Storya 4

42 0 0
                                    

Waiting shed.

Siguro may part na sa buhay natin na naghihintay, sumisilong, o nagpapahinga sa ilalim ng waiting shed. Kahit sinong tao ay pwedeng may makasama sa ilalim ng waiting shed. Mapamatanda man o bata. Pero alam mo ba na totoong tao ang nakakasabay mo sa ilalim ng waiting shed? Ako si Natan at ito ang nakakahindik na storya ko sa waiting shed..

"Hoy Natan! Anim na buwan ka palang dito sa kompanya natin ay tatamad tamad kana ha?! Ayusin mo yang trabaho mo kung ayaw mong sisantihin kita dito!!" Puta. Rinding rindi na ako pang araw na araw na sermon ng boss ko! Akala mo naman kung sino ding masipag! Pagod na pagod na ako! Lagi na nga akong nago-overtime dahil kapos na kapos na ako sa pera. At lagi nadin akong nakukulangan ng pagtulog at oras sa pagkain at pagkapasok mo ay ito bubungad sayo. Lintek na buhay!

"Oo boss!" Hindi nalang ako sumasagot dito dahil ayaw ko ng may maka away pa. Buti nalang at umalis na siya.
--------------
"Hay nako Natan. Ikaw naman kasi eh. Umayos ayos kana para dika na napapagalitan." Isama mo pa ang kaibigan niya na mahilig din manermon. Hay buhay nga naman.

"Inaayos ko naman eh! Sadyang ma demanding lang yang boss natin." Napa iling nalang ang kaibigan nitong si Jake sa kakulitan niya, at binaling nadin ang ulo sa harap ng computer para tapusin ang dapat tapusin. Mamaya pang 2:00am ng madaling araw ang uwe ni Natan samantalang si Jake ay 11:00 lamang ng gabi. Sila nga pala ay mga call center agent kaya para silang mga kwago at gising sa gabi, samantalang tulog sa umaga.

"Natan! Pre. Gumising kana diyan. Aalis na ako." Nag kusot kusot pa ng mata si Natan bago kausapin si Jake.

"Oo na umalis kana!" Habang naglalakad palayo si Jake ay may biglaang pumasok sa utak niya na dapat sabihin kay Natan. Kaya naman naglakad ito pabalik sa pwesto ng kaibigan.

"Mag iingat ka pre. Kung sakali.. Wag ka ng mag intay sa waiting shed para lang sumakay ng bus. Mag taxi ka nalang. Minsan ka lang naman gumasta." Nagbigay lamang ng nagtatakang tingin si Natan dito.

"Ano nanamang pakulo mo pre?! Lumayas kana nga. Duwag ka talaga."

"Nagbibilin lang." At naglakad na nga palayo si Jake. Sampu nalang silang natitira sa loob ng room at si Natan ang pinaka huling uuwe. Lumipas ang isang oras at naisipan ni Natan na mag kape muna para mawala ang antok nito. Bumaba na siya ng canteen nila upang mag timpla duon. Pagka akyat niya ng room nila ay napatingin siya sa kanyang orasan 1:30 na pala ng umaga at 30 minutes nalang ay out na siya. Napangiti ito dahil iyan naman ang paborito niya, ang umuwe ulet sa bahay niya. Niligpit na niya ang gamit niya at nag log out na.

"Aish anu bayan! Ang lamig! Ang bagal pa dumating ng bus." Nasapo nalang siya sa mukha niya sa sobrang inis. Kanina pa kasi siya nagiintay dito sa waiting shed. Habang nakatayo siya ay may napansing siyang rebulto ng matandang babae na papalapit sa tabi niya. Hindi na niya pinansin iyon. Maya maya pa ay umihip ang malamig na hangin kaya napayakap siya sa kanyang sarili.

"I-iho.. May barya ka ba diyan? Maawa ka gutom na gutom na ako." Pagtingin niya sa matanda ay gulo gulo ang buhok nito at ang daming dalang plastik at isang bag. Mayroon itong nunal sa pisngi at kulubot na ang mukha.

"Wala ho." Maigsing tugon nito nito. Pero sadyang makulit ang matanda at hinawakan na ang kamay niya. Tumaas ang balahibo niya dahil napaka lamig ng kamay ng matanda.

"Sige na iho. Kahit limang piso lang naman!" Medyo napataas ang boses ng matanda kaya nainis dito si Natan.

"Sinabing wala nga ho eh! Hindi mo ba maintindihan yun?!" At iwinaksi ni Natan ang kamay ng matanda. Biglaang nawala ang matanda sa tabi niya ma siyang ikinagulat ni Natan. Nagsimula ng magtagaktak ang kanyang malalamig na pawis na nagmumula sa kanyang noo. Sakto naman na may dumating na bus at agad siyang tumakbo dito.

Nagbayad na siya at nagpahinga sa upuan...... Napansin niyang malapit na siya sa kanyang bababaan ay tumayo na siya.

"Mag dasal ka bago matulog." Aniya ng konduktor bago ito maka baba. Hindi niya nalang pinansin iyon.

Nakauwe na siya at nagpalit na ng damit, handa na siyang matulog pero may naalala siya sa sinabi ng konduktor at ng kanyang kaibigan na si Jake. Napailing nalang siya at masyadong nagpapaniwala sa mga bagay. Pumikit na siya pero biglaang nagbukas ang pintuan niya. Napatayo siya upang isara ito. Pagbalik niya sa kanyang kama ay nakita ang matandaang babae na nakaupo duon.

Goodnight.

Storya ng mga kababalaghanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon