~ Macy's P.O.V. ~
Hindi ako makaget-over nung nangyari kanina... Hindi parin ako makatulog! O please... konsensya, patulugin mo ako! May pasok pa bukas!.... Kailangan ko ng beauty rest! Chos ^_^v hehe! pero kasi naman eh! bakit ba ako kinikilig ng ganito? pero kinilig nga ba ako.... ewan pero parang kilala ko siya na hindi...
Gusto niyo bang malaman? Kasi ganito yan...
* * * * (Flashback) * * * *
Habang papunta na kami ng Supermarket... ang kulit niya.... Nagdadrive kasi siya ngayon papuntang Supermarket... maya-maya.. nagsalita siya... "Akala ko hindi na kita makikita pang muli..." sabi niya pero medyo hindi ko marinig kasi ang lakas niya magpatugtog kaya napatingin ako sakanya sabay sabing "Ha? Hindi ko narinig eh" sabi ko na may halong pagtataka...
"wala" sabi niya habang nakangiti... pero nagtataka talaga ako nun.. ano ba ung sinabi niya? I want to know >.< HAHA! Pero curious talaga ako kung anong sinabi niya....
"Ano ba yun.. sige na? " sabi ko sabay puppy eyes sana umepekto... Please.. cute naman ako ah... ayan na, ayan na... "Ayaw ko nga... Bawal ulitin sa mga bingi :P" sabi niya sabay bhelat saakin... Ammpphh... sayang hindiumepekto ang puppy eyes ko... -____-
*****
Nandito na kami sa loob ng supermarket... ang kulit nga niya eh.. kung anu-ano ang nilalagay sa basket ko.. eh hindi ko naman un kailangan... or hindi namin un kailangan... siya ba ung bibili diba hindi??
"Hoy! Mister! Sa tingin mo.. kailangan ba namin yang mga kinukuha mo ha?" sabi ko sabay tingin sakanaya ng masama..
"Bakit.. kailangan ko yan.." sabi niya saakin sabay dampot ulit ng isang softdrink.. pero alam niyo yung nakakabaliw?? ay yung binuksan niya yung bote ng softdrink... ang adik lang nito noh?
"Hoy! Nasisiraan ka na ba? Bakit mo binuksan yan ha?" takang tanong ko sakanya na may halong inis... sana pala hindi ko na siya sinama sa pamimili ko... nakakasagabal eh... pero ok lang naman.. nakakatawa naman siya eh kaya ok lang ^_^
"Gusto mo?" sabi niya saakin sabay abot ng bote... adik nga talaga itong lalaking ito... "baliw ka ba o sadyang may saltik ka lang sa utak?? inaaya mo ako kung gusto ko eh bawal ata buksan yan... tsk." sabi ko sabay irap sakanya.. Hay -___- akala ko ba matalino itong taong ito...
"ok lang naman yan eh... gusto mo nga??" sabi niya saakin sabay abot ng bote saakin... napabuntong hininga na lang ako... ang kulit din pala nitong taong ito... pero iba ung feeling ko ngayon ah... paranng matagal ko na siyang kilala... ewan ko ba....
"wag na ok na ako..." sabi ko sabay tulak ng cart... Tsk... pero aaminin ko na nakakatawa siyang tawa... akala mo tuloy hindi siya taga rito kung makapagasta...
"Hay naku... ako na lang ang magtutulak niyan... kunin mo na lang ung mga kailangan mo.. susundan na lang kita :))" sabi niya saakin sabay akbay. at tunilak na niya ung cart pagkatapos niya akong akbayan... Hay -_____- meron bang mali sa puso ko?? bakit biglang bumilis ang tibok ng puso ko??
Tsk. nagiging abnormal na ata ang puso ko... bigla bigla na lang lalakas... sabagay baka napapagod lang ako kasi kanina pa kami palakad-lakad dito sa grocery eh.. ang dami kasing walang stuck sa bahay eh... hindi naman si mama nakaka-grocery kasi bising-bisi si mama sa kumpanya namin...
"Huy! Macy... nakatulala ka diyan??" tanong saakin ni Chad... tapos winagayway niya ung kamay niya sa mukha ko... napatingin naman ako sakanya sabay sabing "Ha? ano ulit yun? may sinasabi ka ba? hehe sorry.." sabi ko sabay peace sign sakanya ^_^v may iniisip lang kasi ako...
"Hay -____- ang sabi ko bakit ka nakatulala Tsk.." sabi niya saakin... "ahh.. yun ba... wala lang yun may iniisip lang ako..." sabi ko sakanya tapos kumuha ako ng ilang packs ng noodles... "sana nga ako ung iniisip mo.." napatingin naman ako sakanya... hindi ko masyadong narinig ung sinabi niya eh kaya tinanong ko ulit siya...
"May sinasabi ko po ba??" tanong ko sakanya at napatingin naman siya saakin na may halong gulat.. "a-ahhh... w-wala un hehe..." sabi niya sabay talikod saakin at medyo naglakad palayo... natawa naman ako pero hindi ko talaga narinig ung huli niyang sinabi eh ano kaya un... wag na lang isipin...
* * * * (End Of Flashback) * * * *
Habang iniisip ko un... naka tulog bigla ako tapos nakatulog na ako na naka ngiti... nakakatawa naman ang kulit niya... kahit na suplado siya sa school pero kapag kasama mo siya puro kalokohan ang ginagawa...
*** MORNING ***
Naalimpungatan ako sa may biglang nagsasalita sa may pintuan ko... gising na ako pero hindi ko parin binubuksan ang mga mata ko... para kapag pumasok sila dito ay hindi nila mapansin na gising na ako at nakikinig sakanila....
"Ano ka ba... siya lang ang mahal ko hindi ikaw...." sabi nung isang tao sa harap ng pinto ko.. boses lalake eh... parang si Chad un.. pero hindi ko lang sure un...
"wag na lang siya... ako na lang... wala nga sayong naalala eh... blangko.. as in zero kaya ako na lang wag na lang siya... ako lagi ang nasa tabi mo dati ah... kapag may ibibigay ka sakanya.. ako na lang" sabi naman nung isang tao.. babae naman un... at tsaka parang si Dana... hindi ko lang sure pero bakit ganun si Dana may gusto kay Chad??
Tapos si Chad... may gusto kanina naman?? medyo naguguluhan parin ako ah??...
"Oo nga pero napagusapan na natin yan dati pa ah... nung bago niya pa malaman na gusto ko na siya... diba??" sabi nung lalake na parang si Chad... hindi pala, mali pala... si Chad nga yun... akalain mo un may nagugustuhan pala siya...
.
.
.
.
.
.
.
at yun yung dahilan kung bakit biglang kumirot ng onti ang puso ko...
Ewan ko ba... hay -________- nagiging abnormal na naman ako ngayon... "Ayaw ko Chad... akin ka lang... walang maalala sau si Macy... kung kailangan lang ng masira ang pagkakaibigan namin para lang makuha ka... gagawin ko..." sabi un nung isang tao na parang si Dana.. wait si Dana nga un...
WHHHAAATT??!! SI CHAD MAY GUSTO SAAKIN?! ano bang nangyayari sa mundong ito... sobrang naguguluhan na talaga ako eh... at anong sabi ni Dana? para lang makuha si Chad ay masisira na ang pagkakaibigan namin?! edi kung ganun ibibigay ko na lang si Chad... ayaw kong mawalan ng kaibigan...
siya na nga lang ang kaibigan ko mawawala pa siya diba... kahit na may gusto ako sakanya... o higit pa doon... basta wag lang saakin mawawala si Dana...
Sorry Chad... pero mas mahalaga saakin si Dana... kahit na may gusto ako sayo....
=============================================================================
(A/N): Hello Readers!! Nagbabalik na po si Ate Akkie sa MMG hahaha!! sorry po kung medyo matagal ako nag-update... katatapos palang po kasi ng Quarterly namin eh kaya.. hindi po ako nakapag-update... sinulat ko po din kasi ang Newly One Shot ko entitled "Library" ... kung interested po kayo... basahin niyo po haha!! mag-iwan po kayo ng mga comments ah? kung magugustuhan niyo o hindi... pa-vote na lang din po hoho!!! salamat po sa magbabasa nun ^_^... Sorry po kung Short update lang... it-try ko pong maging long Update sa susunod... God Bless U All Guys!! ^_^
Vote/Comment/Follow Me ^-^
- Macewriter ^.~

BINABASA MO ANG
My Mystery Guy.
RomanceProperty of Macewriter Stories Merong isang babae na nainlove sa isang lalake na nasa............Panaginip niya, May possibility kaya na makita nung babae yung lalake sa personal? at higit sa lahat ay magkakaroon kaya ng pagtingin sa isa't-isa? at m...