" Asan kaya ako " sabi ko sa sarili ko, kasi nung pagkadilat ko ay wala ako sa kwarto ko....hindi ko alam kung paano pero wala talaga ako sa kwarto ko...... Lumabas ako ng bahay na yun at naglakad-lakad. Hindi ko alam kung anong lugar na ito, may puno meron ding mga buhangin at may tubig din at ngayon ko lang nalaman na nasa resort pala ako pero hindi ko alam ang exact locaton na ito. Hindi naman kasi ako galaan katulad ng iba kong mga kaibigan eh...... kaya hindi ako sumasama sakanila kapag may galaan mode sila.....
Naglakad-lakad lang muna ako dito sa beach.... ang ganda pala dito.... hindi lang maganda ang beach na ito.... maganda din ang suot ko ngayon.....hindi ko nga alam kung paano ako nakabihis na ganito kasi simula nung pagkadilat ko ng mata ay nandoon na ako sa kwarto kanina.
Habang naglalakad ako ay naririnig ko ang mga alon.... sobrang lakas ng pag-alon nun. Hindi ko nga maintindihan kung bakit ang lakas ng pag-alon ng tubig sa dagat eh, siguro guni-guni ko lang yun pero hindi ko maintindihan kung paano ako napunta dito pero aaminin ko napaka-relaxing ng lugar na ito. Nung naglalakad ako ay hawak hawak ko yung heels ko at sobrang ganda nun. Nung naramdaman ko na naiihi ako ay bumalik na ako sa bahay kung saan ako unang dumilat.
Nung nasa loob na ako ng CR ay may narinig ako ng mga tapak ng paa....pero hindi naman ako natatakot....actually natatakot din ako pero onti lang hehe~!! Kaya hinanda ko na ang mga kamay ko at katawan ko para kung sino man ang mokong na pumasok sa bahay.....hindi ko naman masasabi na bahay ko to kasi nga diba hindi ko naman ito talagang bahay.
Marunong akong mag martial arts kasi tinuturuan ako nila kuya at papa nung bata pa ako kaya nung lumaki na ako natatalo ko sila papa at kuya kapag kinakalaban ko sila...... yabang ko ba? haha~!! pero totoo yung sinabi ko ha? baka akalain niyo hindi..... Nakakatawa lang noh? kasi nakakatawa pa ako sa sitwasyon ko ngayon.....
Maya-maya nagsalita yung pumasok sa bahay na ito, kung kanino man.....Alam niyo ba yung sinabi niya? ito lang naman "Nasaan ka na? wag mo na akong pahirapan.....wag ka nang magtago" sabi niya at base sa pananalita niya ay lalake siya.... hindi ko naman nakikita yung mukha niya kasi nga nagtatago ako para hindi niya ako makita.....
Hindi parin ako nagsasalita kasi ayaw kong malaman niya kung nasaan ako ngayon pero ganun parin ang posisyon ko ngayon...... nakahanda yung dalawa kong kamay at ang katawan ko. Pagkatapos binuksan niya yung pintuan ng CR tapos nagsalita siya "Andiyan ka lang pala eh....pinahirapan mo pa ako" pagkasabi niya nun ay medyo lumapit siya saakin.
Ako naman ay paatras ng paatras kasi naman eh, natatakot na ako..... sa buong buhay ko ay ngayon lang ako natakot ng ganito..... hindi ko alam kung bakit pero parang may bumubulong saakin na 'parating na ako.... sana ok ka lang' hindi ko alam kung kaninong boses yun....
"Subukan mo lang talagang lumapit.... makakatikim sa saakin" sabi ko doon sa lalaking mukha palaka, pagkasabi ko nun ay ngumisi siya at nagsalita "Tss...... pakipot ka pa miss eh...gusto mo naman, halika na" sabi niya saakin at lumapit pa ng onti kaya ako naman ay paatras ng paatras.
Hindi siya nakinig sa sinabi ko kaya wala naubusan na ako ng pasensya kaya sinipa ko yung gitna niya, yun kasi ang tinuro saakin ni kuya eh pero hindi ko yun ginagawa kay kuya....kapatid ko yun eh kaya ito namang mokong na ito ay namimilipit sa sakit. Buti nga sakanya yan kasi ang panget niya...Sobra....
"Kanina ko pa kasi sayo sinasabi na lumayas ka sa harapan ko.... ayan tuloy namimilipit ka sa sakit, mas mabuti na yan sayo" sabi ko na medyo mataray.... Hindi ko na kasi mapigilan na hindi siya saktan baka kasi kung ano pang mangyari diba? Tumayo siya galing sa pagkakaupo at lumapit pa siya kahit sumasakit parin yung sinipa ko.
BINABASA MO ANG
My Mystery Guy.
RomanceProperty of Macewriter Stories Merong isang babae na nainlove sa isang lalake na nasa............Panaginip niya, May possibility kaya na makita nung babae yung lalake sa personal? at higit sa lahat ay magkakaroon kaya ng pagtingin sa isa't-isa? at m...