Chapter 2: Comforter
present time..
Siyam na buwan na pala. Siyam na buwan na ang lumipas nang mawala si tatay. Pero parang kahapon lang nangyari ang lahat.
Ang sakit at pighating dulot ng pagkawala nila ay halos hindi nabawasan sa tuwing naaalala ko ang mga tagpong iyon. Naninikip ang dibdib ko na parang napipigilan ang paghinga ko.
Gayunpaman, natanggap ko naman na, na wala na sila, sa tulong na rin ng aming mga kamag-anak at ng mga taong nagmamahal sa akin.
Pinunasan ko na ang mga luha ko at inayos ang sarili. Andito nga pala ako sa open field ng aming campus, naka-upo mag-isa sa damuhan na nasa lilim ng puno at biglang,
"Sweeeets!!!"
"Ay kabayo!!" Ginulat niya ko mula sa likod.
"Hano? Kabayo? Mukha na ba akong kabayo sweets?" nakapameywang niyang sabi.
"Tsk. Eh ikaw naman kasi bigla-bigla kang sumulpot." at tumabi siya sa akin.
Hay naku, tong bestfriend ko talaga oh. Oo bestfriend ko ang dumating, at sweets ang tawagan namin, bakit may angal ka? And ohhh baka iba na iniisip niyo ha, babae siya. She's Elina.
"Haha. Eh kasi parang ang seryoso mo kanina sweets. (nang pagmasdan niya ako, kumunot noo niya) Hanla, umiyak ka sweets?" tanong niya sa nag-aalalang tono.
Grabe ah, nahalata pa niya. Bestfriend nga naman oh.
"Hindi no, napuwing lang ako." palusot ko na hindi tumitingin sa kanya.
"Aay sauce!! Gasgas ng palusot yan sweets. Pero bakit nga? Hmmmm. Naalala mo ba ulit si tito?" tanong niya sa malungkot na tinig.
Ngumiti ako ng matamlay bilang sagot habang nakatingin pa rin sa malayo.
"Haaaay. Miss na miss mo na sila noh?" tanong niya.
"Sobra." Sagot ko na nakatingin sa kanya, pero yumuko din ako pagkatapos.
"Kahit nga din ako eh. Pero sweets, accepted mo naman na right?"
"Oo naman sweets. Pero sa ngayon, sadyang naiiyak pa rin ako sa tuwing naaalala ko yung huling araw bago sila mawala."
"Naiintindihan kita sweets, dahil talagang masakit ang mawalan ng mahal sa buhay. Pero gaya nga ng mga huling sinabi nila sayo, kailangan niyong magpakatatag at maging masaya ulit kahit wala na sila. Kaya smile sweets. ^__^"
Aay. Napangiti nga ako.
"Yun oh!" sabi nito sabay tawa.
"Nakakahawa ka kasi. Pero tama, kailangan kong magpakatatag."
"Yeah, that's my sweets!"
"Tsssss. Tara na sa room." yaya ko sabay tayo.
"Aah oo nga pala. Tara." tumayo na rin siya at sabay kaming naglakad habang nakahawak siya sa braso ko na para bang escort niya ako. Hehe. Ganoon kami lagi pag magkasamang naglalakad eh. Haaaay. Bilis ng panahon, graduation na bukas!
------------------------------------------
Elina's POV
Naglalakad na kami ni sweets papunta ng room. Bigayan kasi ng toga, invitation at yearbook ngayon, at mukhang napa-aga tong babaeng to kaya nag-emote na naman.
Haaaaay..minsan talaga hindi ko na alam kung paano ko macocomfort tong best friend ko. Pero at least, mas masigla na siya ngayon compare to the last few months after her father's death. Bakit? Syempre kasi lagi akong nasa tabi niya eh! Hahaha (^^,)v
BINABASA MO ANG
That's What You Call: TRUE LOVE [On-Going]
Teen FictionLahat tayo, inaasam ang tinatawag na TUNAY NA PAG-IBIG. Pero ano nga ba ang tunay na pag-ibig? Paano at kailan natin masasabing, 'ito na to, ito na, ang tunay na pag-ibig'? Ano naman yung tinatawag nilang PAGKAHUMALING? At ano ang pagkakaiba nito sa...