Akala ko

111 3 0
                                    

Ilang araw nren kami ni Ram, at masayang isipin na first namin ang isa’t-isa..

Legal kami sa mga magulang ko dahil nanliligaw pa lang sya, madalas na sya dito sa bahay, Hindi ko pa kilala ang mga magulang nya pero kilala ko na ang kuya nya, si Jake.

 “Sabi po nya may meeting ang Punla

“Aa., pakisabi na lang na nauna nakong umuwi”

“Ok!” 

Hinahanap ni kuya Jake si Ram, kaso nagtext sya kanina na may meeting daw sila ngayon sa Punla. Yun ang school newspaper namin dito sa St. Celestine High. Mahilig sa mga literary works si Ram. Actually, yung mga ginagawa nyang poem ang nagpasagot sakin.

 ~ ~ ~ ~ ~

 “I may not be the first to greet you this day,

 But before today ends

 Here’s this letter I send

 To tell you my love will never end”

Note nya yun, iniwan nya sa loob ng locker ko. Nag-alala pa naman ako sa kanya dahil hindi sya nagtext nung umaga. 2 months nang kami pero hanggang ngayon, hindi sya tumitigil sa panliligaw. Alam kong corny, pero dahil galing yun sa taong mahal ko, napangiti pa rin nya ako.. Ganun ata talaga pag inlove ee.. hindi ko alam kasi nga first time ko to. Pero medyo alam ko na rin dahil kila Audrey at Katelin. Sila ang mga bestfriend ko, but unlike me, they’ve had gone through many boys.. haha! Wag kayo maingay sa kanila aa! Baka masabunutan pa ako nung dalawang yun! Pero magaganda kasi talaga sila, ako naman, simple lang, hindi ako pansinin dito sa school kasi hindi naman ako palakad-lakad. Madalas nasa mga bench lang ako na malapit sa garden ng school.

 “Oh! May note na naman sayo si Ram? Aww, ang sweet..” kinikilig na sabi ni Kate, grabe mas bulgar pa syang kiligin kesa sakin!

 “Ay nako talaga, ikaw, Bae! Kapag pinakawalan mo pa yan si fafa Ram, susunggaban ko agad yan!!” sabi naman ni Audrey, with matching blowing her bangs..

Silang dalawa ang neutralizer ko, we were classmates since second year. I was a transferee back then, gusto kasi ni mama na malapit lang kami sa workplace nya.

>>flashback<<

 “Nak!, naayos mo na ba sa van lahat ng damit mo? Yan lang muna ang ililipat dahil fully furnished naman na yung lilipatan natin.”

 “Opo”

 “Si papa mo na lang ang babalik dito sa Sunday para kunin yung mga maiiwan na gamit”

Hindi naman namin ibebenta tong bahay namin, iiwan lang namin sya sa tita ko, magkapitbahay lang kaya araw araw nilang masisilip. Tatlong magkakatabing bahay to na pamana ni lola kila papa. 1hour lang ang byahe, dapat mas mabilis kung hindi lang traffic.

 “Bunso, pakikuha nga yung toolbox, naiwan ko ata sa compartment.”

Si papa ako pa inutusan, ang laki kaya nung toolbox nya! Palibhasa si kuya tulog agad ee. Di man lang namahay! Haaysss.. ano pa nga bang magagawa ko? Edi kukunin!

 “Kyaaa!! Ang bigat!” >BLAG<

Ayan tuloy nalaglag ko! Tss..

“Nak okay ka lang? Saglit tutulungan ko lang mama mo dito”

 “Kdot” pabulong lang yun! Haha

Naupo muna ako sa likod ng van habang hinihintay si papa. Maya-maya, may papalapit na lalaki sakin. Teka! Baka carnapper to! KYAAA!!! What to do?? Ayan na, malapit na sya sakin! WAAAHHH! Papa!!! Bigla kong ipinasok ang sarili ko sa loob ng van at sinara ang pinto ng compartment. Sa sobrang panic ko, napapikit na lang ako, pag dilat ko, wala na sya. Haaayyy! Buti naman wala na sya, baka naman hindi talaga sya papunta dito. Ang assuming ko! Kainis! >.<

Akala koTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon