Kabanata 5

28 1 0
                                    

Divina Maine POV

"Oooops" sabi ko pag tapos tinulak ko ng mahina palayo sakin si Frankie

"Halika dito" sabi ni Lance pag tapos hinila nya ako palapit sa kanya

"Teka dahan dahan naman" reklamo ko

"Ikaw sumosobra kana eh, chinachansingan mo si Divina ha!" inis na sabi ni Lance

"No, sorry if nahila kita ng malakas, but hindi ko sya gustong chansingan promise" paliwanag naman ni Frankie

"Promise promise ka pa dyang nalalaman, upakan kaya kita" -Lance

"Tama na yan Lance ang O.A mo na kamo" awat ko sa kanya

"Wow ako pa ba yung naging O.A? Pinag tatanggol lang kita dyan nuh" sabay turo nya kay Frankie

"Hindi naman nya sinasadya yun, pinag aagawan nyo ko... eh mas malakas sya sayo kaya ayun sa kanya ako napunta" sabi ko

"Anong mas malakas sya sakin? Bigla ka lang nyang hinila kaya nabitawan kita" paliwanag nya

"Hays ewan ko sayo" tumingin ako kay Frankie "Paano mauuna na ako ha" paalam ko sa kanya

"Hahatid na kita" sabi ni Frankie

"Ah hindi na, sasabay nalang ako kay Lance" sabi ko

"Oh narinig mo sakin sya sasabay kaya wag ka ng ano dyan" sabi naman ni Lance kaya kinurot ko sya ng mahina sa tigiliran nya "Aray ano ba nangungurot ka na naman dyan" reklamo nya

"Ang dami mo kasing satsat" sabi ko

"Tss" sabi nalang nya

"Sabi Frankie kita nalang tayo sa school" sabi ko

"Sige mag iingat ka" sabi naman nya

"Ok... tara na Lance" tapos nun hinila ko na si Lance para makaalis na kami

....

"Buti naman hindi ka sa kanay nag pahatid" sabi ni Lance habang nag lalakad kami

"Nahihiya lang ako dun sa tao, kakakilala ko lang sa kanya tapos mag papahatid na agad ako"

"Ah so pag matagal na kayong mag kaibigan pwde ka ng mag pahatid sa kanya?"

"Ganun na nga, hawakan mo nga toh ang bigat eh" sabi ko sabay abot sa kanya ng mga dala kong libro

"Ang sabi ko ihahatid lang kita, pero di ko naman sinabi na gagawin mo kong taga bitbit mo"

"Ang dami mong arte alam mo yun?.. Edi akin na nakakahiya naman sayo" kukunin ko na ulit sana sa kanay yung mga gamit ko pero iniwas nya yun

"Hindi na ako na mag dadala, baka sabihin mo hindi ako gentleman eh"

"Hindi naman talaga eh" sabi ko pag tapos nauna na akong mag lakad sa kanya

"Hoy hintayin mo ko" sabi nya pero hindi ko sya pinansin

Napahinto lang ako sa pag lalakad ng may nakita akong bilihan ng ice cream.

"Bili tayo" sabi ko kay Lance

"Edi bumili ka" sabi naman nito, kaya naman pumunta na ako dun at bumili ng ice cream.

"Ate ito nga po" sabi ko dun sa tindera pag tapos inabutan ko ng bayad ko

"Ikaw lang? Paano ako?" tanong ni Lance

"Wag kana malaki kana" sabi ko sa kanya

"Bakit malaki ka na din naman ha, bili mo ko"

"Wag na hindi ka din naman makakaen kasi may hawak ka" sabi ko at nung inabot na sakin yung sukli nag lakad na ulit ako... malapit lang yung bahay naming dalawa sa school kaya naman nag lalakad lang kami pauwi.

Mahal ko na ata syaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon