Kabanata 4

30 1 0
                                    

Divina Maine POV

"Dito ka nalang umupo" sabi ko kay Frankie pag pasok namin sa room

"Wala bang nakaupo dito?" tanong nya

"Meron, pero wag kang mag alala ako na bahala dun" sagot ko sa kanya

"Sure ka? Baka magalit yun?" sabi nya

"Batas yan dito wag kang mag alala" sabi ni Lance na nasa likod lang nya

"Ah ganun ba? Sige dito nalang ako para malapit lang ako sa kaibigan ko" sabi ni Frankie

"Wow kaibigan agad? Eh kakakilala mo lang samin" -Lance

"Ah wag kang mag alala tsong, hindi ka naman kasali sa sinasabi kong kaibigan eh... sya lang yun" sabay turo sakin ni Frankie, ako naman napangiti lang pero si Lance napataas yung isang kilay.

"Sa tingin ko mag kakasundo tayong dalawa" sabi ko kay Frankie

"Buti naman kung ganun" nakangiti nyang sabi

"Paraan nga pupunta lang ako sa upuan ko" medyo inis na sabi ni Lance pag tapos umupo na sya sa upuan nya kaya umupo na rin kaming dalawa ni Frankie... bali nasa gitna nila akong dalawa, si Frankie nasa kaliwa, si Lance naman yung nasa kanan.

"Ah excuse me, upuan ko po yan" sabi ni Jenny kay Frankie

"Ah...." -Frankie

"Jenny mabait ka naman diba? Dun ka nalang sa likod" sabi ko sa kanya

"Pero---" -Jenny

"Sige na, bilis na ito gamit mo" putol ko sa sinasabi nya pag tapos binigay ko na yung gamit nya

"O-ok" sabi nalang nya pag tapos wala na syang nagawa kundi sa likuran umupo

"Batas ka nga" sabi ni Frankie

"Paano, amazona kasi yan kaya takot sa kanya" sabi ni Lance, kaya naman siniko ko sya "Aray... tingnan mo amazona diba?"

"Pwde ba Lance nakakahiya" sabi ko sa kanya

"Wow seryoso marunong ka palang mahiya" sarcastic nyang sabi nya kaya naman kinurot ko yung tagiliran "Araaaaayyyyyy..... tama na masakit!" daing nya

"Anong sabi mo ulit?" tanong ko

"Wala, wala! Bitiwan mo na yung tagiliran ko masakit promise!" sabi nya kaya naman binitiwan ko na yung tagiliran nya

"Sa susunod ag iingat ka sa sinasabi mo ha" sabi ko sa kanya

"Amazona!" inis nyang sabi habang hawak hawak nya yung tagiliran nya

"Hahahaha" tawa ni Frankie kaya napatingin kami sa kanya

"May nakakatawa ba?" sabay naming tanong sa kanya Lance

"Wala... pasensya na natatawa lang ako sa inyong dalawa, bagay kayo ang kulit nyong mag harutang dalawa" nanlaki naman yung mata ko sa sinabi nya sabay napatingin ako kay Lance n ngayon hindi mo maipinta yung muka... hindi mo alam kung naiinis sya sa narinig nya o matatawa sya.

"Bagay kaming dalawa? Ha.... ha.... hahahahahahahahahahaha!" sabi nya sabay ayan humagalpak sya ng tawa "Ang galing mo mag joke Frankie, seryoso kaming dalawa pa talaga ang bagay? Hahaha" tawang tawa nyang sabi kaya nahampas ko sya sa braso

"Ikaw lugi ka pa ba ha?" tanong ko sa kanya

"Oo... luging lugi ako, sa tingin mo ba bagay tayong dalawa talaga ha? Tingnan mo nga sarili mo... sa gwapo kong ito hahaha! No way!"

"Urgh ang yabang yabang mo talaga!" sabi ko pag tapos sinabunutan ko sya

"Ouch! Divina masakit bitiwan mo yung buhok ko!" sabi nya

Mahal ko na ata syaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon