#6

33 3 0
                                    

Hinihintay ko na lang mag-umaga and I’ll prepare for school again. Sinabay ako ni kuya papasok, I was staring blankly on the road. Thinking of the things that happened the past few days. Marami akong kasama, pero lagging may kulang.. Wala si Ram.. Friday na, almost a week since the prom.. Hindi ko mapigilang umiyak pag mag-isa na lang ako, thank god di ko napapabayaan yung pag-aaral ko. Pero maraming nakakapansin na nangagayayat daw ako

“bebe, suklay suklay din sana diba?”

“oo nga girl! Mukha ka nang witch”I forced a smile

“alam aman naming mahirap na wala sya, pero kailangan mo pa rin namang mabuhay ng maayos”

“ano ba Kate!”

“alam mo Dee, kailangan tayo ngayon nitong babaitang to.. hindi nako magpapanggap pa na okay ang lahat.. Fire, wala na sya, kaya kalimutan mo na sya, andito naman kami ee” hindi ako makapagsalita

“yea.. iiyak mo na yan.. alam ko namang ilang araw ka ng nagpipigil ng iyak ee” napahagulgol ako ng malakas.. hindi nako mahihiya.. ang bigat bigat na ng nararamdaman ko hindi ko na makayanan.. napaakap silang dalawa sakin.. I cried it all out.

“Sabihin nyo nga, may alam ba kayo sa mga nangyayari? May alam ba kayo tungkol kay Ram?”

“Si Red ang dapat mong kausapin tungkol dyan..” after the class, sinamahan nila ako papunta sa bahay nila Red gamit yung Jazz ni Kate.

Nadaanan naming yung bahay, pero di nako bumaba. kailangan ko ng malaman yung totoo.. Pagbaba ng kotse, nagdoorbell na agad si Dee, pinagbuksan kami ng maid nila. Malaki ang bahay nila Red compared to our house. There is a big lawn before you reach the lanai of the red bricked house. Pinaupo kami sa sofa sa sala, hindi ko pa nakikita  si Red, hinandaan kami ng juice at cookies pero hindi ko ginalaw yung akin. Kahit di pa ako kumakain ng lunch, hindi ako makaramdam ng gutom, gusting gusto ko ng malaman kung anong nangyayari kay Ram. Hindi ko magawang pumunta sa bahay nila dahil hindi ko rin naman alam kung saan. Wala pa akong kilala sa pamilya nya bukod sa kuya nya, hindi kaya may girlfriend na sya? Hindi kaya kabit lang ako? Hindi kaya ikakasal na sya? May malalang sakit kaya sya na nakakamatay?? Ang daming pumapasok sa isip ko na possibilities kung bakit sya umiiwas, kung bakit sya biglang nawala.. Hindi ko na alam kung anong totoo. Pinagtripan nya lang ba ako? Minahal nya ba talaga ako??

“Uy Fire, okay ka lang ba?”

Then all went  black----

“kakayanin kaya nya kapag nalaman nya?”

“ngayon pa nga lang na wala syang alam, nagkakaganyan na sya ee”

“kayo tong bestfriend, dapat alam nyong kakayanin nya.. malakas na babae si Fire, matatag sya, andito naman tayo para alalayan sya ee” That was Dee, Kate and Red.

I slowly opened my eyes to find out I was inside a bedroom. Nakaupo yung tatlo sa gilid ng kama, nakapaikot sila sa isang round table.

“Red, ano bang totoo?” napalingon silang tatlo sakin, Red was holding a white bond paper, alam kong may nakasulat dun pero hindi ko nababasa. Tumayo si Dee, hinablot nya yung papel at inabot sakin

“Labas muna kami ha” said Kate that was already heading outside the door. Sumunod na rin yung dalawa na walang kahit anong sinasabi.

I looked at the paper I was holding, natatakot akong buksan at basahin yun. Natatakot akong malaman yung totoo. Natatakot ako sa pwedeng mangyari at sa pwede kong gawin once na malaman ko na yung totoo. Alam ko sa sarili ko na matatag ako, pero ngayon, halos hindi ko na makilala ang sarili ko. Napatingin ako sa salamin na nasa tapat ng kama. I could see black circles around my eyes, yung buhok ko maayos naman pero halt among, wala silang buhay. Malaki ang pinayat ko, that made my collar bones more noticeable. I sighed, I opened the letter.

!.!.!.!.!.!.!.!.ATTENTION READERS.!.!.!.!.!.!.!.!

nakaprivate po yung last part

(haha! ako na madamot)

ee kasi po gusto ko sana magkaron ng fan kahit isa man lang..

so kailangan nyo muna magfan para maopen yung last part..

well, wag po mag-assume na maganda yung last part kaya nakaprivate..

nasa sa inyo na po kung magagandahan kayo :))

comment nyo nlang rin kung anong reaction nyo,

PARA MASAYAAAAAAA!! ^_____^

Vote--Comment--Be a Fan

Akala koTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon