[5] Together Again

20 2 1
                                    

Chapter 5: Together Again

"B-b-botchoy?" eeeer, utal utal aketch!

"Ako nga," ngiting ngiti niyang sabi.

"P-paanong, at b-bakit ka nandito? Hmmmm. Teka, (nag-isip saglit)

...

...

...

Ah oo nga pala. Namatay na si Lola Jen. Buti nakauwi kayo agad. Condolence ah."

Pagkasabi ko nun, medyo nawala ang ngiti sa mukha niya.

"Salamat. Oo nga eh, talagang sinadya naming umuwi agad." matamlay na niyang sabi.

"Kadarating niyo lang ba?"

"Ah oo. Kanina lang past 12," sagot niya.

Gruuuuuk...

Ano yun?

"Ayan, nagreklamo na tiyan ko. Di pa kasi nananghalian eh, kaya bibili sana ako ng ulam niyo." aniya.

"Ah, sige anong gusto mo?" naiilang kong tanong.

"Kaso, hugas ka muna," natatawa niyang sabi.

Ha? Bakit?

Nang mapagtanto ko kung bakit, napakagat ako sa ibaba kong labi at agad na tumalikod. Ramdam ko na kasing nag-iinit na tenga ko sa hiya at inis. Oo tenga ang namumula sa akin pag nahihiya o naiinis, hindi cheeks.

"Sige, sandali lang," naiinis na nahihiya kong sabi.

Nang magsimula akong maglakad, narinig ko na lang pagtawa nung Botchoy na yun.

Uuuurgh! Loko siya ah. Nakakainis talaga na nakakahiya! After 6 years, nagkita kami ulit, tapos sa ganoong ayos ko pa? G-r-r-r.

Terrence's POV

Nang maglakad na si Yana para maghugas, di ko na napigilan ang tumawa ng malakas. Bwahaha.

Grabeh naman kasi kung mangulangot kanina, talagang sinuyod niya ata hanggng kadulu-duluhan eh. Bwahaha.

Dagdag pa yung pamumula ng tenga niya, sarap niya tuloy inisin. Haha.

Makapamili na nga ng ulam, nagugutom na talaga ako. Masakit na rin ulo dahil na rin siguro sa puyat at pagod sa biahe.

Maya-maya'y bumalik na si Yana at nagpunas ng kamay. Di naman na masyadong namumula tenga niya.

"Eto na lang sinigang, tapos tortang talong," agad ko nang sabi para di na masyadong awkward. Tagal din namin di nagkita kaya.

Tumalima naman agad siya at nagsukat. Pinagmamasdan ko lang siya at napansing malaki rin pinagbago ng itsura niya. Oh well, gumanda siya syempre. Dalaga na eh. Nag-curve na rin katawan, hmmmmmm sige sexy na dyan!

Iniabot na niya sa akin ang ulam. Tinanong ko kung magkano lahat, at nagbayad na.

Bago umalis, binati ko muna siya ng,

"Belated happy graduation pala, at congrats."

Ngumiti naman siya,

"Ah salamat, belated happy graduation din."

Napangiti rin ako at nagpaalam na.

Pagkatpos kumain,  nagpasya akong matulog muna. Habang nakahiga, iniisip ko kung makikita ko kaya si Yana mamayang gabi sa lamay. Di pa kami nakapagkamustahan ng husto kanina eh. Sana nga makilamay siya. After that thought, nakatulog na ako.

________

Ala-singko na nang magising ako. Pagkatapos magmerienda, naligo muna ako.

Kinagabihan, nakita kong parating na silaYana, kasama ang nanay niya at mga kapatid niya.

That's What You Call: TRUE LOVE [On-Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon