[6] First Day

17 2 1
                                    

AN:

I decided to continue this story after 2 years. Sana tuloy tuloy na. Patience lang. Yiiiieee!





Liana's POV




Mabilis na lumipas ang araw. Nailibing na rin si Lola Jen. Marami ngang nakilibing noon kaya talagang nagpapasalamat ang pamilya nila Botchoy. Napakabait kasi ni Lalo Jen kaya ang daming nagmamahal sa kanya. At syempre, karamihan ay umiyak, lalo na ang kanilang kaanak. Kahit si Botchoy mugto ang mata. Sino ba naman kasi ang hindi.


Talaga naman kasing nakakalungkot dahil biglaan ang pagkamatay nila. Gayunpaman, unti-unti naman na itong natatanggap ng pamilya nila dahil mag-iisang buwan na rin nang mangyari iyon.




Sumunod na araw pagkalibing kay Lola Jen ay lumuwas din ako para makapagscholarship exam. Nakapagbakasyon na rin naman kasi ako duon kaya kabisado ko na ang pagpunta duon.




Talagang pinagbutihan ko noon para malaki ang mabawas sa tuition ko. At grabe ang pasasalamat ko dahil nakapasa ako. 50% ang naging discount ko sa tuition fee at kelangan lang okay ang grades ko para hindi mawala iyon. Ang tita ko na rin ang nagpaenroll sa akin matapos malaman ang resulta dahil dinala ko na rin lahat ng requirements noon nang lumuwas ako.



At ngayon, isang buwan na lang at pasukan na! Nakaka-excite, nakakakaba at medyo nakakalungkot din dahil madalang ko nang makakasama ang pamilya ko. Mamimiss ko talaga sila ng bongga kapag nasa Maynila na ako. Kaya nga talagang dapat sulitin ang bakasyon.





Sila Botchoy ay kakaalis lang din kahapon pabalik sa kanila, pero nauna na ang papa nito para aikasuhin ang mga naiwan nilang negosyo.





Nakakatuwa nga kasi sa Quezon City rin pala siya mag-aaral. At take note, same school at same course kami. Kaya malaki ang posibilidad na maging kaklase ko siya. What a coincidence di ba? Pero nung tinanong ko kung bakit sa STI siya, naengganyo daw siya sa E to E system nila, na kahit ako ay yun din ang dahilan. At nauna na rin siyang nakapagscholarship exam bago ang graduation nila. Nakapasa din ito ng 20% discount.


Laking pasasalamat ko nga dahil at least may kaibigan na ako pagpasok. Ansaya lang. Naging mas close kasi kami nitong mga nakaaan.



At the moment ay naghahanda na ako sa lakad namin ni sweets. Niyaya nya akong magbonding. Videoke daw kami, pumayag na ako kasi miss ko na rin ang Elinang yun, at alam ko rin na may pinagdaraanan siya. Pag-ibig nga naman oh.




Matapos akong makapag-ayos ay nagpaalam na ako kay nanay at pumunta na nang mall kung san kami magkikita ni sweets.



Pagbaba ko nang jeep ay natanaw ko na siya sa entrance at nakangiting kumakaway kaya lumapit na agad ako.

"Sweeeeeets! Namiss kita!" Masiglang lambing nito sabay akbay sa akin. Naglakad na rin kmi papasok sa mall.




"Namiss din kita. Ano musta bakasyon?" masigla ring tugon ko.



"Ayos naman sweets. Enrolled na rin. Sayang nga at magkaiba tayo ng papasukan. Pero at least malapit lang sa school mo! Isang sakayan lang kaya makakapagbonding pa rin tayo sweets!" Masaya at excited nyang sabi.





"Talaga? Oh yes! Salamat naman kung ganun. Mamimiss ko kakulitan mo eh." Natatawa kong sabi.




"I know right. Tara bili na tayo ng tokens ng masimulan na ang concert!" Ang hyper talaga. Haha.




Nandito na kami sa KTV room at namimili na ng kanta. Sa kantahan talaga kami nagkakasundo nito eh.





Inihilera na namin ang mga kantang napili namin at nagsimulang magconcert sa sarili naming mundo.


That's What You Call: TRUE LOVE [On-Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon