Epilogue

1K 45 40
                                    

D A N I E L ' S POV

Pagsuntok ko sa salamin, nabasag ito, at tuluyan nang nawala yung impostor.

Bumukas lahat ng ilaw. 

Nanliit yung mga mata namin sa liwanag at nung nagkatinginan yung buong grupo, nagtawanan kami.

Pagkatingin ko sa kumikirot kong kamay, dumudugo yung pinangsuntok ko. "Agh, Aray," mahina kong sinabi habang hinahawakan yung sugat.

"Bakit mo sinuntok bro? Sabi ko basagin!" sabi sakin ni Quen.

"Kaya nga, Nabasag nga!"

Natawa kaming lahat.

"Are you okay na Dj?" tanong naman ni Juls.

"Oo, salamat sainyo ah"

"Salamat? eh we picked the wrong you nga eh!" sabi ni Juls na para bang may onti pang konsensya.

Tinapik ako ni Jess, "Oo nga, sorry dun ah"

"Ako dapat magsorry," singit naman ni Kath, "Ako yung pumili sa maling ikaw eh." iniwas niya sakin yung mga tingin niya at halatang nahihiya siya sa akin.

Hinawakan ko yung baba niya at itinaas mukha niya para magkatinginan kami, "Okay lang," ngumiti ako, "Ang mahalaga, okay na tayo ngayon diba?"

"--Masarap ba Dj?" sumingit sa amin si Khalil.

Lumingon ako sa kanya, "Ano?"

"Yung kamay mo"

"Ah, ito, dumudugo lang naman, masaya" tumawa ako.

"Ikaw naman kasi bro, ang dami daming bagay dito sa closet ko, kamay mo pa pinangbasag mo!"

"Eh... Mas convenient eh!"

"Konbinyente ba ang tawag mo dyan bro?" tumuro si Quen sa kamay ko at tumawa.

"Lika nga," kinuha ni Kath yung kamay ko na walang sugat, at dinala niya ako sa isang bahagi ng closet.

Naghanap siya ng lampin sa drawer niya at inutusan akong ilabas yung kamay ko. Linagay ko yung dumudugo kong kamay sa harapan niya at ibinalot niya yung lampit papaikot dito. Dahan dahan niya itong itinali at inayos.

"Yieee!" tumili si Juls at pinapalo si Jess, "You two are like, super bagay!"

"Oo nga Juls, pwede" tumango naman si Jess.

"Ano ba kayo, tinutulungan ko lang siya," tumawa ng mahinhin si Kath habang inaayos yung tali ng lampin sa kamay ko. "Lika, kuha tayo ng ice sa kitchen," kinuha niya yung kamay ko at hinila papunta sa pintuan.

"Oh! Look, you guys are holding hands na!" kinikilig na sabi ni Juls.

"Kayo nga ni Khalil dyan, kanina pa kayo" sabi sa kanila ni Kath pangasar bago kami makalabas ng pinto.

Nagtawanan kaming lahat at namula naman tong si Juls and Khalil. Sabay sabay na kaming bumaba papunta sa kitchen. Iba na ang pakiramdam habang tumatapak kami sa bawat hakbang. Wala nang takot, hindi na kumakalabog yung mga puso namin, at hindi na kami tumatakbo. Kalmado na ang aming pagbaba at ramdam mo ang pagbalik nito sa normal.

Ang sumalubong samin sa dining area ay yung dining table nila na mukhang nakausog malapit sa pader. Yung table cloth din nila nasa isang tabi. Meron din sigurong nangyari dito kanina.

Nagtulungan kaming mga boys para iusog sa dati yung lamesa, samantalang yung girls naman, pinatong yung table cloth sa taas.

Namili na kami ng upuan namin habang si Kath naman ay pumunta sa freezer para kunin yung ice.

Video-Go-Seek [KathNiel FanFiction]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon