Storya 5

33 0 0
                                    

Lola.

Pag ba naglalakad ka sa daan ay binibigyan mo yung mga matatandang namanalimos sayo? Yung iba oo pero mas madami ang hindi. Bakit nga ba? Kukuha ka lang naman ng barya sa bulsa mo at pwede ka na ulit maglakad. Mag iingat ka sa mga iisnobin mong namamalimos lalo na sa mga MATATANDA. Hindi mo alam kung anong pwedeng ipalit sayo. Ako si Lily Fontacio at ito ang kwento ko at ng kaibigan ko.

At the call
"Ano na Lily?! Asan kana! Andito na ako sa bar. Ang tagal mo naman eh." Sigaw ng kaibigan niya na si Kyra. Silang dalawa ay magkaibigan na simula pagkabata pa. Ang mga magulang nila ay mga mayayaman at may kanya kanyang business, ito ang naging dahilan para magkakilala sila. Sila'y mga anak mayayaman kaya naman napakaganda ng mukha at mga kutis nito.

"Ano ba! Masyado kang atat, eto na oh! On the way na." Pagkatapos sumagot ni Lily ay pinatay na niya ang phone niya. Nag paalam na sa magulang at lumabas na ng bahay.
--------------
"Hay nakarating din ang prinsesa!" Pagkapasok palang sa bar ay binungan na siya ni Kyra. Umupo sila sa sulok at duon nag saya, nag shot lang sila ng kaunti dahil babyahe pa sila pauwi. Mahirap na at baka ma disgrasya sila sa kani-kanilang sasakyan.

"Hi miss! Pwede bang maki join sainyo?" Lumapit sakanila ang gwapo at chinitong lalaki. Sino ba namang aayaw kung ganyang itsura ang makiki sali sainyo. Napatango nalang ang dalawa at duon sa sila nag small talk kasama ang lalaki. Tumayo si Kyra at ang lalaki. Nagpaaalam na sasayaw lang saglit sa gitna. Tumango naman so Lily dito at naiwan na siyang mag isa duon. Tinignan ni Lily ang relos niya at 11:30 na pala ng gabi. Ayaw na ayaw pa naman niya ang umuuwi ng gantong oras dahil matatakutin ito. Hinanap niya si Kyra sa gitna ng mga tao na nagsasaya at ng makita na niya ito ay nilapitan niya.

"Ky! Alis na ako ah? Alam mo namang ayokong mag pa gabi."

      "Sige sige bye." Pagkatapos niyan ay iniwan na ni Lily sila duon.
----------------
*kringgg*
Naalimpungatan si Lily sa pagtulog ng nag ring ang phone niya. Papikit pikit pa siya na binuksan ang phone dala sa silaw ng liwanag na nanggagaling sa phone nito.

"Huh? Madaling araw na tumatawag pa si Ky."

At the call
"Hi bes!!" Masiglang bati ni Kyra kay Lily. Napairap nalang siya.

"Ano ba?! Anong oras na! Anong kailangan mo?"

"Kasi bes eh.. Kanina habang nagda-drive ako pauwe. May matandang kumakatok sa bintana ko. Eww muka siyang mabaho kaya diko pinansin. Isakto mo pa na naka redlight kanina."

"Oh ano gagawin ko?" Maikling tugon ni Lily dito.

"Kasi bes eh. Ang creepy talaga nung matanda. Tapos nung nag go na ako pagtingin ko sa side mirror ko wala na yung matanda dun!" Nataos ang usapan nila tugkol sa matanda.

Pagtapos ng araw na nag bar sila. Hindi na nagpaparamdam ang kaibigan niya na si Kyra, lumipas na ang isang linggo. Nagtataka na si Lily dito dahil wala naman siyang nasabing masama nung huli silang mag usap. Lagi niya din itong tinetext at tinatawagan pero wala namang reply kaya naisipan niyang puntahan ito sa bahay nila.

"Hi po ate! Asan si Ky?" Tanong ni Lily sa kasambahay nila Kyra.

"M-madam.. Ipinagbibilin po ni Kyra na wag niyo na daw po siyang kausapin k-kahit kailan." Tumaas ang dugo ni Lily dahil sa inis!

"Sinabing asan si Kyra eh!!" Dahil sa sigaw niya nayun ay narinig siya ng mga magulang ni Kyra kaya naman lumabas sila para usapin si Lily. Nakayukong umalis ang kasambahay.

"L-lily.. Si kyra. Sorry" biglaang napahagulgol ang nanay ni Kyra na siya namang ikinataka nito. Pinatahan muna ng tatay ni Kyra ang kanyang asawa bago sumagot kay Lily.

"Ang kaibigan mo.. Si kyra.. Pagkagising niya kinabukasan ng nag bar kayo. Madaming butlig na tumubo sa mukha niya at sa loob nito ay parang may maliliit na insekto. Pinatingin namin siya sa doktor pero mismo ang doktor nag sabi na hindi niya alam kung anong pwedeng gawin.. Pag ginagalaw naman ay lalong lumalaki ang butlig." Duon na tumulo ang sabay sabay na luha ni Lily. Pumasok siya sa bahay nila. Kyra at tumakbo papunta sa kwarto nito. Napaitlag si Kyra ng maabutan siya ni Lily duon. Lumapit si Lily kay kyra pero hindi niya ito magawang yakapin dahil sa pandidiri. Pumayat din ng husto ang katawan nito at luwa nadin ang mata. Wala ng nagawa si Lily at tanging iyak na lamang ang napakita nito kay Kyla. Si Kyla naman ay napaiyak nalang din sa reaksiyon ng kaibigan. Hindi nila napansin na sa labas ng bintana ni Kyra andun ang matanda sa kabilang kanto nagbabantay at nakangisi.

KAYA IKAW KUNG MAY MAMAMALIMOS SAYO. BIGYAN MO NA. KUNG AYAW MONG MAGAYA KAY KYRA. ONTING BARYA LANG NAMAN.

Storya ng mga kababalaghanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon