Storya 6

23 0 0
                                    

13th floor.

Maraming natatakot sa numerong 13. Triskaidekaphpbia ang tawag sa mga may phobia sa numerong 13. Bakit nga ba? Dahil ba ito ang tinatawag nila na pinaka malas kumabaga na araw? Kahit mga siyentipiko ay hindi padin mapaliwanag ang paniniwalang ito. Ako si Drei Santos at ito ang naranasan ko sa 13th floor. Isa akong nurse noon sa pinagtatrabahuhan kong ospital, noong araw na iyon ay saktong natapat ako sa 13th floor na palapag. Hindi pa alo natakot noon dahil hindi ako naniniwala sa mga paranormal na bagay.

"Aish ano bayan! Sa 13th floor ako." Bulalas ko nalang sa sarili ko. Nakita ko naman na natulala ang katabi ko ding nars ng marinig ang sinabi ko.

"Bakit? Anong nangyari sayo? Bigla kang namutla diyan?" Tanong ko dito. Dahan dahan siyang tumingin saken.

"Dimo ba pa alam ang nangyari?! Na laging may nagpaparamdam na kaluluwa sa 13th floor? Kung ako sayo.. Aayaw na ako." Napa irap nalang ako dito.

"Naniniwala kasi kayo sa mga ganyan! Tinatakot niyo lang ang sarili niyo." Biglang may namuong ngisi sa baliw na nars na ito. Dapat tanggal na ito dito! Mukhang may saltik sa utak.

"Papa.. Papa.. Tulong.." Tumaas ang balahibo ko sa bulong ng nars na ito. Dapat sa mental to eh!

"Oy pre. Ingat mamayang gabi. Uwe na ako ah?" Siya ang tanging kaibigan ko dito na si Shella, at oo tomboy siya.

"Sige lang pre." Tumango nalang siya saken at umalis na. Pumunta nalang ako sa CR upang mag ayos ng onti dahil maya maya ay start nadin ng duty ko.
-------------
"Drei! There is an emergency sa 13th floor! Kailangan ni dok ng isa pang nars! Umakyat kana bilis." Tumakbo na ako sa taas pagkatapos sabihin ni Yuri ito...  Pumasok na ako sa loob at pagkapasok ko palang ay marami nang inutos ang doktor. Siyempre takbo dito takbo doon. Pero pagdating ko sa room ng matanda ay patay na ito. Pumasok na ang ibang nars para kunin ang bangkay kasabay na ang pag hihinagpis ng pamilya nito. Gaano kaya kasakit ang mawalan noh? Napayuko nalang ako na umalis sa kwartong iyon.

11:30 PM (13th floor)
Ako lang dito mag isa dahil ang ibang kasamahan ko ay nasa emergency room, at ibang floor. Kasalukuyan ako ngayong tinitgnan ang stats ng bawat pasyente. So far wala namang nangyayaring masama. Ngayon ay pa diretso akong pumupunta sa kwarto ng isang pasyenteng na coma.

Dahan dahan kong binuksan ang pintuan at naabutan ko itong walang kasama. Chineck ko lahat at stable naman ito. Pero bago ako lumabas ng kwarto narinig ko ang lalaki na nagsasalita, hindi masyadong malinaw dahil may nakalagay na dextrose sa ilong nito.

"Dyan.. Siya.. Lis kana.." Napakamot nalang ako ng ulo ko. Normal na sakin ang makakita ng ganto kaya pinapabayaan ko nalang, pero ngayon iba to. Nagsimula ng magtaasan ang balahibo ko. Pagkalabas ko ng pintuan ay nagsimulang kumurap ang mga ilaw. At sobrang tahimik ng paligid. Tipong pakiramdam ko ako nalang ang mag isa. Pakiramdam ko din ay may matang nagmamasid. Dito na nagsimula ang paglabas ng pawis, at pagbilis ng tibok ng puso ko. Naalala ko ang kwento nung baliw na nars kanina, paulit ulit nag play sa utak ko. Patuloy padin akong naglalakad, at habang palayo ako ng palayo ay mas lalong lumalamig ang temperatura.

Nakarinig ako ng hikbi kaya lumingon ako sa likod ko.

"Bata? Ok ka lang ba? Samahan na kita sa mga magulang mo." Tuloy padin siya sa paghikbi ay hindi parin inaalis ang dalawang palad sa mukha. Naawa na ako kaya lumapit ako rito.

"Tara na bata. Saan ba kwarto ng pinanggalingan mo?" Hindi padin ito sumasagot saaken. Aalisin ko na ang kamay niya sa mukha niya at bigla siyang sumigaw ng pagkalakas lakas kaya tinakpan ko ng maigi ang tenga ko.

"BATA! Tama na! Arghh!!" Pagkasigaw ko ay unti unting humihina ang sigaw nito. Pagdilat ko ay nakatayo padin ang bata. Nanginginig na ako sa takot dahil ang mukha niya!! Sunog!! Pinipilit kong tumayo pero parang may pwersa na humahatak saakin pababa.

"Papa, papa! Tulong. Huhuhu" iyak ng bata habang papalapit saakin. Naisipan kong sumigaw pero walang lumalabas na boses sa lalamunan ko.

"Pinatay niyo ang papa ko! Magbabayad kayo! Magbabayad kaaa!!!" Tumakbo ang bata papunta saken at tinignan ako mata sa mata. Hindik na hindik ako sa nakikita ko dahil may lumalabas na uod sa bibig nito. Bago ako mawalan ng ulirat nakita ko na nakangisi ito saaken.

"Drei! Drei! Huy gising!! Binabangungot ka!" Hingal na hingal akong dumilat. Nakahinga ako ng maluwag na panaginip lang pala iyon. Pero parang totoo.

"Anong nangyari mark?"

"Ungol ka ng ungol diyan kaya tingin ko binabangungot ka. Gumising kana at magche-check kapa ng stats ng mga pasyente mo!" Saglit akong napatigil.

"Huh? T-tapos na kanina pa!" Sigaw ko dito,

"Nahihibang kana ba? Anong oras palang oh!"

"Ano?! 11:00 palang ng gabi?! Paanong?" Bumalik ulet ang takot ko.

"Ano? Tara na?" Tanong saken nito.

"A-ayoko! Palitan niyo ako! Ayoko ng umakyat duon." Napakamot nalang ng ulo si Mark saaken. Maaga akong nag out dahil feeling ko lalagnatin ako ng gabing iyon. Buti nalang at pinayagan ako ng boss ko.

Goodnight.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 31, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Storya ng mga kababalaghanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon