Scene 7

11 1 0
                                    

Daan.

Araw ng exam.
.
.
.
Naglalakad si Amanda papuntang school, tahimik lang and daan dahil bukod sa puro puno't halaman lang ang madadaanan, tahimik lang dito sa lugar na ito.

(camera pans around the hatchway/route then focuses on Amanda)

"Amanda!" pagtawag sa kanya ng isang pamilyar na boses.

Nilingon nya ito at nagulat ng bahagya.
.
.
.
.
.
"Oh Zach!" pagtawag nya rin dito.

"Aga mo ahh, ano nga palang nangyari sa inyo kagabi? Tinatawagan ko si Emily hindi naman nya sinasagot." pagtanong nya dito habang sabay silang naglalakad.

"Okay lang." tahimik na sagot ni Zach sa kanya. Kaya naman napalingon sya dito at napatigil ng bahagya sa paglalakad.

Tinignan nya muna ito ng ilang segundo sabay "Okay". At nagpatulo na ulit sa paglalakad.

"Amanda" pagpigil sa kanya ni Zach.

Napatigil sya ulit at nilingon si Zach.

"Oh?" pagtatakhang tanong nya. Kasabay naman nito ay ang pag-ring ng cellphone nya.

"Wait lang ahh." paalam nya kay Zach at lumayo ng kaunti para sagutin ang tawag.

'Emily calling.....'

"Si Emily?" pagtatanong nya sa kanyang sarili habang nakatingin sa caller.

"Oh, Emily! Bakit hindi mo sinasagot tawag ko kagabi??" pambungad nya sa tumatawag.

"Ahh, hello ma'am? Kayo po ba si Amanda Roswell?" pagsagot naman sa kabilang linya.

"Ayy---" tinignan nya ulit kung sino ang caller dahil hindi naman si Emily ang nagsasalita. Boses lalaki ito.

"Ahh ako nga po, bakit ho? Sino po ito? Asaan po si Emily?" pagtatakhang sagot nya.

"Pulis ho ito, kayo po ang tinawagan namin dahil mayroon kayong missed call dito sa cellphone ng kaibigan mo." pagpapaliwanag ng pulis na ikina-nuot ng noo ni Amanda.

"Ahh, opo tumawag nga po ako sa kanya kagabi kaso---"

"Napatawag po ako para ipaalam sa inyo na ang kaibigan mo at ang iba pa nyang kasamahan ay natagpuan naming patay na sa isang lumang bahay dito sa [insert place here]." pagputol ng pulis sa sinasabi ni Amanda.

"Sandali ho---! Patay?? Paanong patay?? Lahat??" naguguluhang tanong ni Amanda sa pulis habang nililingon si Zach na hindi parin umaalis sa pwesto.

"Oho ma'am patay na po ang kaibigan nyo at ang mga kasamahan nyang anim na lalaki." pagpapatuloy ng pulis.

"A-Anim na lalaki??" mahina at may halong kaba sa sagot ni Amanda. naalala nya ang mga kasamahan ni Emily, si James, Nick, Francis, Edward, Ken.......at si Zach.

"Oho ma'am." pagkumpirma ng pulis kay amanda.

Nagsasalita pa ang pulis sa kabilang linya pero hindi nya na ito naintindihan dahil nabitawan nya ang cellphone nya.

"Amanda" pagtawag ni Zach sa kanya kaya lalo syang kinabahan at nagtaasan ang kanyang mga balahibo pero di nya ito pinahalata at humarap lang ito ng buong tapang kay Zach.

Napatitig sya dito ng ilang segundo bago sya magsalita.

"Hindi....Hindi ikaw si Zach." sabay lunok laway. Kaya pala iba na ang pakiramdam nya simula nung tinawag sya ni Zach kanina.
.
.
.
.
.
Zach: *Evil smiles* (nag-iba ang kulay ng mata)

(camera focuses on Zach while smiling when the camera goes dark and then a cut-off scream.)
.
.
.
.
.
CUT!

---

(Ideas: Nang nabuhay na ulit si Tom, nagalit sya kay Amanda dahil nagsakripisyo si Zach ng buhay nya na dapat si Amanda ang pang-walong mamatay. Kaibigan/kapatid nya nga kasi si Zach diba. Kaya nagalit sya kay Amanda kasi nabuhay nga syang muli pero nawala naman ang kanyang kapatid/kaibigan kaya pinatay nya si Amanda.)

The Midnight ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon