Chapter 2

1K 23 4
                                    

K A T H R Y N ' S POV

"Uhm... Ka-Kath... Is that... Quen with K and Dj?" patakot na tanong sa akin ni Juls habang tumuturo sa bintana.

Agad kaming nagtago sa sinisilipan namin at umupo sa ilalim ng bintana para manatiling hindi kita.

Anong ginagawa nila dito? Paano nila nalaman kung nasan kami nakatira? Hala, ito na ba yung sinasabi ni Jess na baka delikado tong pinasok namin! Kailangan na namin mag plano para masiguradong ligtas kami. At habang nasa loob pa kami ng bahay, at hindi namin sila binubuksan, alam kong walang mangyayaring masama sa amin.

Tinignan ko silang dalawa ng kumakalabog yung puso ko,

"May nagsabi ba ng address ko accidentally?? Or kung nasaan tayo ngayon?!"

"Wala!"

"Not me!"

"Eh bat sila andito? Paano nila nalaman kung nasaan tayo?" huminga ako ng malalim, "Shet" hindi ko na mapigilian yung nararamdaman ko. Hindi namin alam gagawin namin! Labis na takot at kaba lamang yung umiikot sa isipan ko ngayon.

Alam kong sila rin tumitibok na yung mga puso sa takot. Ramdam na ramdam ko yung tension sa room.

"But wait!" napatigil si Juls, "Isn't K on chat??"

Nagtinginan kaming tatlo sa sinabi ni Juls.

Oo nga!

Lumunok kami sa kaba at agad na tumakbo sa 3rd floor para tignan kung nandoon pa si K sa video chat. Namula kami sa takot. Umaasa kaming namamalikmata lang kami sa nakita namin sa gate at nagbalik na yung tatlo sa video chat. Ngunit pagkatingin namin sa screen ng laptop,

Wala na si K dun.

Wala nang tao sa video chat.

Hindi siya disconnected. NakaOn parin yung chat namin, kaso nawala na sila sa room nila. Tanging pader nalang yung nakikita namin sa video.

"What the f?!" sigaw ni Juls, "Sara ba all the doors??"

"Sa pagkakaalam ko oo!"

Kailangan naming makasigurado kung nailock namin yung mga pinto. Kaya kahit na takot na takot na kami, kailangan naming bumaba para makasigurado. At syaka, as long as nasa labas parin sila ng gate, alam kong wala silang magagawa sa amin. Alam kong secured tong bahay namin hangga't nakalock yung mga pinto. 

Umalis na kami sa living room at dahan dahang bumaba ng hagdan. "So what are we going t--" tumigil kami sa pagbaba nung nakita naming pumatay sindi yung ilaw sa 1st floor.

"Ano yun?!" tanong ni Jess habang rinig na sa boses niya ang takot.

"Teka, bago tayo bumaba, silipin muna natin uli yung gate!" demanda ko kaagad.

Sabay sabay kaming tatlo bumalik sa 2nd floor para silipin sila. Malalalim na yung mga paghinga namin habang paunti onting binuksan yung kurtina sa bintana para sumilip.

Wala na sila.

Wala nang tao sa gate pagkasilip namin. Halong kaba at pagpapasalamat yung nararamdaman namin. Ngunit hindi talaga kami sigurado kung ano ang dapat maramdaman namin. Unang una, nagpapasalamat kami na wala na sila ngunit nakakakaba yung thought na baka nagtatago lang pala sila. 

"P-paano?!" tanong ni Jess na nagtataka.

"Kailangan natin bumaba para masiguradong wala na talaga sila" sabi ko sakanila habang nanginginig, "At para masigurado na ding nakapadlock na lahat ng pinto!"

"Are you crazy?" reklamo ni Juls.

"Mas mapapahamak tayo pag hindi!" pahabol ko.

"Don't you think mapapahamak tayo if we do?"

Video-Go-Seek [KathNiel FanFiction]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon