Alden Lance POV
"Bitiwan mo ko!" pag pupumiglas ko dito sa driver ng lola ni Divina
"Pumasok kana sa loob Divina" utos sa kanya ng lola nya
"Pero 'la pano sya?" tanong nya
"Wag ka ng maraming tanong basta pumasok kana bilisan mo" sabi ng lola nya, tiningnan muna ako ni Divina bago sya tuluyang pumasok sa loob ng sasakyan "At ikaw" sabi naman ng lola nya sakin "Ipasok mo din sya sa loob ng sasakyan" utos nya sa driver nya, kaya naman ipapasok na nya sana ako sa backseat katabi ni Divina pero pinigilan sya nito "Hoy hindi dyan! Dun sa unahan!" sabi nito kaya naman hinila ako ng driver nya papasok sa shutgun seat
"Aray dahan dahan naman" reklamo ko, nung naipasok na nya ako sa sasakyan pumasok na din sila pag tapos pinaandar na nila agad yung kotse
"Anong gagawin mo sa kanya lola?" tanong ni Divina
"Papahirapan sya" sagot ng lola nya kaya napatingin ako sa kanila
"Papahirapan po talaga? Hindi ko naman po sinasadya yun eh" sabi ko
"Wala akong pake, pumasok ka sa loob ng pamamahay ko ng walang pahintulot sakin, pag tapos natapunan mo pa ako ng pintura... ngayon sa tingin mo palalampasin ko nalang yun?" napakamot nalang ako sa ulo. At dahil malapit lang yung bahay nila nakarating kami agad.
---
"Baba" utos ng lola nya kaya bumaba na ako "Sumunod ka sakin" sabi nya kaya sumunod naman ako
"Sa tingin mo anong gagawin sakin ng lola mo?" tanong ko kay Divina
"Siguro ipapakagat ka sa aso namin" sagot nya
"Huy grabe naman yun, wag ganun" sabi ko pero nag kibit balikat nalang sya at tapos umakyat na sya sa hagdan.
"Hoy nandito ako" sabi ng lola nya kaya agad ko syang pinuntahan "Bodega namin toh, lahat ng kahon dyan sa loob ilabas mo sa may garahe ok?" utos nya pag tapos binuksan nya yung pintuan ng bodega nila at nakita ko dun yung madameng malalaking kahon
"Ang dame" sabi ko
"Madami talaga yan kaya kung ako sayo ilabas mo na agad yan para hindi ka abutin ng madaling araw" sabi nya tapos nun iniwan na nya ako.
Napabuntong hininga nalang ako, nilapag ko sa isang tabi yung bag ko pag tapos sinimulan kong buhatin yung mga kahon at dahil malaki sya, isa isa ko silang binuhat.
"Ang bigat ha" reklamo ko habang nag lalakad ako papunta sa grahe nila.
Wala akong ginawa kundi ganun, papasok ako sa bahay nila kukuha ng kahon sa bodega pag tapos ilalabas sa grahe nila. At dahil pawis na pawis na ako sa ginagawa ko hinubad ko na yung polo ko para nakasando nalang ako.
"Manang" sabi ni Divina pag baba nya galing taas
"Divina" tawag ko sa kanya napalingon naman sya sakin, binaba ko muna yung kahon na dala ko "Papunas naman ng pawis ko oh" sabi ko tinaasan lang nya ako ng isang kilay pag tapos nag lakad na sya kung saan man sya pupunta "Supalada" mahina kong sabi, binuhat ko na ulit yung kahon at dinala na ulit yun sa garahe nila.
Nung nailabas ko na yun pumasok na ulit ako sa loob, sakto naman na nasalubong ko si Divina na may dalang isang baso ng juice
"Uy para sakin ba yan? Salamat" sabi ko sabay kuha ng juice sa kanya at sinimulan kong inumin
"Huy ano ba hindi sayo yan!" sabi nya
"Bakit kanino ba toh" tanong ko sabay inum ulit ng juice
"Kay lola yan" pag kasabi nyang yun muntik ko ng maibuga yung juice na iniinom ko
BINABASA MO ANG
Mahal ko na ata sya
AcakNag simula sa arasan... Sa kulitan... Sa pikunan... Sa bangayan... Halos wala na kaming napag kasunduang dalawa, Pero.... Di ko akalain na dadating din pala ako sa puntong iba na yung mararamdaman ko sa kanya, yung bang bigla na lang ako napasabi sa...