Scene 1

30 4 0
                                    

Narrator's POV

*insert background-school*

Boses muna maririnig habang pinapakita yung background sa school.

(camera pans around the room then focuses on Emily and Amanda)

"Amanda sige na! Sumama na tayo sa kanila! Masaya yun!" pagpipilit ni Emily Kay Amanda.

Nasa likuran nya si Amanda kaya nakatalikod ang upo nya para makalingon kay Amanda. Sila pa lang ang tao sa room kasi maaga silang pumasok.

"Emily hindi nga pwede. Marami pa akong gagawin oh, atsaka magre-review pa ako para sa exam" pagsagot ni Amanda na nilingon lang saglit si Emily at pinagpatuloy na ulit ang ginagawa.

"Eeh mamaya pa naman yun atsaka pwede mo naman gawin yan sa ibang araw."

"Kailan pa? Sa araw bago mag-deadline? Tss."

"Haynako, umiral na naman yang pagka-'nerdy' mo. Bahala ka, basta sasama ako." with hand gesture pa yung 'nerdy' sabay roll eyes kay amanda then humarap na ulit sa unahan.

Napa-iling na lang si Amanda habang tinutuloy ang kanyang ginagawa.

Nagsidatingan na ang iba nilang kaklase pati na rin ang mga kaibigan nilang lalaki.

"Oh ano guys? Sasama na kayo?" paglapit ni zach kila Amanda habang nakasabit ang isang strap ng bag sa kanang balikat nya at ang isang kamay ay nakapamulsa.

Ang ibang lalaki nilang kaibigan ay nasa likuran lang nito.

"OO!/HINDE!" Emily and Amanda in chorus. Nagkatinginan pa sila dahil sa magkaibang sagot nila.

"Haha. Ano ba talaga?" zach na paupo na.

"Oo nga, takte ang gulo nyo pareho. Tsk." James na umupo na rin kasama ang iba.

"Eh eto kasing si Amanda kesyo marami daw gagawin, etchetera etchetera kaya hindi daw sya makakasama." Emily na naka-cross arms.

"Kaya naman pala eh." James na nagkamot ng ulo habang nakatingin kay zach.

"Amanda, ngayon ka pa ba hindi sasama? Bahala ka, you'll gonna miss the fun." nick na nag taas-baba ng kilay.

"Okay lang, mas okay naman yun kaysa walang maisagot sa exam noh." nag-shrug na lang si nick kay Amanda.

"Andyan na si Ma'am'' sigaw ng isa nilang kaklase kaya nabaling ang atensyon nila sa pintuan.

"Sige. Bahala ka" Pagkausap ni zach kay Amanda in a serious tone. Sabay tingin ulit sa harapan.

(camera focuses on boy 1)

Then,
.
.
.
.
.
CUT!

The Midnight ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon