Bulacan, 'Old House'
Time Check - 8:33 pm
.
.
.
Lulan sila ng isang kotse. Tumigil ito sa tapat ng lumang bahay. Walang masyadong tao sa paligid at tanging mga huni lang ng insekto ang maririnig."Andito na tayo." pagbasag ni zach sa katahimikang bumabalot sa loob ng kotse.
Si Zach ang nasa driver seat, si Emily naman ang nasa passenger seat na naka-earphone habang tulog, at yung tatlo ay nag-kasya sa back seat.
Nagising si Emily nung tapikin sya ni Zach. Nagkusot ng mata sabay unat. Si Edward at Francis ay nagising na rin.
"Haaaaaaay, higit dalawa't kalahating oras rin pala ang biyahe! Nangalay buong katawan ko eh." Edward na pagkatapos tumingin sa wrist watch ay saka nag-unat unat.
"Oo nga noh? Kaya pala ang sakit ng leeg ko. Stiff neck pa ata ang wengya! Tsk." Francis na inu-unat ang kanyang leeg.
"Tss. Kayo pa may problema dyan?! Eh kayo nga 'tong buong byahe tulog! Samantalang ako gising buong byahe!" reklamo naman ni nick sa dalawa.
"Eh sino ba kasi nagsabi sayong 'wag matulog?? Haha" Edward na natatawa.
"Kasalanan nyo 'tong dalawa! Ang babakla nyo! Gawin nyo ba namang unan yung magkabilaang balikat ko kaya ni idlip wala ako!" pasigaw na reklamo ni nick sa dalawa.
"Ohww...kasalanan mo naman pala edward! Haha" francis na sinisi lang si edward.
"Gago! Nakakaiyak kaya yung kwento nya tapos natataw---" Hindi na natapos ni edward ang sasabihin nya dahil may kumatok sa wind shield.
"Bababa ba kayo dyan o dyan na lang kayo habang buhay?!" zach na naiinis na dahil sa tagal bumaba nung tatlo.
'Di nila napansin na nakababa na sila Emily at Zach dahil sa pag a-asaran.
"Labas na kasi! Nagagalit na si boss ohh." pagtulak ni edward palabas ng kotse.
Ang kanina pang nasa labas na si emily ay nasa harap lang ng lumang bahay at nakatulala dito. Lumapit sa tabi nya si zach at tumingin din sa lumang bahay kaya naman napalingon sya dito.
"Sigurado ka bang dyan tayo mag-stay? labas pa lang nakakatakot na eh." sabay yakap sa sarili nya.
Lumingon sa kanya si Zach "Oo, safe naman dyan kaya 'wag kang mag-alala, dati tong bahay ng (kuya/kaibigan) ko."
"O....kaaay?" patanong na sagot ni emily.
*Bzzzzt-Bzzzzt*
"Tara na. Nag-text si James, malapit na daw sila." pag-aya ni zach sa loob pagkabasa nya ng text.
(camera pans around the entire house then focuses on the window when a shadow figure suddenly appeared)
*creepy sounds*
Then,
.
.
.
.
.
CUT!