#2

64 3 0
                                    

Parang kelan lang nangyari lahat ng yun! Two years na nakalipas at fourth year na kami. Dati, simpleng transferee lang ako, pero dahil sa mga taong nakasalamuha ko, nagging super extravagant ng high school life ko. Tapos dati crush ko lang si Ram, ngayon, kami na..

“Fire, alam mo ba, masaya ako pag kasama kita”

“ako rin naman ee”

“talaga?”

“o sige hindi na lang, bye!” akmang tatayo ako para umalis

“teka! Nagtatanong lang ee..” he held my wrist tapos pinaupo nya ulit ako sa bench

“ang gulo mo kausap ee. Mukha ba akong sinungaling?”

“hindi naman yun ee.. pwede patapusin mo muna ako?”

“Kdot”

“haha! Ang cute mo talaga!” 

OMG. Mas cute ka!! KYAA! He suddenly pinch my cheek na madalas nya ng ginagawa since naging close kami. Feeling ko nga nag-sag na yung mukha ko dahil sa kanya. Pero kahit madalas nyang gawin yun, hindi pa rin ako nasasanay at nagba-blush pa rin ako.

“oo na.. please pakibitawan na yung pisngi ko”

“haayy.. halika na nga, hatid na kita sa parking”

“ok!”

Nakakapanibago, antahimik nya sobra! Samantalang kapag ganitong magkasama kami, lagi naman syang madaldal.. Ako pa nga yung mas napapagod sa kanya minsan ee.. Bago makarating sa labasan, tumigil sya sa paglalakad.

“Ram?”

“Fire, gusto kita”

“ha?”

“ay sh*t! Nabibigi ba talaga ang mga babae kapag ganito yung sitwasyon?” napaupo sya sa malapit na bench

“narinig ko naman ee” tumabi ako sa kanya, maaga pa naman ee, sigurado akong wala pa si kuya dun sa parking napatingin sakin si Ram

“ayy naman Ram! wag mo akong tingnan ng ganyan!” napaiwas ako ng tingin sa kanya. Hindi sya gumagalaw, nakatingin pa rin sya sakin.

“hoy! Tama na sabi ee! Malulusaw na yung ganda ko nyan!” napabalikwas sya at umiwas na rin ng tingin.

“kahit anong mangyari, hinding hindi ka papangit sa paningin ko”

“ay grabe! Ang corny mo Ram!”

“panira ka naman ng moment fire!” napayuko sya

“ahahahahaahah!!!!!!!”

“ang lakas makahawa nila Dee at Kate aa, ang mean nyong tatlo”

“teka, hindi ako mean!”

“oo na.. may palag ba ako?”

“hehe..” napasandal ako sa bench, tinitigan ko lang yung mga puno sa field, “ano na?”

Sumandal na rin sya sa bench, nakaunan ung ulo nya sa dalawa nyang kamay

“Fire, can you be my girlfriend?”

Nagulat ako sa sinabi nya, kahit naman may feeling nako na gusto nya ako, hindi ko inaasahang dito nya ako tatanungin.

“Ha?”

“Ayan nabingi nanaman!”

“Sige na, pakiulit naman ohh!” napaayos ako ng upo at humarap ako sa kanya, ganon din ginawa nya sabay sabing

“sabi ko, can you be my girlfriend?”

“No!” sabay tayo at nagsimula nakong maglakad papuntang parking. Malayo na rin yung nalakad ko pero walang sumusunod sakin, paglingon ko sa bench, nandun pa rin sya nakaupo, nakayuko. Tumakbo ako pabalik, at huminto sa harap nya

“hindi mo ba ako ihahatid?” hindi sya gumagalaw, sinipa ko yung paa nya, napatayo sya sa sakit

“aray! Aray!” mukha syang tipaklong dun na nagtatatalon sa sakit. Natatawa ako sa itsura nya pero nakokonsensya din ako sa ginawa  ko.

“uyy! Sorry! Sorry Ram!” hinawakan ko yung braso nya at pinaupo ko sya ulit.

“ouch! Ansaket! Tsss”

“sorry na nga ee..” di pa rin sya mapakali sa paa nyang masakit.

“Yes Ram”

“ha?” napaayos sya ng upo at tiningnan ako, tong walangyang to! Di naman ata masakit yung paa nya ee!

“wala!”

“may sinabi ka ee..”

“sabi ko YES”

“Yes?”

“ayy! Slow!?? Ieexplain ko pa!??”

“so girlfriend na kita?”

“oo nga!!” nakasibangot nako. Nakakainis! >.<

“Yes!” nagtatatalon na naman sya pero hindi na dahil sa sakit ng paa, halata sa mukha nya yung saya. Tumayo ako at aalis na ulit, then suddenly he hugged me from the back

“Fire, hindi mo alam kung gano ako kasaya ngayon..” maluhaluha na sya nung nilingon ko sya. Akap akap nya pa rin ako

“ako rin naman ee”inakap ko na rin sya, sa tangkad nya, hanggang balikat nya lang yung mukha ko.

For the first time, i could feel his heartbeat, It was beating along with mine. Para silang kumakanta, nagdu-duet. Ang sarap pakinggan ng tibok ng mga puso namin. Wala nakong ibang naririnig kundi yun lang. Wala nakong pakealam kung may makakita samin sa ganitong sitwasyon. Basta ang alam ko, ayoko ng matapos tong sandali na to. Maya maya, may kumalabit sakin

“excuse me, Ms. Sapphire bawal po ang PDA inside the school premises” mom ni Dee naghiwalay na kami sa pagkaka-akap

“sorry miss” sabi ni Ram

‘it’s okay, pasalamat kayo ako lang nakakaita sa inyo.”

“sorry po talaga, di na mauulit”grabe nakakatakot

“Ms. Gomez, kilala naman kita ee, i know you’re a good lady.” Sabay tingin kay Ram, “sayo wala akong tiwala, kaya wag mong sasaktan tong si Fire ha!”

“i’ll never will miss”

“good! Umuwi na kayo”

“bye miss” sabay na sabi namin, nagkatinginan kaming dalawa at napatawa ng mahina. He held my hand, intertwined our fingers and started to walk. Nung nakarating na kami sa parking, humarap sya sakin and grinned lke the Cheshire cat.

“I love you Sapphire Emerald Perez”

I blushed, feeling ko, mahihiya ang kamatis sa kulay ng mukha ko ngayon. Natatakot ako na baka bigla na lang ako himatayin sa harap nya. I can’t breathe because of so much happiness that fills my heart. I forced myself and let out a sigh.

“I love you too Ram Julianda” then he kissed my hand.

 Napakasaya ko talaga sa araw na to. I will never forget this day.

 May 8, 2012

Vote--Comment--Be a Fan

Akala koTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon