Room.
(camera focuses on zach and edward)
"Asan na yung librong sinasabi mo?" pagtanong ni edward kay zach.
Vacant time nila, at silang magbabarkada na lang ang natitira sa room kasi pag-uusapan pa nila yung 'fun time' nila para sa mamaya.
"Ohh". May nilabas si zach na libro sa bag nya sabay abot kay edward.
Binuklat ni edward ang libro at inilipat sa ibang pahina.
"'The Midnight Man Summoning Ritual', ayos yung title dude nakaktakot! Haha"
"Tss. Basahin mo pa yung ibang nakasulat. Sabi dyan, kailangan may isang iaalay para makumpleto ung ritwal"
"Aba ayos ahh! pero teka, sino naman iaalay?" pagtanong ni edward kay zach.
"Malamang isa sa inyo, kasi ako ang magsisilbing Incanter"
"Ayos ka dude! Sabihin mo natatakot ka lang. Haha!" pang-asar ni edward kaya nagtawanan ang iba pa nilang kaibigan.
"Gago! Sa ating lahat kasi ako ang naka-kabisado ng ritwal!" may inis na sagot ni edward sa mga kaibigan.nya.
"Haha. Bakit nga ba alam mo ung ritwal?" pagtanong naman ni francis kay zach.
"Kasi 'tol dati daw syang miyembro ng mga kulto! Hahaha!" pagsingit naman ni james sa usapan kaya't lalo silang nagtawanan.
"Tss. Sige pagtulungan nyo pa ako! Imbis na yung problema nyo pino-problema nyo kung sino iaalay mamaya, ako tong pinagdi-diskitahan nyo! Hah! Kayo ata tong mga takot." pagsigaw ni zach sa mga kaibigan nya.
"Hoy sinong takot ahh?! Eh nag-prisinta na nga si ken na ialay eh! Pffft~" nick na tinuturo si ken na kakapasok lang ng room.
"A-Ako? Anong ako??" kinakabahang tanong ni ken sa mga kaibigan nya kasabay ng pag-upo nya.
Nagkatinginan si zach at nick na nagsasabing 'alam-mo-ba-ang-nasa-isip-ko?-look' sabay smirk ni zach kay ken. Ipinaliwanag muna lahat ni zach kay ken ang plano nilang 'fun time' mamaya.
"Ano okay ba? Malinaw na ba sayo ang lahat?" pagtanong ni zach kay ken pagkatapos magpaliwanag.
"Oo pero ang di ko parin maintindihan kung bakit ako pa ang kailangang iaalay? Pwede naman si nick o kaya si francis ahh" ken na nagtatakha parin habang tinuturo ang dalawa.
Umiling lang ng may pang-asar sa mukha si nick habang nakatingin kay ken.
"Wala ka ng magagawa 'tol" pagsagot naman ni francis na may pang-asar din sa mukha.
Tumingin na lang si ken kay zach na nagsasabing 'Bakit-Kasi-Ako?-Look'.
"Kasi kailangan daw 'matalino' yung iaalay. Pffft~" pagsagot ni zach kay ken na nagpipigil ng tawa dahil wala namang rason para sya ang ialay. Sadyang pinag t-tripan lang sya ng mga kaibigan nya.
"Hindi naman ako matali-- sige na nga sabihin na nating matalino ako pero ako lang ba sa barkada? Ikaw! Si Amanda! Bakit ako pa??" pagsumbat ni ken kay zach.
"Haha, eh hindi ka naman nakikinig eh! Si zach nga kasi yung 'Incanter' tapos, si Amanda? Eh hindi naman sasama yun eh!" si james na ang sumagot.
Tumingin si ken kay zach na nagsasabing 'Totoo-ba?-Look'.
" *NOD* Kahit tanungin mo pa sya." pabalang na sagot ni zach.
Tumingin si ken kay Amanda at tinawag ito.
"Amanda!"
"Ohh?" paglingon naman ni Amanda kay ken.
"Hindi ka ba talaga sasama mamaya??" paninigurado ni ken kay Amanda.
Umiling lang si Amanda na naka-kunot ang noo. Napa-kamot na tumingin lang si ken kay zach.
"Hindi na lang rin ako sasama, atsaka magre-review pa pala ako para sa exam buka---"
"Hindi pwede 'tol, hindi tayo matutuloy mamaya kapag 'di ka sasama. Ganun ka namin kamahal na kapag 'di ka sumama, 'di na lang rin kami tutuloy" pagputol ni james sa sasabihin ni ken. Nag-kunwari pa itong yumuko para mas kapani-kapaniwala ang pag-arte nya.
"Eh kasi....kasi, sige na nga!" pag-payag ni ken.
"Yown!/Ayos!" Boy's in chorus habang napa-palakpak pa ng isang bagsak. Habang sila Emily at Amanda ay napapatawa't napapailing na lang.
(camera pans around them, then focus it on ken while scratching his nape)
Then,
.
.
.
.
.
CUT!