CELLPHONE
Ako si Alexandra Flores, isang collage student at scholar. Ang mga magulang ko Ay nasa probinsya samantalang Ako dito Ay nakikipag sapalaran sa maynila. Nangyari Saken Ito nung baguhan lang Ako dito sa maynila.Nasa dorm Ako nun at mag isa lang, Nagpapatugtog Ako ng music sa cellphone ko at maya maya pa Ay bigla nalang Itong nag pause! Nagtaka ako dahil Hindi ko Naman Ito ginagalaw at nakapatong lang Ito sa lap ko.
"Huh? May Sira na ba tong cellphone ko?" Sabi ko habang sinusuri Ito. At maya maya Ay biglang nag play ang music ko pero Hindi na Ito yung kantang pinapatugtog ko Kanina! Shit. Nabato ko ang cellphone ko sa lapag dahil sa gulat.
🎶if I lay here, if I just lay here. Would you lie with-🎶
Bigla nalang tumigil ang kanta At napalitan Ito ng mga Bulong na Hindi ko maintindihan. Ano yun? Kilala Akong matatakutin Kaya ganto nalang Ako mag react.Umiiyak na Ako habang nakatitig lang sa cellphone ko na tila May bumubulong padin. Mga ilang segundo Ay bigla nalang namatay ang phone ko.
"Huh? B-bat lowbat na phone ko. Kaka charge ko lang Nyan.."
Hindi na Ako nag abala pang Kunin ulet Ito. Humiga nalang Ako sa Kama ko at nag dasal. Natapos Akong magdasal at nakaramdam na Ako ng Antok.
.
.
.
.
.
.
...
.
.
...
....
..
.
.
*kriiiinggg*
Nagmadali Akong bumangon dahil akala ko umaga na. Yun pala ring lang ng phone yun. "Phone ko lang pala." Bumalik agad Ako sa pagkakahiga pero naalala ko.."Shit! No. Lowbat Nayan! Pano pa magriring yan? Shit.." Halos mapasabunot na Ako habang nagriring padin ang phone ko. Pinagpapawisan na Ako ng malamig. Naisipan kong puntahan ang phone ko at manginig nginig pa Akong pumupunta dito. Sino ba namang tatawag sayo ng 2:30 ng Madaling Araw?!
"Si bes? Ano namang kailangan nito at dis-oras ng gabi Kung tumawag."
"Bes? Hello. Bakit?"
"If I lay here. If I just lay here. Would you lieeeeee-!!"
Bigla kong nabitawan ang phone ko dahil sa gulat. Bakit Nya kinanta yun?! Bakit sya sumigaw?! At yung boses Nya.. Parang kulob na Ewan. Unti unti ng tumutulo ang luha ko. Hindi padin nage-end ang call namin. Kaya kinikilabutan padin Ako. Napahawak na Ako ng mahigpit sa unan ko Dahil sa Sobrang takot at kaba.
*toot* *toot*
Medyo kumalma na Ako ng marinig kong nag end call na. Unti unting lumuwag ang Hawak ko sa unan ko at naubos Nadin ang luha ko.
"Hindi na Ako matutulog. Bukas na bukas aalis na Ako dito." Sabi ko sa sarili ko. Nanatili ang cellphone ko na nasa lapag. Ayoko na! Naguguluhan na Ako.
"Haha! Salamat. Umaga na!" Para na Akong Baliw na nagsasalita dito at tumatawa pa. Inimpake ko na Lahat ng gamit ko. Paalis na Ako ng biglang mag ring ulet ang phone ko pero Ngayon text nalang Ito. Hindi na Ako natakot dahil umaga na at marami nading Tao sa labas.
Lumapit Ako sa phone ko at nakita kong nag text si mama.
From: mama
Anak, Patay na ang kaibigan mo, Kagabi Lng Ito. Dahil din sa rape. Duon sa malapit na iskenita sakanila iyon. Pwde bang umuwe ka muna dito? May pera ka Naman pamasahe diba?"Huhuhu. K-Kaya pala tumawag sya kagabi!" Humagulgol na Ako sa iyak nuon habang umiiyak Ako biglang May bumulong sa tenga ko.
"HI BES!" Na pasigaw nalang Ako ng napakalakas.
GOODNIGHT.
BINABASA MO ANG
Storya ng mga kababalaghan
HorrorMga storyang mag papatayo ng inyong mga balahibo! mga storyang hinding Hindi nyo makakalimutan at siguradong Kayo Ay babangungutin. Kaya mo bang matapos ang bawat kabanata nito? >>PINTUAN>CELLPHONE>CHAIN MESSAGE>WAITING SHED>LOLA>13th floor>Elevator...