Dyan ka na nga,nakakatuyo ka ng dugo,ang pangit mo!"

Nagtatahol ang aso ng tinalikuran ko sila ng amo niyang pangit. Bigla nalang ay may humablot sa aking braso,ng tingnan ko iyon ay nakita ko lalaking pangit na hawak pa rin ang braso ko. Inirapan ko ito ng hindi pa rin binibitawan ang aking braso.

"What?" Mataray na tanong ko sa kanya.

"What's your name my Queen? I'm Elmo at your service"

Nag vow pa ito na parang isang royalty. Adik yata itong lalaki na ito.

"Sorry,but I don't talk to stranger,lalo na sa pangit na katulad mo"

"Just a sec my Queen,don't move"

Hawak pa rin niya ako,nang may kinuha ang malaya nitong kamay sa likod ng short nito at inilabas ang wallet nitong may tatak ng Tumi brand. Yaman ni kuya branded ang wallet.

May iniabot ito sa aking calling card,nanlaki ang mga mata ko ng mabasa ang nakasulat doon.

GEORGE ELMO ADAMS KAIROSINIS
SENIOR VICE PRESIDENT FOR MARKETING DEPARTMENT
K&P INTERNATIONAL ASSOCIATES

May pagaalinlangan na sinauli ko sa kanya ang calling card.

"I'm not really sure if that is really yours,I know the name coz my family is into business,so am I"

I look at him,from head to toe,kapagkuwan ay kumunot ang noo nito na parang nagiisip. Muli ay may dinukot ito sa wallet at inabot sa akin ang mga ID na nakuha sa wallet.

Tinitigan ko ang mga iyon may health card,company ID at iba pa. Pareho ang mga pangalan na nakalagay sa bawat ID nito na may kalakip na mga pictures nito.

"So you believe me now My Queen?"

Agaw pansin nito sa pagsuri ko sa mga ID niya. Tumango ako bilang sagot bago muling nilipat ang tingin sa mga ID paharap sa kanya. Ginagalaw galaw nito ang mga kilay na nakangiti na muli.

"And what is your name My Queen? Be fair please!"

Nangungusap ang mga mata nitong nakaaakit sa akin.

Does he know how appealing it is when he do that?

I sigh,I don't have a choice now. Kahit makulit ako ay patas na tao naman ako.

"Chandie Bellafargo"

Kinuha ko ang shoulder bag ko, doon ay kinuha ko ang passport ko at ibinigay sa kanya.

Palagay naman ang loob ko sa kanya kanina pa,sinusubukan ko lang ang pasensiya niya.

"Hmm..from a business clan,eh?"

Into the eye of the greek godTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon