That's What You Call: TRUE LOVE

124 3 3
                                    

Author's note:

Hindi pa nga nag-uumpisa ang istorya may author's note na? haha May gusto lang po kasi akong linawin sa lahat ng magbabasa ng work ko kaya pagbigyan niyo na. :-D

Naniniwala ako na hindi na kailangan ang pagmumura para lang maging maganda o may impact ang takbo ng isang kwento. Ayoko rin kasing nagmumura ang readers ko habang binabasa ang gawa ko. Kaya naman, never akong gagamit ng bad words sa istorya ko.

^__^

Gagawin ko rin ang makakaya ko na maging makatotohanan ang mga situasyon dito. Kaya magfocus tayo more on sa kung ano ba talaga generally ang kalagayan in reality, hindi sa kung ano yung gusto nating mangyari na sabi ng ilan, pagtakas daw sa realidad.

Tulad na lang ng karamihan sa atin, hindi naman nabubuhay ng marangya, at syempre, karamihan din sa atin hindi naman mala-artista ang kagandahan at kagwapuhan na gaya ng mga koreans di ba? Kaya ang characters natin dito ay imaginary. Kung sino mga naiisip nyong tao na babagay sa role, mapaartista man yan, crush nyo, boyfriend niyo, kapitbahay, kakilala, kaibigan o sino pa man yan, sila magiging characters sa imagination niyo.

^__^

One more thing, sana maisapuso nyo mga principles, thoughts, and lessons na maisheshare ko dito na makakatulong sa pagharap natin sa realidad ng buhay.

♥LoveHope1416♥

----------------------

That's What You Call: TRUE LOVE

Introduction

TRUE LOVE...

Sinuman sa atin, panigurado inaasam-asam yan.

Syempre sino ba naman ang hindi di ba?

Pero ano nga ba ang true love? Sabi nila, wala daw exact definition ito. Bakit? Iba-iba naman daw kasi ang pananaw, karanasan at nararamdaman natin kung tungkol na sa pag-ibig.

Ngunit iba-iba man ang ating pakahulogan dito, ganito ang sinasabi ng Salita ng Diyos, ang Bibliya:

"Ang pag-ibig ay matiisin at mabait. Ang pag-ibig ay hindi naiinggit. Hindi ito nagyayabang, hindi nagmamalaki, hindi gumagawi nang hindi disente, hindi inuuna ang sariling kapakanan, at hindi nagagalit. Hindi ito nagkikimkim ng sama ng loob. Hindi ito natutuwa sa kasamaan kundi nagsasaya sa katotohanan. Pinagpapasensiyahan nito ang lahat ng bagay, pinaniniwalaan ang lahat ng bagay, inaasahan ang lahat ng bagay, at tinitiis ang lahat ng bagay. Ang pag-ibig ay hindi kailanman nabibigo. . .(1 Corinto 13:4-8)

^__^

Yan ang definition ng TRUE LOVE.

Pero paano ko malalaman na true love na?

That's What You Call: TRUE LOVE [On-Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon