"Hoy Lance gumising ka nga dyan!" sabay palo sakin ni Divina
"Ano ba! Natutulog yung tao diba?!"
"Ah tao ka pala ngayon ko lang nalaman"
"Anong sabi mo? Bakit may pogi bang hayop ha?"
"Oo ikaw.. hahaha"
"Alam mo nakakaasar kana"
"Naasar ka naman"
"Kailan ba kita makakausap ng maayos ha? Yung di ka mang babara"
"Sa tamang panahon" Sabi nya sabay tawa ulit...
Nakakabwisit na talaga sya, bakit ba kasi sya pa yung naging seat mate ko?! Palagi nalang sya ganyan halos hindi ko makausap ng maayos dahil lagi nya akong binabara... at dahil dun wala na kami napag kasunduang dalawa. Lagi nalang kami nag aaway, nag aasaran, minsan nga nag kakasakitan pa kami dahil sa sobrang kulit nya nasasaktan na nya ako minsan, yung as in literal na sakit.
"Alam mo Lance, wag kasi puro pogi lang ang inaatupag mo subukan mo kayang mag aral ng maayos diba para naman may maganda kang feature kasi hindi ka yayaman sa puro pogi lang"
"Sige aayusin ko yung pag aaral ko, pero dapat ikaw yung kasama ko sa feature ko" nakangisi kong sabi. Bigla naman syang natigilan sa sinabi ko.
"Anong sabi mo?" tanong nya
"Ang sabi ko aayusin ko yung pag aral ko basta ikaw yung kasama ko sa feature ko" ulit ko, pag tapos nun bigla nyang hinampas sakin yung notebook na hawak nya
"Ikaw dyan ka magaling ang mambola ng mga babae, hindi mo ko madadaan sa mga ganyan mo"
"At bakit sa tingin mo totoo yung sinasabi ko sayo? Hindi ko pinangarap na mag karoon ng asawang amazona na katulad mo"
"Ah ganun? Sa tingin mo din ba naniwala ako sa sinabi mo? Hoy para sabihin ko sayo hindi ko din pinangarap na mag karoon ng tamad na asawang katulad mo!"
"Oh yun naman pala eh, itigil mo na yang pag hampas sakin kasi masakit na" tinigil naman nya yung pag hampas nya sakin.
"Ito tandaan mo Alden Lance Richards...."
"Ano?"
"Ang.... ang baho ng hininga mo!" sabi nya pag tapos nun kinuha nya yung mga gamit nya at lumabas sya ng room namin, ako naman inimoy ko naman yung hininga ko kaagad..
"Hoy Divina hindi naman ha!" sigaw ko pero di na nya ata ako narinig.. at dun ko lang napansin na lahat pala ng classmate namin nakatingin na sakin "What?" tanong ko kaya naman umiwas na sila ng tingin sakin.
Yung babaeng yun, sya si Divina Maine Smash... isang anak mayaman, may lolang napaka taray.. Maganda sya pero napaka pilosopo nya lang talaga at may pag ka amazona sya... Sya yung babae ni minsan hindi man lang matanggap na pogi ako.
***
A/N : ito ay likha lamang ng aking isipan, isa itong fanmade story kaya wag kayo masyadong mag reak kung hindi ito tugma sa totoo nilang buhay...
Open ito sa lahat , sa mga AlDub fans oh hindi man...
Pero isa lang masasabi ko sa mga mag babasa nito na hindi Aldub fans...
"Wala kayong pake kung AlDUb ang bida sa kwentong ito... tandaan nyo nag babasa lang kayo hmmp!"
BINABASA MO ANG
Mahal ko na ata sya
RandomNag simula sa arasan... Sa kulitan... Sa pikunan... Sa bangayan... Halos wala na kaming napag kasunduang dalawa, Pero.... Di ko akalain na dadating din pala ako sa puntong iba na yung mararamdaman ko sa kanya, yung bang bigla na lang ako napasabi sa...