Chain message
"Jacob! Tayo nalang partner para sa thesis natin huh?" Sya ang bestfriend ko na si Ramina. Matagal na kaming magkakilala at simula pagkabata Ay talagang Turing na namin na mag kapatid ang isat isa.
"Heh! Bala ka sa buhay mo. Dun ka sa manliligaw mo na si Troy." Sanay na yan sakin Lalo na pag May bago syang manliligaw. Pero alam nyang nagjo-joke lang Ako.
"Sus Naman ang baby Ko nagtatampo Nanaman Saken. Hahaha! Mama! Si Troy oh nagtatampo Nanaman Saken." Nandito Kasi Ako sa Bahay Nya Ngayon at nakiki meryenda.
"Oy Jacob. Papaiyakin mo Nanaman yang princess ko ha. Sige ka!" Hahaha. Clos na close narin kami ni Tita. Pano ba Naman sila rin ni mama Ay mag kumare.
"Nako Tita. Yang si Ramina May manliligaw Nanaman ho." Bigla nalang lumingon si Tita Kay rams na naka simangot. Kaya Naman si rams Ay halos patayin na Ako sa titig, haha!
"Anak. Sabi ko sayo ayokong nagtatago ka Saken diba? Sinusuway mo Nanaman Ako ah." Binigyan Ako ni rams ng bat-mo-sinabi-look.
"Tch. Mama! Wala Akong manliligaw. Imbento lang yan ni Jacob para asarin Ako."
"Oh wala Naman pala Jacob ah." Sabi ni Tita Saken.
"Meron Kaya Tita! Haha. Ang sweet nga nila pag nasa school eh." Binelatan ko si rams. Ang Saya talagang mang asar ng mga babae ang k-kyut.
"Hay nako talagang bata Kayo. Mag aral muna! Makakapag intay Naman yang pisteng love life Nayan. Tignan mo Ako iniwan ng tatay ni ramina." Here we go again. Nag drama Nanaman si Tita.
"Hay nako ma. Hayaan mo na ang nakaraan." Napailing nalang Ako sa drama nilang dalawa.
"Tara na Nga Jacob akyat na tayo sa taas." Hila Saken ni rams.
"Oo na Eto na." Sumunod Naman Ako Sakanya.
Madaming Oras ang nakalipas at Sobrang sakit na ng mata namin ni rams dahil Kanina pa naka titig sa computer habang nagre-research.
"Pagod na Ako Jacob." Sabi ni rams Saken habang umiinom ng kape. Naka ilang timpla Nadin kami ng kape para panlaban sa Antok.
"Hinde pwede rams. Dapat nating matapos toh kahit Hindi pa deadline. Sayang din ang extra points!" Pagkukumbinse ko dito. Ngumiti sya Saken at ibig sabihin nun sumang ayon sya.
"Tama! Teka anong Oras naba?" Tanong nito Saken. Kaya pumunta ako duon sa Kama ni rams para tignan yung cellphone ko.
"It's 12:30 na." Sabi ko dito at lumaki ang mata Nya.
"Really?! Omy gosh. Kanina pa pala tayo Hindi ko napansin ang Oras. Jusko ang Tagal na pala natin dito sa harap ng computer." Hindi ko na sya pinansin at humigop ulet sa kape ko na malamig Nanaman.
Habang nags-scroll Ako, pagtingin ko Kay rams Ay nakatulog na Ito. Napa tawa nalang Ako sa itsura nito. Kinuha ko ang phone ko naisipan kong picturan si rams.
"Hahaha." Tawa ko ng pabulong at maya maya Ay nag ring ang phone ko. Unregistered number ang lumabas.
"Sino Kaya toh?" Sabi ko.
"Chain message lang pala." Inilapag ko lang ule ang cellphone ko dahil Hindi Naman Ako naniniwala duon. Nang ilalapag ko na Ay biglang sunod sunod na message ang pumasok at Eto padin yung chain message Kanina. Naisipan kong basahin.. Wala Naman mangyayari.
Ipasa mo Ito sa 20 katao. Kung Hindi po Ito ipapasa saktong 1:02 am Mamatay ka o Kung May kasama ka man dyan. Lalabas... Lalabas Ito sa inyong.... Meron kang 20 minutos para gawin Ito.
"Psh. Yan lang pala." Inilapag ko nalang ule ang cellphone ko.
Pero Hindi ko maiwasan mapatingin sa cellphone ko.. "Gagawin ko ba?" Nagaalinlangan padin Ako. Sayang din Kasi sa load.
"AHHHHH!" Napatalon Ako ng marinig ko ang sigaw ni Tita sa kwarto Nya. Tumingin ako sa orasan at saktong 1:02 am na.
"Shit." Nasabi ko nalang. Tumahimik ng saglit. At dahan dahan akong tumayo para hindi magising si Ramina at para walang makarinig saken kung sakali mang may nag akyat bahay. Ako lang ang lalaki dito kaya kinakabahan man ay lumabas ako. Madilim ang labas kaya nagsimula nadin mag tagaktak ang pawis ko. Ngayon lang ako nakaramdam ng gantonh takot at kaba sa tanang buhay ko. Malapit na ako sa kwarto ni tita at nang makapasok na ako duon ay nagtaka ako.
"Huh? Tulog naman si tita ah. Eh sino yung sumigaw?" Napakamot nalang ako sa ulo ko. Baka guni guni ko nalang yun at tutal antok na antok nadin ako. Naabutan ko padin na natutulog si Ramina pero may isang bagay ang nakapansin saken. May babaeng papalabas ng cabinet at may hawak na kutsilyo. Kumaripas ako ng takbo sa kwarto ni tita at ngayon ko lang napansin na may saksak siya sa katawan.
"Bakit?! Sana ginawa ko nalang ang chain message.." Halos maiyak iyak na bulong ko habang tumatakbo ako papunta sa estasyon ng pulis. Oo, iniwan ko na sila dun. Ayoko pang mamatay. Sa gitna ng pagtakbo ko ay biglang nag ring ang cellphone ko sa wallet ko.
"Ikaw na susunod."
BINABASA MO ANG
Storya ng mga kababalaghan
HorrorMga storyang mag papatayo ng inyong mga balahibo! mga storyang hinding Hindi nyo makakalimutan at siguradong Kayo Ay babangungutin. Kaya mo bang matapos ang bawat kabanata nito? >>PINTUAN>CELLPHONE>CHAIN MESSAGE>WAITING SHED>LOLA>13th floor>Elevator...