Chapter 3

1K 23 3
                                    

K A T H R Y N ' S  POV

"Guys!! Lika!" napaatras ako sa nakita ko.

Nakabukas na lahat ng padlocks ng pinto na para bang sa loob ito binuksan. Onti unting lumapit sakin sina Juls and Jess, kasama yung laptop kung saan itinatanong na sa amin nila Quen kung ano yung nangyayare.

"Nakasara yung pinto pero bakit bukas na yung mga padlocks?" tanong ko.

"Teka," nagsalita si Dj, "Bakit parang sa loob to binuksan? Na parang di kayo pinasok?" napatigil siya, "Sigurado ba kayong linock niyo? Baka naman hindi niyo lang nailock kanina!"

"Excuse me, pero kaya nga namin siya nalock kanina dahil dun namin kayo nakita!" depensa ko.

"Ah, so kami parin?"

"Oh, wag na nga kayong dalawa magaway" saway ni Quen.

"--Silipin kaya natin?"

Napatingin kami lahat kay Jess dahil sa sinabi niya.

"Are you out of your mind?" sumbat ni Juls, "I think the best thing to do when you see your padlocks unlocked is to lock it!"

"Wait, wait, I think tama si Jess" singit ni Quen, "Diba sabi niyo nasa likod sila ng metal screen kanina? Try niyong tignan uli, pero make sure na nakatutok din yung cam sa pinto para nakikita namin"

"No, not again, I can't"

Hindi agree si Juls sa plano ni Quen kaya naman lumayo siya ng onti sa amin at nagiwan siya ng safe distance habang kaming dalawa ni Jess yung lumapit sa pinto. Si Jess ang may hawak nung laptop habang ako yung tagabukas nung pinto.

Hinawakan ko yung doorknob at nung ito'y binuksan ko,

Wala nang tao.


Q U E N ' S POV

Nung nakita naming walang tao sa pinto nila, ilinapag kaagad ni Kath yung laptop sa kitchen counter. Iniwan nila kami doon habang umakyat silang tatlo para inspeksyunin lahat ng pintuan sa bahay nila. Sisiguraduhin daw nilang nakalock lahat ng posibleng pasukan, pati na rin yung mga bintana.

"Paano yan mga pre?" tanong ni Dj nung nakaalis na yung tatlo.

"Hindi ko alam. Witness tayo nyan kapag napaano sila." sabi ni Khalil.

"Wag naman sanang may mangyari. Kaya nga natin sila tinutulungan para masiguradong walang mangyayareng masama diba?" sagot ko.

"Nasulat mo ba yung address nila bro?" tanong ni Dj kay Khalil.

"Oo," pinakita niya sa amin yung papel, "Alam niyo ba kung saan yan? Baka Mindanao pa yan bros ah, sinabi niyo pang pupuntahan natin sila."

Kinuha ko yung papel. Starm St. 

"Hindi" sabi ko kaagad sakanila.

"Alam mo kung saan?" tanong ni Dj.

"Oo," sabi ko.

"Malapit lang ba yan?" 

Tumango ako sa kanila.

Mabuti nalang at mabait ang tadhana. Mabuti nalang at hindi gaanon kalayo yung bahay nila sa amin. Nadadaan ko na yung street nila noon pa pero di ko aakalaing dadating yung panahon na may mapupuntahan ako doon.

Nagintay kami sa pagbalik nilang tatlo. Alam kong ngayon lang namin sila nakilala pero yung kaba namin para sakanila ay may substansyang pagaalala. Kahit hind pa sabihin nitong dalawa kong bros, alam kong ganun ang nararamdaman nila. Naisip ko, siguro dahil may mga kapatid kaming babae o kaya mga nanay na mahal na mahal namin. Kaya naman ang bilis nung attachment at pagaalala. Knowing din na mga babae sila at wala silang kasama ngayon na pwedeng magligtas sakanila.

Video-Go-Seek [KathNiel FanFiction]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon