My Mystery Guy [2]

323 11 7
                                    

~ Macy's P.O.V. ~

Pagkaangat ko ng ulo ko..... nakita ko yung taong nasa panaginip ko? totoo ba itong nakikita? pero impossible naman yun diba? tapos maya-maya ay natauhan na ako at sinabi sakanya na "Ok lang ako.... wag kang mag-alala" sabi ko sabay tayo at pinagpagan ang palda ko kasi nga diba napaupo ako nung nabangga niya ako. 

Naalala ko na may klase pa pala ako at pagkatingin ko sa relo ko ay two minutes na lang at magbe-bell na kaya dali-dali akong tumakbo papunta sa Sky College at sa sinuswerte talaga ako ay naka-abot naman ako at hindi ako late..... pero ang problema ay late na akong papasok ng classroom... hindi parin ako swerte TT^TT.

At nung nasa tapat na ako ng classroom pero kinakabahan talaga ako kasi baka pagalitan ako kasi first day na first day late ako pero diba kapag first day ay pwedeng ma-late? Ay~!! EWAN >.< Bahala na nga si batman basta ako papasok kahit pagalitan pa ako.... kasi mabait ako haha~!! Joke pero totoo naman eh.... =3=

Kumatok muna ako sa pintuan at pinasok ko muna ang ulo ko para silipin kung nasaan yung teacher namin at pagtingin ko ay nasa harapan yung adviser namin.... babae siya. Tuluyan na akong pumasok ng classroom at nagsalita "Sorry Ma'am, I'm late" sabi ko sabay punta sa may gilid ni Ma'am.

"Ok lang yun, First day pa lang naman diba? You must be hhmmm.....wait, you must be Ms. Choi.... Am I right?" tanong niya saakin habang hawak-hawak niya yung attendance ata yun kaya niya nalaman na Choi ang ampelyido ko. At tsaka ang bait naman niya kaya sinagot ko yung tinatanong niya "Ahh... yes Ma'am" sabi ko na masigla.

"Ahh... ok you may now take your seat" sabi niya saakin niya saakin na nakangiti at ako naman ay naghahanap ng upuan, since transferre lang ako ay wala akong kakilala dito maliban siyempre sa kapatid ko. At mga ilang saglit lang ay nakahanap na ako ng upuan doon sa may bandang likod.... actaully dalawang seats pa yun eh kaya doon na ako umupo sa isang seat.

"Ok now class, wala muna tayong lesson ngayon.... meet and greet lang muna tayo para makilala niyo ang isa't-isa ok?" sabi niya saaming mga estudyante lang pero ang pinagtataka ko lang ay kung bakit may isang bakante sa tabi ko, ang pagkakaalam ko ay sa Sky College ay wala ni isang bakanteng upuan pero bakit ganun meron dito? hay -.-, wag mo na nga yun isipin Macy makinig ka na lang kay Ma'am.

"Ok... ako muna ang magpapakilala since ako naman ang adviser niyo.... Ako nga pala si Lian De Leon, ako din ang social teacher niyo for this sem.... gusto ko makinig kayo lagi saakin para hindi magalit si Ma'am.... alam kong mga college na kayo kaya hindi ko na kayo didisiplinahan kasi matatanda na kayo kaya niyo nang alamin ang tama at mali.... yun lang ang rule ko be kind and respect me as your teacher, ok?" pagpapaliwanag niya saaming lahat at kami naman ay nag-nod na lang sign ng pagka-oo kasi first day pa lang kaya nagkakahiyaan pa kami eh.

Nung magpapakilala na yung mga nasa unahan merong tumatakbo sa harap ng classroom kaya napatingin silang lahat except ako kasi nagbabasa ako ng libro.... ayaw ko tignan baka kung sino lang yun. Maya-maya nagsalita yung tao na tumatakbo kanina.

"Sorry Ma'am, I'm late" sabi nung lalake.... paano ko nalaman na lalake kasi nagbabasa ako? halata kasi sa boses niya at sa pananalita niya kaya ko nalaman. At tsaka wala naman akong pakealam eh...."ok lang yun..... first day pa lang naman eh.... by the way ikaw na lang muna ang unang magpakilala  since late ka naman eh" sabi ni Ma'am Lian at maya-maya ay nagsalita na siya pero ako nakatingin parin sa libro kong binabasa.

"Ahh... Hi ako nga pala si David Shone Gonzales... Just call me Shone para maikli, yun lang" sabi niya at napatingin naman ako kasi parang pamilyar yung pangalan niya at hindi nga ako nagkamali at kilala ko siya... siya ang bestfriend ko nung nasa 3rd year high school pa lang ako pero hindi niya ako makikita kasi nasa bandang dulo ako ng classroom eh. Maya-maya nagtilian yung mga kaklase ko.... ito ang ilan sa mga sinasabi nila...

My Mystery Guy.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon