Alden Lance POV
"Hey para kang baliw tawa ka ng tawa dyan" sabi ni Frankie
"Bakit ba? Eh sa masaya ako eh" sabi ko
"Totoong kayo ba?" tanong nya
"Hindi ah, never kong pinangarap na maging girlfriend sya nuh" sabi ko sabay tawa ulit
"Talaga? Eh halata naman sayo na gusto na sya" natigilan naman ako sa pag tawa at tumingin ng seryoso sa kanya
"Anong sabi mo? Ako may gusto sa kanya? Imposible" sabi ko
"Whatever, lets go baka malate pa tayo" sabi nya tapos nag lakad na ulit sya kaya sumunod na ako sa kanya.
Pag pasok namin sa room, umupo agad ako sa upuan ko at kinalabit si Divina.
"Hi babe" pang aasar ko sa kanya
"Tigilan mo ko" sabi nya
"Babe naman nag sungit mo" sabi ko sabay pout kaya pinitik nya yung labi ko "Aray masakit ha" reklamo ko
"Gusto mo isa pa" sabay amba na pipitikin nya ako
"Tumigil ka nga... babe" sabay kindat sa kanya kaya pinalo nya ako sa braso ko
"Tigilan mo ko ha! Isa pang babe mo sakin uupakan na kita"
"Bakit ba ayaw mong tawagin kitang babe ha? Eh diba girlfriend naman kita" sabi ko kaya naman tiningnan nya ako ng masama
"In your dreams, sinabi ko lang yun para makaiwas ka ng gulo pero hindi dahil gusto kong maging girlfriend mo ko"
"Asus kunwri ka pa eh" sabi ko kaya naman sussuntukin nya sana ako pero buti nalang dumating na yung teacher namin.
"Pakilabas ang assignment" sabi ni sir
"Assignment daw" sabi sakin ni Divina
"Narinig ko" sabi ko sabay labas ng notebook ko
"May assignment ka?" tanong nya sakin
"Oo ako pa" sagot ko
"Himala ah, pustahan lahat ng sagot mo dyan mali"
"Eh pano kung hindi? Paano kung tama lahat?"
"Paano magiging tama lahat yan eh hindi ka naman nakikinig ng ayos"
"Pustahan nalang tayo"
"Oh sige pag mali lahat yan lilipat ka na ng upuan"
"Ok.. deal, pero pag tama lahat ng sagot ko... isisigaw mo sa lahat na pogi ako"
"Ano?!" medyo malakas na sabi nya
"May problema ba dyan?" tanong ni sir
"Nag pupustahan lang naman sila sir" sabi ni Frankie
"Anong pustahan?" tanong ni sir
"Sir wala po" sabi ko kaya naman lumapit sakin si sir
"Ikaw Lance, may assignment ka ba?" tanong nya sakin
"Yes sir, here" sagot ko sabay bigay sa kanya ng notebook ko, tiningnan naman nya yun
"Sir mali lahat ng sagot nya nuh" sabi ni Divina
"Hmm... mahusay, tama lahat ng sagot mo" sabi ni sir kaya naman ngumiti ako ng napakalaki, si Divina naman nanlaki ang mata
"Sir paano naging tama? Eh hindi naman toh nakikinig sa inyo" sabi ni Divina
"Divina, ang sabi ni sir tama lahat ng sagot ko. Pinag hirapan kong sagutan yan" sabi ko tapos binalik na sakin ni sir yung notebook ko at pumunta na ulit ng unahan "So paano ba yan? Yung pustahan natin ha" sabi ko, hindi nalang sya sumagot pero yung muka nya parang nalugi kaya natatawa nalang ako.
BINABASA MO ANG
Mahal ko na ata sya
RandomNag simula sa arasan... Sa kulitan... Sa pikunan... Sa bangayan... Halos wala na kaming napag kasunduang dalawa, Pero.... Di ko akalain na dadating din pala ako sa puntong iba na yung mararamdaman ko sa kanya, yung bang bigla na lang ako napasabi sa...