Chapter 3: Graduation Day :-)
Liana's POV
Woooo. Inhale, exhale.
Inhale, exhale.
Relax lang. Hinga ng malalim. . . . . . Exhale.
Waaaaaah! Wala, sobrang bilis pa rin ng tibok ng puso ko!! Grabe kinakabahan talaga ako. Ako na susunod na mgsasalita! Huhu di ako sanay sa mga ganito noh!
Naku! Di ko pala nasabi sa inyo noh? Di tuloy kayo makarelate. Hahaha.
Ako ang salutatorian ng aming batch. Oh di ba bongga? Rank 5 lang ako last year, pero nag-excel talaga ako this year. Sinubsob ko kasi ang sarili ko sa pag-aaral kaysa naman sa lagi akong magmukmok di ba? Kaya nagpakabusy ako sa pag-aaral at eto ang resulta. Proud na proud nga si nanay eh. (^__^)
Oh shocks eto na. Papunta na ko sa stage.
*sigh*
"To our honorable guest speaker, beloved principal, loving teachers, proud parents, fellow graduates, friends, visitors, ladies and gentlemen, a pleasant afternoon to all of you.
Alam niyo po sa totoo lang, hindi ako sanay magsalita sa harapan ng maraming tao gaya nito. At lalong kahinaan ko na magmemorize ng speech na pangmadla. Kaya, ang mga sasabihin ko ngayon sa inyo ay ang mga bagay na lang na talagang nagmula o hinugot ko mula sa aking puso.
Nang mawala ang tatay ko, parang gumuho ang mundo ko. Hindi ko matanggap na sa loob lang ng maikling panahon ng pagkakasakit nila ay hahantong na pala iyon sa kamatayan.
(teary-eyed)
Balisang balisa ako noon. Madalas na nakatulala lang at wala sa sarili. Hindi ko lubos maisip kung paano kami babangon bilang pamilya ng wala ang haligi ng tahanan. (di na maikubli ang panginginig ng boses ko sa pagpipigil ng iyak) Di ko maiwasang hindi umiyak sa tuwing naaalala ko sila sa sobrang sakit.
Gayunpaman, sa tulong ng aming mga mapagmahal na mga kamag-anak, aking mga guro, mga kaibigan at kaklase, at higit sa lahat, sa tulong at pang-aaliw ng Diyos, nakabangon kami. Kaya gusto kong samantalahin ang pagkakataong ito upang magpasalamat sa inyong lahat.
Taos puso po kaming nagpapasalamat ng aking pamilya sa inyong pagmamahal, suporta, malasakit, at pag-aaliw. Siguradong hindi namin magagawang bumangon ng wala ang tulong ninyo. Hindi ko man kayo mabanggit ng isa-isa, maraming, maraming, maraming salamat sa inyong lahat. Sigurado ring wala ako sa harapan ninyo ngayon kung wala ang tulong niyo, lalong lalo na sa mga teachers ko na nagsilbing mga ikalawang magulang ko na talagang sumuporta at umalalay sa akin. Maraming salamat po.
Sweets, o ha special mention ka. Salamat ah. Because, everytime I'm sad, you've always manage to make me smile. And also, thank you for being there always by my side. I love you bestfriend.
Ngayon, sa lahat ng mga nandito, mapa-kapamilya man, kapuso, kapatid, kabarkada, alam ko na lahat tayo may problema at may mga pinagdadaanan. Mabigat man yan o maliit na problema, tandaan natin na lahat yan may solusyon. Pero tandaan din natin na hindi natin kayang solusyon ang lahat ng ating mga problema. At karamihan sa mga problemang yan ay ang Diyos lang ang makakasolusyon.
Kaya lagi tayong magtiwala sa Kanya ng buong puso, at siguradong hindi Niya tayo bibiguin.
And now, to my fellow graduates, we are all here because we made it. High school life ends here, but the memories will always be in our hearts. Now, the new chapter of our lives is waiting for us. Let's all face it with a great determination, hope, ang joy. Happy, happy graduation to all of us and congratulations!"
BINABASA MO ANG
That's What You Call: TRUE LOVE [On-Going]
Ficção AdolescenteLahat tayo, inaasam ang tinatawag na TUNAY NA PAG-IBIG. Pero ano nga ba ang tunay na pag-ibig? Paano at kailan natin masasabing, 'ito na to, ito na, ang tunay na pag-ibig'? Ano naman yung tinatawag nilang PAGKAHUMALING? At ano ang pagkakaiba nito sa...